Ang iyong privacy sa Google

Dito ka makakahanap ng mga sagot sa ilan sa mga pinakaitinatanong sa amin tungkol sa privacy, gaya ng Ano ang data? Tingnan din ang Patakaran sa Privacy kung gusto mong matuto pa.

Iyong lokasyon

Pumunta sa paksa

Pagbabahagi sa Google

Pumunta sa paksa

Data at pag-personalize

Pumunta sa paksa

Ikaw ang may kontrol

Pumunta sa paksa

Iyong lokasyon

Alam ba ng Google ang lokasyon ko?

Sa tuwing gagamitin mo ang internet, matatantiya ng mga app at site kung nasaan ka, at totoo rin ito para sa Google. Posible ring malaman ng Google ang eksakto mong lokasyon, depende sa mga setting ng iyong device. (Tingnan ang Gaano kaeksakto ang aking lokasyon?)

Kapag naghanap ka sa Google, gaya ng sa Search, Maps, o Google Assistant, posibleng gamitin ang kasalukuyan mong lokasyon para mabigyan ka ng mas nakakatulong na resulta. Halimbawa, kung naghahanap ka ng mga restaurant, ang pinakanakakatulong na resulta ay posibleng mga restaurant na malapit sa kung nasaan ka.

Tingnan ang Paano mo mapapamahalaan ang iyong lokasyon

Paano ko mao-on at mao-off ang lokasyon?

Kapag naghanap ka sa Google, palaging tatantyahin ng Google ang general area na hinahanap mo. Gaya ng anumang app o website na gamit mo na kumokonekta sa Internet, matatantiya ng Google ang iyong lokasyon batay sa IP address ng device mo. Para sa higit pa, tingnan ang Paano nalalaman ng Google kung nasaan ako?.

Para piliin kung ipapadala mo ang tiyak mong lokasyon kapag ginamit mo ang Google, puwede mong i-on o i-off ang mga pahintulot sa lokasyon para sa mga indibidwal na app, site, at para sa iyong device.

Kung itatakda mo ang address ng iyong bahay o trabaho, at natantya ng Google na nasa bahay o trabaho ka, gagamitin ang eksaktong address para sa paghahanap mo.

Gaano kaeksakto ang aking lokasyon?

Iyong pangkalahatang lugar

Kapag naghanap ka sa Google, palaging tatantyahin ng Google ang general area na hinahanap mo. Sa ganitong paraan, maibibigay sa iyo ng Google ang mga nauugnay na resulta, at mapapanatiling ligtas ang iyong account sa pamamagitan ng pagtukoy sa kakaibang aktibidad, gaya ng pag-sign in mula sa isang bagong lungsod.

Ang isang general area ay mas malaki sa 3 sq km at may hindi bababa sa 1,000 user para hindi ka matukoy dahil sa general area ng iyong paghahanap, na makakatulong sa pagprotekta sa iyong privacy.

Ang eksakto mong lokasyon

Kung magbibigay ka ng pahintulot, puwedeng gamitin ng Google ang eksakto mong lokasyon. Halimbawa, kailangan ng Google ang iyong eksaktong lokasyon para magbalik ng pinakanauugnay na resulta para sa mga paghahanap na gaya ng “ice cream na malapit sa akin” o direksyon para sa naglalakad sa bawat pagliko papunta sa isang tindahan.

Tinutukoy ng eksaktong lokasyon eksaktong kung nasaan ka, gaya ng isang partikular na address.

Paano nalalaman ng Google ang aking lokasyon?

Nagmumula ang iyong lokasyon sa magkakaibang source, na sama-samang ginagamit para matantya kung nasaan ka.

IP address ng iyong device

Tinataya at binabatay ang mga IP address sa heograpiya, katulad ng mga area code ng numero ng telepono. Nangangahulugan itong posibleng mataya ng anumang app o website na ginagamit mo, kabilang ang google.com, ang general area kung nasaan ka dahil sa iyong IP address. Itinalaga sa iyong device ng iyong Internet Service Provider ang IP address ng iyong device, at kinakailangan ito para gamitin ang internet.

Lokasyon ng iyong device

Kung nagbigay ka ng pahintulot sa isang Google app o site na gamitin ang lokasyon ng iyong device, puwedeng gamitin ang impormasyong iyon para maunawaan kung nasaan ka. May naka-built in na mga setting ng lokasyon sa operating system ang halos lahat ng device, karaniwan sa mga setting.

Ang iyong aktibidad sa Google

Puwedeng tantyahin ng Google ang general area na kinaroroonan mo batay sa mga dati mong paghahanap sa Google. Halimbawa, kung madalas kang maghanap ng pizza sa Mumbai, malamang na gusto mong makakita ng mga resulta sa Mumbai.

Ang iyong mga may label na lugar

Kung itinakda mo ang address ng iyong bahay o trabaho, puwedeng gamitin ng Google ang mga ito para matantya kung nasaan ka. Halimbawa, kung itatakda mo ang address ng bahay mo, at tinutukoy ng iyong IP address, dating aktibidad, o iba pang source ng impormasyon ng lokasyon na posibleng malapit ka sa bahay mo, gagamitin namin ang lokasyon ng iyong bahay bilang pagtatantya sa kung nasaan ka.

Sino ang makakakita sa aking lokasyon?

Nasa sa iyo iyon. Kung ginagamit mo ang Pagbabahagi ng Lokasyon sa Google, maibabahagi mo ang iyong real-time na lokasyon sa mga kaibigan at kapamilya sa lahat ng Google app at site ng Google.

Tingnan kung ibinabahagi mo ang iyong lokasyon

Naka-off bilang default ang pagbabahagi ng lokasyon. Kung gusto mong ibahagi ang iyong real-time na lokasyon, kakailanganin mong piliin at kumpirmahin kung kanino mo gustong magbahagi at kung gaano katagal. Puwede mong ihinto ang pagbabahagi ng iyong lokasyon anumang oras.

Tingnan ang Ibahagi ang iyong real-time na lokasyon sa iba.

Data at pag-personalize

Ano ang data na kinokolekta ng Google tungkol sa akin?

Kapag ginamit mo ang mga Google app at site ng Google, nangongolekta kami ng impormasyong kailangan namin para ibigay ang mga ito para sa iyo, gawing mas kapaki-pakinabang ang mga ito sa iyo, at para sa ibang dahilang ipinaliwanag sa Bakit nangongolekta ng data ang Google?.

Sa iyong mga setting, malilimitahan mo ang data na kinokolekta namin at kung paano ginagamit ang data na iyon. Halimbawa, kung ayaw mong i-save namin ang iyong History sa YouTube sa Google Account mo, puwede mong i-off ang History sa YouTube. Tingnan ang Paano ko mapipili kung ano ang sine-save ng Google?

Ano ang data?

Kasama sa iyong personal na impormasyon ang mga bagay na ibinibigay mo sa amin na personal na makakatukoy sa iyo, gaya ng pangalan o email address mo. Kasama rin dito ang iba pang data na makatuwirang na-link sa iyo ng Google, gaya ng impormasyong iniuugnay namin sa iyo sa Google Account mo.

Kasama sa iyong personal na impormasyon ang dalawang uri ng bagay:

Mga bagay na ibinibigay o ginagawa mo

Kapag gumagawa ka ng Google Account, nagbibigay ka sa amin ng personal na impormasyon gaya ng iyong pangalan at isang password.

Puwede ka ring mag-save ng content na ginawa, na-upload, o natanggap mo mula sa iba, gaya ng mga mensahe sa email, at larawan.

Mga ginagawa mo sa Google

Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa aming mga serbisyo, kasama na ang mga bagay na gaya ng mga terminong hinahanap mo at mga video na pinapanood mo, mga taong kinakausap mo o binabahagian mo ng content, at ang iyong history ng pag-browse sa Chrome para makapaghatid ng mas magandang karanasan.

Nangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa mga app, browser, at device na ginagamit mo para i-access ang mga serbisyo ng Google, na nakakatulong sa amin na magbigay ng mga feature na gaya ng pag-dim sa iyong screen kung nauubusan ka na ng baterya.

Pinoproseso namin ang iyong lokasyon, gaya ng kapag gamit mo ang mga feature na tulad ng direksyon sa bawat pagliko. Para sa higit pa, tingnan ang seksyong Lokasyon.

Bakit nangongolekta ang Google ng data?

Kinokolekta namin ang impormasyong kailangan namin para maibigay ang aming mga serbisyo, gawing mas kapaki-pakinabang ang mga ito sa iyo, at para sa iba pang dahilang ipinaliwanag sa Mga paraan na ginagamit namin ang data.

Halimbawa, puwede kang tulungan ng Google Maps na makapunta sa kailangan mong puntahan habang iniiwasan ang trapiko dahil ipinagsasama nito ang impormasyon tungkol sa kung nasaan ka (iyong data) sa pampublikong data (mga mapa at impormasyon tungkol sa mga pampublikong lugar).

Mga paraan ng paggamit namin sa data

Ibigay ang aming mga serbisyo

Gumagamit kami ng data para ibigay ang aming mga serbisyo, gaya ng pagpoproseso sa mga terminong hinahanap mo para makapagbalik ng mga resulta.

Panatilihin at pahusayin ang aming mga serbisyo

Tinutulungan kami ng data na mapanatili at mapahusay ang aming mga serbisyo. Halimbawa, puwede naming masubaybayan ang mga outage. At nakakatulong sa amin ang pag-unawa sa mga termino para sa paghahanap na pinakamadalas maibaybay nang mali na mapahusay ang mga feature ng pang-check ng pagbabaybay na ginagamit sa aming mga serbisyo.

Bumuo ng mga bagong serbisyo

Nakakatulong sa amin ang data na maka-develop ng mga bagong serbisyo. Halimbawa, nakatulong sa amin sa pagdisenyo at paglunsad ng Google Photos ang pag-unawa kung paano inaayos ng mga tao ang kanilang mga larawan sa unang app ng mga larawan ng Google, ang Picasa.

Magbigay ng mga naka-personalize na serbisyo, kabilang na ang content at mga ad

Gumagamit kami ng data para magbigay ng naka-personalize na content, halimbawa, mga rekomendasyon para sa mga video na posibleng magustuhan mo. Depende sa iyong mga setting at kung ano ang edad mo, puwede kaming magpakita sa iyo ng mga naka-personalize na ad batay sa iyong mga interes.

Sukatin ang performance

Ginagamit din namin ang data para masukat ang performance at maunawaan kung paano ginagamit ang aming mga serbisyo

Makipag-ugnayan sa iyo

Posible naming gamitin ang iyong email address para magpadala sa iyo ng notification kung may matukoy kaming kahina-hinalang aktibidad

Protektahan ang Google, ang aming mga user, at ang publiko

Ginagamit namin ang data para mapanatiling mas ligtas online ang mga tao, gaya ng para sa pag-detect at pagpigil sa panloloko

Paano ginagamit ng Google ang data para mag-personalize ng mga bagay?

Ang “Pag-personalize” ay tumutukoy sa paggamit ng impormasyong kinokolekta namin para iangkop ang aming mga app at site sa iyo, halimbawa:

  • Mga rekomendasyon para sa mga video na posibleng magustuhan mo
  • Mga tip sa seguridad na iniangkop sa kung paano mo ginagamit ang mga Google app at site ng Google (tingnan ang Security Checkup)

Gumagamit din kami ng data para mag-personalize ng mga ad maliban sa mga kasong gaya ng kapag naka-off ang setting o para sa mga partikular na edad.

Pine-personalize ba ng Google ang mga nakikita kong ad?

Sinusubukan naming gawing kapaki-pakinabang hangga't posible ang mga ad na ipinapakita namin. Pero hindi kami nagpe-personalize ng mga ad para sa mga partikular na edad o para sa mga taong nag-off ng Pag-personalize ng ad.

Magagawa pa rin naming kapaki-pakinabang ang mga ad nang hindi pine-personalize ang mga ito. Halimbawa, kung tumitingin ka ng mga resulta para sa "bagong sapatos," posible kang makakita ng ad mula sa isang kumpanya ng sneaker. Posibleng batay ang ad sa mga karaniwang salik gaya ng oras ng araw, ang pangkalahatan mong lokasyon, at content ng page na tinitingnan mo.

Ikaw ang may kontrol

Paano ko mapipili kung ano ang sine-save ng Google sa aking account?

Habang ginagamit mo ang isang serbisyo ng Google, gaya ng Photos, may mga setting na nagbibigay-daan sa iyong magpasya kung gusto mong mag-back up at mag-sync ng iyong mga larawan.

May mga setting din na nakakatulong sa pag-personalize sa iyong karanasan sa lahat ng Google app at site. Dalawa dito na mahalaga ay ang Aktibidad sa Web at App at History sa YouTube.

Kapag naka-on ang mga kontrol na ito:

  • Naka-save ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa mga Google app at site sa iyong Google Account at
  • Ginagamit ang naka-save na impormasyon para i-personalize ang iyong karanasan sa Google

Aktibidad sa Web at App

Sine-save ang iyong aktibidad sa mga site ng Google at Google app, gaya ng Search at Maps, at kasama ang kaugnay na impormasyong gaya ng lokasyon. Sine-save din nito ang naka-sync na history at aktibidad sa Chrome mula sa mga site, app, at device na gumagamit ng mga serbisyo ng Google.

Ginagamit ang iyong aktibidad para mabigyan ka ng mas mabilis na paghahanap, mas magagandang rekomendasyon, at mas naka-personalize na karanasan sa Maps, Search, at iba pang serbisyo ng Google.

History sa YouTube

Sine-save ang mga video na pinapanood mo at mga bagay na hinahanap mo kapag gamit mo ang YouTube.

Ginagamit ang iyong History sa YouTube para i-personalize ang karanasan mo sa YouTube at iba pang app, gaya ng iyong mga resulta ng paghahanap.

Paano ko ide-delete ang data ng Aking Aktibidad?

Puwede kang mag-delete ng data na naka-save sa iyong Google Account. Maaalis sa aming mga system ang data na pipiliin mong permanenteng ma-delete. Sumusunod kami sa isang maingat na proseso para matiyak na ganap na maaalis ang data na ito sa aming mga server o mapapanatili lang sa isang anyong hindi maiuugnay sa iyo.

Bumisita sa Aking Aktibidad para masuri ang aktibidad na naka-save sa iyong Google Account, gaya ng mga bagay na hinanap, binasa, at napanood mo. Made-delete mo ang mga partikular na bahagi ng aktibidad o lahat ng iyong aktibidad sa loob ng partikular na saklaw ng oras.

Mapipili mo ring awtomatikong ipa-delete ang iyong aktibidad.

Paano ko mada-download ang aking content?

Kasama sa iyong content ang mga bagay na gaya ng mga email, larawan, video, doc, sheet, komento, contact, at event sa kalendaryo.

Bumisita sa I-download ang iyong data para gumawa ng archive ng iyong content — para i-back up ito o para dalhin ito sa ibang kumpanya kung gusto mong sumubok ng ibang serbisyo.

Anong mga kontrol ang mayroon ako kapag naka-sign out ako?

May mga kontrol kang nagbibigay-daan sa iyong piliin kung paano mo gagamitin ang Google, kahit kapag naka-sign out ka. Kapag naka-sign out ka, bumisita sa g.co/privacytools para baguhin ang mga setting na ito:

Pag-customize ng paghahanap

Ginagamit ang iyong mga paghahanap sa Google mula sa browser na ito para sa mga mas nauugnay na resulta at rekomendasyon.

History ng Panonood at Paghahanap sa YouTube

Ginagamit ang iyong aktibidad sa YouTube, gaya ng mga video na pinapanood mo at mga bagay na hinahanap mo, para i-personalize para sa iyo ang YouTube.

Puwede ka ring mag-block ng ilan sa o lahat ng cookies sa iyong browser, pero posibleng maging dahilan ito ng hindi paggana ng ilang partikular na feature sa buong web. Halimbawa, para sa maraming website, kinakailangang i-on ang cookies kapag gusto mong mag-sign in.

Mapipili rin ng mga naka-sign out na user kung gusto nilang makakita ng mga naka-personalize na ad, bagama't hindi kami nagpe-personalize ng mga ad para sa mga partikular na edad.