Patakaran sa Privacy
Impormasyong aming kinokolekta
Paano namin ginagamit ang impormasyong aming kinokolokta
Transparency at pagpipilian
Impormasyong iyong ibinabahagi
Pag-access at pag-update ng iyong personal na impormasyon
Impormasyong aming ibinabahagi
Seguridad ng impormasyon
Kailan nalalapat ang Patakaran sa Privacy na ito
Pagsunod at pakikipagtulungan sa mga nagkokontrol na kinauukulan
Mga Pagbabago
Mga tiyak na kasanayan sa produkto
Iba pang mga kapaki-pakinabang na materyales na may kaugnayan sa privacy at seguridad
Huling binago: Marso 31, 2014 (tingnan ang mga naka-archive na bersyon)
Magagamit mo ang aming mga serbisyo sa maraming iba't ibang paraan – upang maghanap at magbahagi ng impormasyon, upang makipag-ugnayan sa ibang mga tao o upang gumawa ng bagong nilalaman. Kapag nagbahagi ka sa amin ng impormasyon, halimbawa sa pamamagitan ng paglikha ng Google Account, mapapabuti pa namin ang mga serbisyong iyon – upang magpakita sa iyo ng mas marami pang makatuturang resulta ng paghahanap at ad, upang matulungan kang kumonekta sa mga tao o upang gawing mas mabilis at mas madali ang pagbabahagi sa iba. Habang ginagamit mo ang aming mga serbisyo, gusto naming malinawan ka sa kung paano namin ginagamit ang iyong impormasyon at ang mga paraan kung paano mo mapoprotektahan ang iyong privacy.
Ipinapaliwanag ng aming Patakaran sa Privacy:
- Anong impormasyon ang aming kinokolekta at bakit namin ito kinokolekta.
- Paano namin ginagamit ang impormasyong iyon.
- Ang inaalok naming mga pagpipilian, kabilang ang kung paano mag-access at mag-update ng impormasyon.
Sinubukan naming gawin itong simple hangga't maaari, ngunit kung hindi ka pamilyar sa mga terminong tulad ng cookies, IP address, pixel tag at browser, magbasa muna ng tungkol sa mga pangunahing terminong ito. Mahalaga ang iyong privacy sa Google kaya kahit na bago ka sa Google o isang matagal nang user, mangyaring maglaan ng oras upang alamin ang aming mga kasanayan – at kung mayroon kang anumang mga tanong, mangyaring sumangguni sa pahinang ito.
Impormasyong aming kinokolekta
Nangongolekta kami ng impormasyon upang magbigay ng mas mahusay na mga serbisyo sa lahat ng aming user – mula sa pag-alam sa mga pangunahing bagay tulad ng kung aling wika ang iyong sinasalita, hanggang sa mas kumplikadong mga bagay tulad ng kung aling mga anunsyo ang magiging pinakakapaki-pakinabang sa iyo o sa mga taong pinakamahalaga sa iyo online.
Nangongolekta kami ng impormasyon sa dalawang paraan:
-
Impormasyong ibinibigay mo sa amin. Halimbawa, marami sa aming mga serbisyo ang humihiling sa iyo na mag-sign up para sa isang Google Account. Kapag ginawa mo ito, hihingi kami ng personal na impormasyon, tulad ng iyong pangalan, email address, numero ng telepono o credit card. Kung gusto mong ganap na samantalahin ang mga tampok ng pagbabahagi na aming inaalok, maaari rin naming hilingin sa iyo na lumikha ng isang Google Profile na nakikita ng publiko, na maaaring magsama ng iyong pangalan at larawan.
-
Impormasyong nakukuha namin mula sa iyong paggamit ng aming mga serbisyo. Maaari kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa mga serbisyong iyong ginagamit at kung paano mo ginagamit ang mga iyon, tulad ng kapag bumisita ka sa isang website na gumagamit ng aming mga serbisyo sa pag-aanunsyo o tumingin ka at nakipag-ugnayan sa aming mga anunsyo at nilalaman. Kabilang sa impormasyong ito ang:
-
Maaari kaming mangolekta ng mga impormasyong partikular sa device (gaya ng modelo ng iyong hardware, bersyon ng operating system, mga natatanging tagatukoy ng device, at impormasyon tungkol sa mobile network kabilang ang numero ng telepono). Maaaring i-ugnay ng Google sa iyong Google Account ang iyong mga tagatukoy ng device o numero gn telepono.
-
Impormasyon ng log
Kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo o tumingin ng nilalamang ibinigay ng Google, maaari kaming awtomatikong mangolekta at mag-imbak ng ilang partikular na impormasyon sa mga log ng server. Maaaring kabilang dito ang:
- mga detalye kung paano mo ginamit ang aming serbisyo, gaya ng iyong mga query sa paghahanap.
- impormayson ng log ng telepono tulad ng numero ng iyong telepono, numero ng tumatawag na partido, mga numero ng forwarding, oras at petsa ng mga tawag, tagal ng mga tawag, impormasyon ng pagruta ng SMS at mga uri ng mga tawag.
- Address ng internet protocol.
- impormasyon tungkol sa kaganapan sa device gaya ng mga pag-crash, aktibidad ng sistema, mga setting ng hardware, uri ng browser, wika ng browser, petsa at oras ng iyong kahilingan at URL ng pag-refer.
- cookies na maaaring natatanging kumilala sa iyong browser o sa iyong Google Account.
-
Impormasyon tungkol sa lokasyon
Kapag gumamit ka ng isang serbisyo ng Google na pinagana ang lokasyon, maaari kaming mangolekta at magproseso ng impormasyon tungkol sa iyong aktwal na lokasyon, tulad ng mga signal ng GPS na ipinadala ng isang mobile device. Maaari rin kaming gumamit ng iba't ibang mga teknolohiya upang tukuyin ang lokasyon, gaya ng data ng sensor mula sa iyong device na maaaring, halimbawa, magbigay ng impormasyon sa kalapit na mga access point ng Wi-Fi at cell tower.
-
Mga natatanging numero ng application
Ang ilan sa mga serbisyo ay mayroong natatanging numero ng application. Ang numero at impormasyong ito tungkol sa iyong pag-install (halimbawa, ang uri ng operating system at numero ng bersyon ng application) ay maaaring maipadala sa Google kapag na-install o na-uninstall mo ang serbisyong iyon o kapag pana-panahong nakikipag-ugnay sa aming mga server ang serbisyong iyon, gaya ng para sa mga awtomatikong pag-update.
-
Lokal na pag-iimbak
Maaari kaming lokal na mangolekta at mag-imbak ng impormasyon (kabilang ang personal na impormasyon) sa iyong device gamit ang mga pamamaraan gaya ng web storage ng browser (kabilang ang HTML 5) at mga data cache ng application.
-
Cookies at mga hindi kilalang tagatukoy
Gumagamit kami at ang aming mga kasosyo ng iba’t ibang mga teknolohiya upang mangolekta at mag-imbak ng impormasyon kapag bumisita ka sa isang serbisyo ng Google, at maaaring kabilang dito ang pagpapadala ng isa o higit pang cookies o mga hindi kilalang tagatukoy sa iyong device. Gumagamit din kami ng cookies at mga hindi kilalang tagatukoy kapag nakikipag-ugnayan ka sa mga serbisyong inaalok namin sa aming mga kasosyo, gaya ng mga serbisyo ng pag-aanunsyo o mga tampok ng Google na maaaring lumitaw sa ibang mga site.
-
Paano namin ginagamit ang impormasyong aming kinokolokta
Ginagamit namin ang impormasyong aming kinokolekta mula sa lahat ng aming mga serbisyo upang ibigay, panatilihin, protektahan at pagbutihin ang mga ito, upang mag-debelop ng mga bagong serbisyo, at upang upang protektahan ang Google at ang aming mga user. Ginagamit rin namin ang impormasyong ito upang mag-alok sa iyo ng mga iniangkop na nilalaman – tulad ng pagbibigay sa iyo ng higit pang makatuturang mga resulta ng paghahanap at anunsyo.
Maaari naming gamitin ang pangalang iyong ibibigay para sa iyong Google Profile sa lahat ng serbisyong aming inaalok na nangangailangan ng Google Account. Bilang karagdagan, maaari naming palitan ang mga dating pangalang nauugnay sa iyong Google Account upang pare-pareho ang pagkatawan sa iyo sa lahat ng aming serbisyo. Kung ang ibang mga user ay mayroon nang iyong email, o ng iba pang impormasyong tumutukoy sa iyo, maaari naming ipakita sa kanila ang iyong impormasyon sa Google Profile na nakikita ng publiko, gaya ng iyong pangalan at larawan.
Kapag nakipag-ugnay ka sa Google, maaari kaming magtago ng tala ng iyong pakikipag-ugnayan upang makatulong sa paglutas ng anumang mga isyung maaaring iyong hinaharap. Maaari naming gamitin ang iyong email address upang ipagbigay-alam sa iyo ang tungkol sa aming mga serbisyo, gaya ng pagbibigay-alam sa iyo ng tungkol sa mga paparating na pagbabago o pagpapabuti.
Ginagamit namin ang impormasyong kinokolekta mula sa cookies at iba pang mga teknolohiya, tulad ng mga pixel tag, upang pagbutihin ang iyong karanasan bilang user at ang pangkalahatang kalidad ng aming mga serbisyo. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagtago ng iyong mga piniling wika, magagawa naming ipakita ang aming mga serbisyo sa gusto mong wika. Kapag ipinapakita sa iyo ang mga iniangkop na anunsyo, hindi kami mag-uugnay ng cookie o hindi kilalang tagatukoy na may mga sensitibong kategorya, gaya ng mga batay sa lahi, relihiyon, sekswal na oryentasyon o kalusugan.
Maaari naming isama ang personal na impormasyon mula sa isang serbisyo sa impormasyon, kabilang ang personal na impormasyon, mula sa iba pang mga serbisyo ng Google – halimbawa upang gawing mas madaling magbahagi ng mga bagay sa mga taong iyong kakilala. Hindi namin isasama ang impormasyon sa cookie ng DoubleClick sa mga impormasyong personal na matutukoy maliban kung mayroon kaming pahintulot mo sa pag-opt in.
Hihingin namin ang iyong pahintulot bago naming gamitin ang impormasyon para sa isang layunin bukod sa mga naitakda sa Patakaran sa Privacy na ito.
Pinoproseso ng Google ang personal na impormasyon sa aming mga server sa maraming bansa sa buong mundo. Maaari naming iproseso ang iyong personal na impormasyon sa isang server na matatagpuan sa labas ng bansa kung saan ka nakatira.
Transparency at pagpipilian
Mayroong iba’t ibang mga alalahanin sa privacy ang mga tao. Ang aming layunin ay maging malinaw tungkol sa kung anong impormasyon ang aming kinokolekta, upang makagawa ka ng makabuluhang mga pagpili tungkol sa kung paano ito ginagamit. Halimbawa, maaari mong:
- Suriin at kontrolin ang ilang partikular na uri ng impormasyong nauugnay sa iyong Google Account sa pamamagitan ng paggamit ng Google Dashboard.
- Tingnan at i-edit ang iyong mga kagustuhan tungkol sa mga ad na ipinapakita sa iyo sa Google at sa web, tulad ng sa kung aling mga kategorya ka interesado, gamit ang Mga Setting sa Mga Ad. Maaari ka ring mag-opt out sa ilang partikular na serbisyo ng advertising sa Google dito.
- Gamitin ang aming editor upang makita at isaayos kung paano lumilitaw sa mga partikular na indibidwal ang iyong Google Profile.
- Kontrolin kung kanino ka nagbabahagi ng impormasyon.
- Kumuha ng impormasyon mula sa marami naming mga serbisyo.
Maaari mo ring itakda ang iyong browser upang i-block ang lahat ng cookies, kabilang ang cookies na nauugnay sa aming mga serbisyo, o upang isaad na ang isang cookie ay itinatakda namin. Gayunpaman, mahalagang tandaan na marami sa aming mga serbisyo ang maaaring hindi gumagana nang wasto kung ang iyong cookies ay hindi mo pinagana. Halimbawa, maaaring hindi namin maalala ang iyong mga kagustuhan tungkol sa wika.
Impormasyong iyong ibinabahagi
Marami sa aming mga serbisyo ang hinahayaan kang magbahagi ng impormasyon sa iba. Tandaan na kapag nagbahagi ka ng impormasyon sa publiko, ito ay maaaring i-index ng mga search engine, kabilang ang Google. Binibigyan ka ng aming mga serbisyo ng iba’t ibang mga pagpipilian sa pagbabahagi at pagtatanggal ng iyong nilalaman.
Pag-access at pag-update ng iyong personal na impormasyon
Sa tuwing ginagamit mo ang aming mga serbisyo, nilalayon naming makapagbigay sa iyo ng access sa iyong personal na impormasyon. Kung mali ang impormasyong iyon, nagsusumikap kaming magbigay sa iyo ng mga paraan upang i-update ito kaagad o upang tanggalin ito – maliban kung kailangan naming panatilihin ang impormasyong iyon para sa lehitimong negosyo o legal na mga layunin. Kapag ina-update ang iyong personal na impormasyon, maaari naming hilingin sa iyong patotohanan ang iyong pagkakakilanlan bago tumugon sa iyong kahilingan.
Maaari naming tanggihan ang mga hindi makatwiran at paulit-ulit na mga kahilingan, nangangailangan ng hindi balanseng teknikal na pagsusumikap (halimbawa, pagbuo ng bagong sistema o ganap na pagbago sa isang umiiral na kasanayan), naglalagay sa privacy ng iba sa peligro, o labis na hindi praktikal (halimbawa, mga kahilingang tungkol sa impormasyong nasa mga backup system).
Sa mga pagkakataong makakapagbigay kami ng impormasyon sa pag-access at pagwawasto, gagawin namin ito nang libre, maliban kung mangangailangan ito ng hindi katimbang na trabaho. Nilalayon naming panatilihin ang aming mga serbisyo sa paraang nagpoprotekta sa impormasyon mula sa mga hindi sinasadya o malisyosong pagkasira. Dahil dito, pagkatapos mong magtanggal ng impormasyon mula sa aming mga serbisyo, maaaring hindi namin kaagad na tanggalin ang mga natitirang kopya mula sa aming mga aktibong server at maaaring hindi hindi tanggalin ang impormasyon mula sa aming mga backup na sistema.
Impormasyong aming ibinabahagi
Hindi kami nagbabahagi ng personal na impormasyon sa mga kumpanya, samahan at indibidwal sa labas ng Google maliban kung naaangkop ang isa sa mga sumusunod na pangyayari:
-
Mayroong iyong pahintulot
Magbabahagi kami ng personal na impormasyon sa mga kumpanya, mga organisasyon o mga indibidwal sa labas ng Google kapag mayroon kami ng iyong pahintulot na gawin iyon. Nangangailangan kami ng pahintulot sa pag-opt in para sa pagbabahagi ng anumang sensitibong personal na impormasyon.
-
Sa mga administrador ng domain
Kung ang iyong Google Account ay pinapamahalaan para sa iyo ng isang administrador ng domain (halimbawa, para sa mga user ng Google Apps) magkakaroon ng access sa impormasyon sa iyong Google Account (kabilang ang iyong email at iba pang datos) ang nasabing administrador ng domain at mga reseller na nagbibigay ng suporta sa iyong organisasyon. Ang administrador ng iyong domain ay maaaring:
- tingnan ang mga istatistka tungkol sa iyong account, tulad ng mga istatistika tungkol sa mga application na iyong ini-install.
- palitan ang password ng iyong account.
- suspendihin o wakasan ang iyong access sa account.
- i-access o panatilihin ang impormasyong naka-imbak bilang bahagi ng iyong account.
- tumanggap ng impormasyon sa iyong account upang matugunan ang naaangkop na batas, regulasyon, legal na proseso o naipapatupad na kahilingan ng pamahalaan.
- paghigpitan ang iyong kakayahang tanggalin o i-edit ang mga setting ng impormasyon o privacy.
Mangyaring sumangguni sa patakaran sa privacy ng administrador ng iyong domain para sa higit pang impormasyon.
-
Para sa panlabas na pagpoproseso
Nagbibigay kami ng personal na impormasyon sa aming mga affiliate o iba pang mga pinagkakatiwalaang negosyo o tao upang iproseso ito para sa amin, batay sa aming mga tagubilin at alinsunod sa aming Patakaran sa Privacy at iba pang mga naaangkop na hakbang sa pagiging kumpedensyal at seguridad.
-
Para sa mga legal na kadahilan
Magbabahagi kami ng personal na impormasyon sa mga kompanya, mga organisasyon o mga indibidwal sa labas ng Google kung mayroon kaming magandang loob na paniniwala na ang access, paggamit, pagpapanatili o pagbubunyag ng impormasyon ay makatuwirang kinakailangan upang:
- matugunan ang anumang naaangkop na batas, regulasyon, legal na proseso o naipapatupad na kahilingang pampamahalaan.
- maipatupad ang naaangkop na Mga Tuntunin ng Serbisyo, kabilang ang pagsisiyasat sa mga potensyal na paglabag.
- matukoy, maiwasan, o kung hindi man ay matugunan ang panloloko, mga isyung panseguridad o teknikal.
- maprotektahan laban sa pinsala sa mga karapatan, ari-arian o kaligtasan ng Google, ng aming mga user o ng publiko na kinakailangan o pinahihintulutan ng batas.
Maaari kaming magbahagi ng pinagsama-sama, impormasyon hindi personal na makikilala sa publiko at sa aming mga kasosyo – tulad ng mga publisher, advertiser o mga kaugnay na site. Halimbawa, maaari kaming magbahagi ng impormasyon sa publiko upang magpakita ng mga trend tungkol sa pangkalahatang paggamit ng aming mga serbisyo.
Kung masangkot ang Google sa isang pagsasama, pagkuha o pagbebenta ng asset, patuloy naming titiyakin ang pagiging kumpedensyal ng anumang personal na impormasyon at bibigyan ng abiso sa mga apektadong user bago ilipat o mapailalim sa ibang patakaran sa privacy ang personal na impormasyon.
Seguridad ng impormasyon
Lubos kaming nagsusumikap na protektahan ang Google at ang aming mga user mula sa hindi pinahihintulutang access sa o hindi pinahihintulutang pagbabago, pagbubunyag o pagkasira ng impormasyong aming hinahawakan. Sa partikular:
- Ine-encrypt namin ang marami sa aming mga serbisyo gamit ang SSL.
- Nag-aalok kami sa iyo ng dalawang hakbang na pagpapatotoo kapag ina-access mo ang iyong Google Account, at isang Ligtas na Tampok ng Browsing sa Google Chrome.
- Sinusuri namin ang aming mga kasanayan sa pangongolekta, pag-iimbak at pagproseso ng impormasyon, kabilang ang mga pisikal na panseguridad na hakbang , upang magbantay laban sa hindi pinahihintulutang access sa aming mga sistema.
- Pinaghihigpitan namin ang access sa personal na impormasyon ng mga empleyado ng Google, contractor at ahenteng nangangailangang malaman ang impormasyong iyon upang maproseso ito para sa amin, at na napapailalim sa mahigpit na kontraktuwal na obligasyon ng pagiging kumpedensyal at maaaring i-disiplina o tanggalin kung mabigo nilang tugunan ang mga obligasyong ito.
Kailan nalalapat ang Patakaran sa Privacy na ito
Ang aming Patakaran sa Privacy ay sumasaklaw sa lahat ng serbisyong inaalok ng Google Inc. at ng mga affiliate nito, kabilang ang mga serbisyong inaalok sa ibang mga site (gaya ng aming mga serbisyo sa pag-aanunsyo), ngunit hindi kasama ang mga serbisyong mayroong mga nakahiwalay na patakaran sa privacy na hindi isinasali ang Patakaran sa Privacy na ito.
Hindi saklaw ng aming Patakaran sa Privacy ang mga serbisyong inaalok ng iba pang mga kompanya o indibidwal, kabilang ang mga produkto o site na maaaring ipakita sa iyo sa mga resulta ng paghahanap, mga site na maaaring isama ang mga serbisyo ng Google, o iba pang mga site na naka-ugnay mula sa aming mga serbisyo. Hindi saklaw ng aming Patakaran sa Privacy ang mga kasanayan sa impormasyon ng ibang mga kompanya at organisasyong nag-aanunsyo ng aming mga serbisyo, at ng mga maaaring gumamit ng cookies, tag ng pixel at iba pang teknolohiya upang maghatid at mag-alok ng makatuturang mga anunsyo.
Pagsunod at pakikipagtulungan sa mga nagkokontrol na kinauukulan
Regular naming sinusuri ang aming pagsunod sa aming Patakaran sa Privacy. Sumusunod din kami sa maraming framework na sarili ang pagkontrol. Kapag nakakatanggap kami ng mga pormal na nakasulat na reklamo, makikipag-ugnay kami sa taong gumawa ng reklamo upang mag-follow up. Nagsusumikap kami kasama ng mga naaangkop na awtoridad sa pagkontrol, kabilang ang mga lokal na awtoridad sa proteksyon ng datos, upang resolbahin ang anumang mga reklamo tungkol sa paglipat ng personal na datos na hindi namin mareresolba nang direkta sa aming mga user.
Mga Pagbabago
Maaaring pana-panahong magbago ang aming Patakaran sa Privacy. Hindi namin babawasan ang iyong mga karapatan sa ilalim ng Patakaran sa Privacy na ito nang walang iyong tahasang pahintulot. Magpapaskil kami ng anumang mga pagbabago sa patakaran sa privacy sa pahinang ito at, kung makabuluhan ang mga pagbabago, magbibigay kami ng higit pang hayag na abiso (kabilang ang, para sa ilang serbsiyo, email na abiso ng mga pagbabago sa patakaran sa privacy). Itatago rin namin ang mga naunang bersyon ng Patakaran sa Privacy na ito sa isang archive para sa iyong pagsusuri.
Mga tiyak na kasanayan sa produkto
Ipinapaliwanag ng mga sumusunod na abiso ang mga tiyak na kasanayan sa privacy kaugnay ang ilang partikular na produkto at serbisyo ng Google na maaari mong gamitin:
Iba pang mga kapaki-pakinabang na materyales na may kaugnayan sa privacy at seguridad
Makikita ang mga karagdagang kapaki-pakinabang na materyales na may kaugnayan sa privacy at seguridad sa pamamagitan ng mga pahina ng patakaran at prinsipyo ng Google, kabilang ang:
- Ang impormasyon tungkol sa aming mga teknolohiya at prinsipyo, na kinabibilangan ng, bukod sa ibang mga bagay, higit pang impormasyon tungkol sa
- paano gumagamit ng cookies ang Google.
- mga teknolohiyang ginagamit namin para sa advertising.
- paano namin kinikilala ang mga pattern tulad ng mga mukha.
- Isang pahina na nagpapaliwanag kung anong data ang ibinabahagi sa Google kapag binibisita mo ang mga website na gumagamit ng aming mga produkto ng advertising, analytics at social na produkto.
- Ang safety center ng Google, na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kung paano manatiling ligtas at secure online.
"access sa iyong personal na impormasyon"
Halimbawa, sa Google Dashboard, mabilis at madali mong makikita ang ilan sa data na nauugnay sa iyong Google Account. Matuto nang higit pa.
"mga ad na magiging lubos na kapaki-pakinabang sa iyo"
Halimbawa, kung madalas kang bumisita sa mga website at blog na tungkol sa paghahardin, maaari kang makakita ng mga ad na nauugnay sa paghahardin habang nagba-browse ka sa web. Matuto nang higit pa.
"mga serbisyo ng advertising"
Halimbawa, kung madalas kang bumisita sa mga website at blog na tungkol sa paghahardin na nagpapakita ng aming mga ad, maaari kang magsimulang makakita ng mga ad na nauugnay sa interes na ito habang nagba-browse ka sa web. Matuto nang higit pa.
"kumuha ng impormasyon"
Kasama rito ang impormasyong gaya ng iyong data ng paggamit at mga kagustuhan, mga mensahe sa Gmail, profile sa G+, mga larawan, mga video, kasaysayan ng pagba-browse, mga paghahanap ng mapa, mga dokumento, o iba pang nilalaman na naka-host sa Google. Matuto nang higit pa.
"pagsamahin ang personal na impormasyong mula sa isang serbisyo at ang impormasyong mula sa iba pang mga serbisyo ng Google na kinabibilangan ng personal na impormasyon"
Halimbawa, kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account at naghanap ka sa Google, makakakita ka ng mga resulta ng paghahanap mula sa pampublikong web, pati na ng mga pahina, larawan at post sa Google+ mula sa iyong mga kaibigan at maaaring makita ng mga taong nakakakilala o sumusubaybay sa iyo sa Google+ ang iyong mga post at profile sa kanilang mga resulta. Matuto nang higit pa.
"kumonekta sa mga tao"
Halimbawa, maaari kang makatanggap ng mga suhestyon para sa mga taong maaaring kakilala mo o gusto mong maging koneksyon sa Google+, batay sa mga koneksyon mo sa mga tao sa iba pang mga produkto ng Google, gaya ng Gmail at maaaring makita ng mga taong may koneksyon sa iyo ang iyong profile bilang isang suhestyon. Matuto nang higit pa.
"credit card"
Bagama't hindi kami humihingi ng credit card kapag nag-sign up sa kasalukuyan, ang pag-verify ng iyong edad sa pamamagitan ng isang maliit na transaksyon sa credit card ay isang paraan upang kumpirmahing nasasapatan mo ang aming mga kinakailangan sa edad kung sakaling na-disable ang iyong account pagkatapos mong maglagay ng petsa ng kapanganakan na nagsasaad na wala ka pa sa tamang edad upang magkaroon ng Google Account. Matuto nang higit pa.
"mag-develop ng mga bago"
Halimbawa, ang software sa pagsusuri ng pagbabaybay ng Google ay na-develop sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga nakaraang paghahanap kung saan itinama ng mga user ang sarili nilang pagbabaybay. Matuto nang higit pa.
"mga tagatukoy ng device"
Ang mga tagatukoy ng device ay nagbibigay-daan sa Google na malaman kung aling natatanging device ang ginagamit mo upang i-access ang aming mga serbisyo, na magagamit upang i-customize ang aming serbisyo para sa iyong device o suriin ang anumang mga isyu sa device na nauugnay sa aming mga serbisyo. Matuto nang higit pa.
"impormasyong partikular na device"
Halimbawa, kapag binisita mo ang Google Play mula sa iyong desktop, maaaring gamitin ng Google ang impormasyong ito upang tulungan kang magpasya kung sa aling mga device mo gustong magamit ang mga binili mo. Matuto nang higit pa.
"pagandahin ang iyong karanasan bilang user"
Halimbawa, nagbibigay-daan sa amin ang cookies na suriin kung paano nakikipag-ugnayan ang mga user sa aming mga serbisyo. Matuto nang higit pa.
"legal na proseso o naipapatupad na kahilingan mula sa pamahalaan"
Gaya ng iba pang mga kumpanya ng teknolohiya at komunikasyon, regular na nakakatanggap ang Google ng mga kahilingan mula sa mga pamahalaan at hukuman sa buong mundo na magbigay ng data ng user. Matuto nang higit pa.
"maaaring kumuha at magproseso ng impormasyon tungkol sa iyong aktwal na lokasyon"
Halimbawa, maaaring isentro ng Google Maps ang view ng mga mapa sa iyong kasalukuyang lokasyon. Matuto nang higit pa.
"maaaring hindi gumana nang tama"
Halimbawa, gumagamit kami ng cookie na tinatawag na ‘lbcs’ na ginagawang posible para sa iyo na magbukas ng maraming Google Docs sa isang browser. Matuto nang higit pa.
"numero ng telepono"
Halimbawa, kung magdaragdag ka ng numero ng telepono bilang isang opsyon sa pagbawi, maaaring magpadala sa iyo ang Google ng isang text message na naglalaman ng code upang ma-reset mo ang iyong password kung makalimutan mo ito. Matuto nang higit pa.
"protektahan ang Google at ang aming mga user"
Halimbawa, kung nag-aalala ka tungkol sa hindi pinapahintulutang access sa iyong email, ang "Huling aktibidad sa account" sa Gmail ay nagpapakita sa iyo ng impormasyon tungkol sa kamakailang aktibidad sa iyong email, gaya ng mga IP address na nag-access sa iyong email, nauugnay na lokasyon, at oras at petsa. Matuto nang higit pa.
"pagbabahagi"
Halimbawa, sa Google+, marami kang iba't ibang opsyon sa pagbabahagi. Matuto nang higit pa.
"pagbabahagi sa iba pa sa mas mabilis at mas madaling paraan"
Halimbawa, kung isa nang contact ang isang tao, i-o-autocomplete ng Google ang kanyang pangalan kung gusto mo siyang idagdag sa isang mensahe sa Gmail. Matuto nang higit pa.
"ang mga taong pinakamahalaga sa iyo online"
Halimbawa, kapag nag-type ka ng address sa field na Para kay, Cc, o Bcc ng isang mensaheng ginagawa mo, magmumungkahi ang Gmail ng mga address mula sa iyong listahan ng Mga Contact. Matuto nang higit pa.
"upang gawing mas madali ang pagbabahagi ng mga bagay sa mga taong kakilala mo"
Halimbawa, kung nakipag-ugnayan ka sa isang tao sa pamamagitan ng Gmail at gusto mo siyang idagdag sa isang Google Doc o sa isang kaganapan sa Google Calendar, pinapadali ng Google ang paggawa noon sa pamamagitan ng pag-autocomplete ng kanyang email address kapag sinimulan mong i-type ang kanyang pangalan. Matuto nang higit pa.
"tingnan ang aming mga ad at makipag-ugnayan sa mga ito"
Halimbawa, regular kaming nag-uulat sa mga advertiser kung naihatid namin ang kanilang ad sa isang pahina at kung malamang na makita ng mga user ang ad na iyon (kabaligtaran ng, halimbawa, paglalagay nito sa isang bahagi ng pahina kung saan hindi nag-scroll ang mga user). Matuto nang higit pa.
"Maaari kaming magbahagi ng pinagsama-sama at hindi personal na nakakapagpakilalang impormasyon sa publiko"
Kapag nagsimulang maghanap ng isang bagay ang maraming tao, maaari itong makapagbigay ng lubos na kapaki-pakinabang na impormasyon tungkol sa mga partikular na trend sa panahong iyon. Matuto nang higit pa.
"mas may kaugnayang mga resulta ng paghahanap"
Halimbawa, magagawa naming mas may kaugnayan at mas interesante ang paghahanap para sa iyo sa pamamagitan ng pagsasama ng mga larawan, post at higit pa mula sa iyo at sa iyong mga kaibigan.
"pag-aalis ng iyong nilalaman"
Halimbawa, maaari mong tanggalin ang iyong Kasaysayan sa Web, iyong blog, isang Google Site na pagmamay-ari mo, iyong Channel sa YouTube, iyong profile sa Google+ o ang iyong buong Google account.
"upang magpakita ng mga trend"
Makikita mo ang ilan sa mga ito sa Google Trends at YouTube Trends.