Google Play - Patakaran sa Privacy para sa Mga Aklat
Oktubre 13, 2011 | Tingnan ang naka-archive na bersyon
Inilalarawan ng pangunahing Patakaran sa Privacy ng Google kung paano namin hinahawakan ang personal na impormasyon kapag gumagamit ka ng mga produkto at serbisyo ng Google, kasama ang Google Play. Gumagawa ng dalawang bagay ang karagdagang patakaran para sa mga aklat sa Google Play: (1) hina-highlight nito ang pinakamahahalagang probisyon ng pangunahing Patakaran sa Privacy ng Google sa konteksto ng mga aklat sa Google Play, at (2) inilalarawan nito ang mga kasanayan sa privacy na partikular sa mga aklat sa Google Play.
Pinakamahahalagang probisyon mula sa Patakaran sa Privacy ng Google
Nalalapat ang lahat ng probisyon ng Patakaran sa Privacy ng Google sa mga aklat sa Google Play. Bukod sa iba pang mga bagay, nangangahulugan ito na:
- Hindi namin ibinabahagi sa mga third party ang iyong personal na impormasyon, maliban sa mga bihirang pagkakataon na inilalarawan sa Patakaran sa Privacy, gaya ng mga emergency o bilang tugon sa wastong legal na proseso. Para sa mga biniling aklat, binibigyan namin ang mga publisher ng impormasyon tungkol sa benta, ngunit hindi kami nagbibigay ng personal na impormasyon. Para sa mga biniling aklat kung saan kami ang nagsilbing ahente ng publisher, binibigyan namin ang publisher ng impormasyon tungkol sa mga buwis na sinisingil namin, kasama na ang estado, lungsod at zip code mula sa billing address ng bumili. Nagbebenta ang Google hindi lang ng mga aklat mula sa Google Play, ngunit mula rin sa mga reseller (halimbawa, para sa pagbili mula sa website ng reseller o device sa pagbabasa). Ginagamit rin ng aming mga partner na developer ng application ang mga serbisyo ng Google upang magamit ang Google Play at mabigyan ka ng access sa mga aklat mula sa Google Play gamit ang kanilang mga serbisyo. Kapag bumili ka ng aklat sa isang reseller o gumamit ng mga serbisyo ng isang developer ng application, kakailanganin mong mag-log in gamit ang impormasyon ng iyong Google Account o gumawa ng Google Account kung wala ka pa. Sa sandaling nakapag-log in ka na, kung pipiliin mong i-synchronize ang iyong Google Play account sa iyong account sa reseller o developer ng application, magbabahagi kami sa reseller o developer ng application ng impormasyon tungkol sa iyong mga aklat sa Google Play (hal., lahat ng iyong shelf sa library, aklat, annotation, huling limang pahina na binasa para sa bawat aklat), maliban sa impormasyon tungkol sa (mga) nagbebenta na pinagbilhan mo ng iyong mga aklat. Pamamahalaan ang paghawak ng developer ng application o reseller sa impormasyong iyon (at anumang iba pang impormasyong iyong isusumite nang direkta sa reseller o developer ng application) ng patakaran sa privacy ng developer ng application o ng reseller, hindi ng amin; mangyaring tiyaking suriin ang anumang naaangkop na patakaran sa privacy kapag napili mong bumili sa isang reseller o gumamit ng mga serbisyo ng isang developer ng application.
- Kapag gumamit ka ng mga aklat sa Google Play, nakakatanggap kami ng impormasyon ng log na katulad ng natatanggap namin sa Paghahanap sa Web. Maaaring kasama rito ang impormasyong gaya ng termino ng query o kahilingan sa pahina (na maaaring kabilangan ng mga pamagat ng aklat o partikular na pahina sa loob ng aklat na iyong binabasa), Internet Protocol address, uri ng browser, wika ng browser, ang petsa at oras ng iyong kahilingan at isa o higit pang cookies na maaaring makapagpakilala sa iyong browser o sa iyong account.
- Maliban na lang kung naka-log in ka sa iyong Google Account, hindi mauugnay sa iyong Google Account ang iyong aktibidad sa Google Play.
- Maaari mong piliing gumamit ng mga opsyonal na tampok sa loob ng mga aklat sa Google Play (gaya ng Library Ko o mga biniling aklat) o iba pang mga opsyonal na serbisyo ng Google (gaya ng aming serbisyo na Kasaysayan sa Web) na nangangailangan ng Google Account at maaaring makatanggap at mag-imbak ng impormasyon mula sa mga aklat sa Google Play, kaugnay ng iyong Account. Ipapakita sa iyo ng mga tampok ng mga aklat na nag-iimbak ng impormasyon ang impormasyong naimbak mo at bibigyan ka ng mga ito ng kakayahang tanggalin ito (maliban na lang kung iniaatas sa amin ng batas na itago ito o kung ito ay para sa mga tunay at limitadong layuning pang-negosyo gaya ng mga pagsisiyasat sa panloloko). Gayunpaman, hindi mo matatanggal ang tala ng iyong transaksyon ng pagbili (kasama na ang pamagat ng aklat) mula sa kasaysayan ng iyong Checkout account.
- Ginagamit ng Google ang impormasyong iniimbak nito para sa mga layuning tinalakay sa Patakaran sa Privacy ng Google, at upang mapahusay ang aming mga serbisyo (halimbawa, upang makatulong na mag-customize ng mga rekomendasyon para sa mga produkto o serbisyo ng Google kung saan ka maaaring interesado), para sa seguridad, at upang mag-ulat tungkol sa mga pinagsama-samang trend ng user.
- Ang data ng paggamit mula sa Google Play ay napapailalim sa mga parehong pamantayan ng seguridad na nakabalangkas sa aming pangunahing Patakaran sa Privacy.
Mga kasanayang partikular sa mga aklat sa produkto ng Google Play
Ang mga kasanayan sa privacy na partikular sa mga aklat sa Google Play ay:
- Upang matupad ang mga pananagutan sa kontrata sa mga may-ari ng karapatan na naglilisensya sa amin ng mga aklat, nagpapatupad kami ng ilang partikular na limitasyon sa seguridad (halimbawa, upang mapigilan ang mapang-abusong pagbabahagi ng mga biniling aklat at upang magpatupad ng mga limitasyon sa pagtingin ng pahina sa ilang preview ng aklat), at nagpapatupad rin kami ng mga limitasyon sa bilang ng mga browser o device na maaaring magkaroon ng access sa isang account sa loob ng isang partikular na yugto ng panahon. Upang makapagpatupad ng mga limitasyon sa bilang ng mga device, iiimbak namin ang mga natatanging ID number ng iyong mga device sa aming mga server. Maaari kang magtanggal ng ID number ng device kapag gusto mo nang ihinto ang paggamit sa device na iyon.
- Kakailanganin mong magkaroon ng Google Account upang makabili ng mga aklat dahil kailangan ang impormasyon ng account upang makapagbigay ng access sa mga user na bumili ng aklat. Nililimitahan namin ang impormasyon (gaya ng mga pamagat ng mga aklat) na ibinibigay namin sa mga kumpanya ng credit card, at binibigyang-daan ka naming magtanggal ng mga biniling aklat mula sa iyong Google Account. Gayunpaman, hindi mo matatanggal ang tala ng iyong transaksyon ng pagbili (kasama na ang pamagat ng aklat) mula sa kasaysayan ng iyong Checkout account.
- Upang hindi magbago ang posisyon ng pagbabasa sa lahat ng device at upang makapagbigay ng kapaki-pakinabang na nabigasyon sa loob ng isang aklat, iniimbak namin ang huling limang pahina (lang) ng bawat aklat na binasa ng isang user gamit ang account ng user. Iniimbak din namin ang mga binasang pahina para sa pagsubaybay sa seguridad at/o kung mapili ng user na gamitin ang serbisyo ng Kasaysayan sa Web.
- Ang mga espesyal na legal na proteksyon sa privacy para sa mga user ay maaaring malapat sa mga sitwasyon kung saan humiling ang nagpapatupad ng batas o mga civil litigant sa Google ng impormasyon tungkol sa kung aling mga aklat ang tiningnan ng isang indibidwal na user. Ang ilang hurisdiksyon ay may espesyal na "mga batas sa aklat" na nagsasabing hindi available ang impormasyong ito maliban na lang kung nasasapatan ng taong humihiling nito ang isang espesyal at mataas na pamantayan, gaya ng pagpapatunay sa isang hukuman na may matinding pangangailangan para sa impormasyon, at mas mahalaga ang pangangailangang ito sa interes ng user sa pagbabasa nang hindi nakikilala sa ilalim ng United States First Amendment o iba pang mga naaangkop na batas. Kapag umiiral ang "mga batas sa mga aklat" na ito at nalalapat ang mga ito sa mga aklat sa Google Play, ipapaalam namin ang mga ito. Ipagpapatuloy rin namin ang aming kasaysayan ng pagpapatupad ng matataas na pamantayan upang maprotektahan ang mga user, nalalapat man o hindi ang isang partikular na "batas sa mga aklat". Dagdag pa rito, nakatuon kami sa pagno-notify sa apektadong user kung makatanggap kami ng ganoong kahilingan na maaaring humantong sa pagbubunyag ng kaniyang impormasyon; kung pinapahintulutan kami ng batas na gawin ito at kung mayroon kaming mabisang paraan upang makipag-ugnay sa user, susubukan naming magawa ito sa lalong madaling panahon upang mahadlangan ng user ang kahilingan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga aklat sa Google Play at privacy, pakitingnan ang aming FAQ.