Mga Patakaran ng Programa ng Google Calendar
Bilang itinakda sa Mga Tuntunin at Kundisyon, maaari tumanggi ang Google Calendar na mag-host ng pampublikong nilalaman ng kalendaryo o kaganapan o mag-alis ng mga user na gumagawa ng mga aktibidad na lumalabag sa aming mga patakaran, kabilang ang:
- Pag-post ng Ilegal na nilalaman, tulad ng paninirang-puri o mga aktibidad na nagpo-promote ng ilegal na pag-uugali tulad ng ilegal na pagsusugal.
- Paggamit ng Google Calendar upang manghimasok sa personal na privacy ng iba pang mga user (hal. panay na palihim na pagsubaybay at panggigipit).
- Mga paglabag sa copyright. Mangyaring tingnan ang aming DMCA na patakaran para sa higit pang impormasyon.
- Paggamit ng Google Calendar upang magpadala ng spam o magpalit ng nakahahamak na code o mga virus.
- Pag-promote sa poot o pag-udyok ng karahasan.
Ang nilalaman ng mga pag-post ng mga pampublikong kaganapan ay dapat na tumpak at pangkalahatang naaangkop para sa lahat ng edad.
Maaari naming baguhin ang mga patakarang ito anumang oras nang walang notice.