Patakaran sa mga pinagkakatiwalaang photographer ng Street View
Nalalapat ang patakarang ito sa lahat ng pinagkakatiwalaang kalahok ng Street View na kumukuha ng koleksyon ng imahe para sa kanilang mga customer na gagamitin sa mga produkto ng Google.
Ang aming patakaran sa mga pinagkakatiwalaang photographer ng Street View ay may sinasaklaw na apat na bahagi:
- Mga kinakailangan sa transparency: impormasyong kailangan mong ibahagi sa iyong mga customer
- Mga ipinagbabawal na kasanayan: mga bagay na hindi mo puwedeng gawin kung gusto mong mag-publish o mamahala ng koleksyon ng imahe na na-upload sa mga produkto ng Google para sa iyong mga customer
- Mga Alituntunin sa Branding: ang naaangkop na paggamit sa mga tatak ng Google
- Mga kinakailangan sa kalidad: kung paano mo kailangang ayusin ang mga account sa pag-advertise sa Google ng iyong mga customer
Mga kinakailangan sa transparency
Para ganap na maunawaan ng mga customer ang mga benepisyo ng pag-upload ng koleksyon ng imahe sa mga produkto ng Google, kailangan nilang magkaroon ng tamang impormasyon para makapagdesisyon nang mabuti. Samakatuwid, iniaatas namin sa lahat ng aming pinagkakatiwalaang kalahok na maging transparent sa impormasyong nakakaapekto sa mga ganitong desisyon. Bukod pa sa pagtugon sa mga kinakailangang nakabalangkas sa ibaba, dapat gumawa ang mga pinagkakatiwalaang kalahok ng mga makatuwirang pagsisikap para magbigay sa kanilang mga customer ng iba pang may kaugnayang impormasyon kapag hiniling.
Kapag nagbebenta ng iyong mga serbisyo ng photography sa iba, mahalagang ipakita mo ang parehong transparency at nauunawaan mo ang iyong mga tungkulin at karapatan kaugnay ng ibang tao, brand, at lokal na batas.
Mga bayarin at gastusin sa mga serbisyo
Kadalasan, naniningil ang mga kalahok sa trusted program ng bayarin sa pamamahala para sa mahahalagang serbisyong ibinibigay nila, at dapat malaman ng mga bumibili ng koleksyon ng imahe kung sisingilin sila ng ganitong mga bayarin. Sa minimum, ipaalam ito sa mga bagong customer sa pamamagitan ng kasulatan bago ang bawat unang benta at ihayag ang pagkakaroon mo ng mga bayarin at gastusin sa mga invoice ng customer.
Partikular na mahalaga para sa mga bumibili ng koleksyon ng imahe na may mas maliliit na badyet -- na posibleng walang resource o kahusayan ng malalaking bumibili ng koleksyon ng imahe -- na malaman kung ano ang maaasahan nila kapag nakikipagtulungan sila sa isang pinagkakatiwalaang photographer ng Street View.
Matapat na pagpapakilala
Bilang kalahok sa trusted program ng Street View, hindi ka dapat magpakilala sa paraang nagmumungkahi na empleyado ka ng Google. Matapat na ipakilala ang iyong sarili bilang ganap na independent na entity ng negosyo, at ipaalam sa mga kliyente ang limitadong tungkulin ng Google bilang serbisyo sa pag-publish.
Indibidwal na pananagutan
Bagama't kadalasang makikita sa Google Maps ang mga na-publish na larawan sa loob ng ilang segundo, posibleng tanggihan ang mga larawang ito kung hindi nakakasunod ang mga ito sa Patakaran sa Content na Mula sa User ng Maps o sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Maps.
- Kung aalisin man ang mga kinomisyong koleksyon ng imahe sa Google Maps, ang paglutas sa isyu ay mananatiling responsibilidad ng photographer at ng may-ari ng negosyo.
- Inirerekomenda naming kaagad na itama o palitan ng mga photographer ang mga larawang lumalabag sa aming mga patakaran - at tiyaking naaprubahan ang mga ito para sa Google Maps — o hindi kaya ay ganap nilang i-refund ang kanilang kliyente kung hindi malulutas ang isyu.
Pagmamay-ari sa larawan
Kapag nakipag-ugnayan ang mga photographer at mga may-ari ng negosyo sa isa't isa, inirerekomenda naming pumasok ang dalawang partido sa isang nakasulat na kontrata na tumutukoy sa mga tuntunin ng kasunduan, warranty, at mga karapatan sa pagmamay-ari sa hinaharap.
- Tukuyin kung sino ang magmamay-ari sa koleksyon ng imahe pagkatapos ng shooting. Kung ang photographer ang magmamay-ari, tiyaking alam ng may-ari ng negosyo kung paano niya puwedeng gamitin ang koleksyon ng imahe nang hindi lumalabag sa copyright ng photographer. Hindi dapat i-publish ang iisang larawan nang dalawang beses sa ilalim ng dalawang account (gaya ng sa account ng photographer at sa account ng may-ari ng negosyo).
Pagsunod sa batas
Tiyaking sumunod sa lahat ng naaangkop na batas kapag nagbibigay ng serbisyo sa mga kliyente. Huwag magsinungaling tungkol sa iyong kakayahan o sa kalalabasang kalidad ng trabahong isasagawa mo. Tiyakin ding nasa iyo ang naaangkop na insurance na kinakailangan para gawin ang trabahong ipinapagawa sa iyo.
Visibility ng larawan
Bibigyan ng rank ng Google ang mga larawan sa Google Maps nang hindi isinasaalang-alang ang anumang kontraktwal o komersyal na kasunduan sa pagitan ng mga third party, kasama ang mga kasunduan sa pagitan ng mga may-ari ng negosyo at mga photographer. Hindi maiimpluwensyahan ng pagkuha ng may-ari ng negosyo ng propesyonal na photographer para sa isang shoot ang magiging rank ng koleksyon ng imahe o kung paano ito lalabas sa Google Maps.
Walang pagsasalungat ng interes
Iniaatas ng ilang programa ng Google — partikular na ng Local Guides — na lumahok ka sa kakayahang hindi propesyonal (hal., hindi ka babayaran para sa content na iaambag mo). Kung mag-aalok ka ng mga serbisyong for hire (gaya ng pag-market ng iyong sarili bilang pinagkakatiwalaang provider ng Street View), mahalagang hindi mo isama ang mga propesyonal na serbisyong ito sa anupamang hindi propesyonal na serbisyo na nagpapahiwatig ng pagiging patas (gaya ng kakayahan mong mag-post ng rating o review bilang Local Guide).
Naaangkop na paggamit sa Mga Brand ng Google
Mga photographer o kumpanya lang na nakakuha na ng status na pinagkakatiwalaan ang puwedeng gumamit sa brand ng Street View ng Google Maps at ng trusted badge bilang mga asset sa marketing. Bilang isang pinagkakatiwalaang photographer, iniimbitahan ka naming gamitin ang mga ito para ipahayag iyong status ng pagiging kilala. Puwedeng gamitin ng mga trusted na pro ang trusted badge, word mark, at mga tatak, kasama ang Google Maps at Street View, o anupamang nauugnay na logo. Nasa ibaba ang ilang bagay na puwede mong gawin at hindi mo puwedeng gawin sa mga ito. Kung naniniwala kang may lumalabag sa mga paggamit sa aming mga asset ng brand na pinapahintulutan ng Google, puwede kang mag-ulat ng mga isyu rito. Para sa lahat ng iba pang asset ng brand ng Google, puwede kang mag-ulat ng mga hindi naaangkop na paggamit dito.
Paggamit sa Trusted Badge
- Gamitin lang ang trusted badge at ang mga tatak kung isa kang certified na miyembro ng trusted program ng Street View.
- Ipakita lang ang trusted badge nang may puting background na may sapat na padding, saan mo man ito ipakita.
- Gamitin lang ang trusted badge kasama ng iyong pangalan o ng pangalan at logo ng kumpanya mo.
- Puwede mong gamitin ang trusted badge at mga tatak sa mga website, presentation, damit na pangnegosyo, at naka-print na materyales sa pagbebenta.
- Tiyaking hindi ang badge at ang mga tatak ang mga pinakamadaling makitang elemento sa page/damit.
- Huwag baguhin ang alinman sa mga logo o wordmark ng Google Maps o Street View, o ang trusted badge, kasama ang sa pamamagitan ng pagdaragdag ng anumang graphics, pagbanat sa mga larawan, o pagsasalin sa mga ito.
- Huwag gamitin ang badge sa mapanlinlang o mapang-abusong paraan. Halimbawa, ang paggamit sa badge sa paraang nagpapahiwatig ng pag-eendorso ng Google sa anumang produkto o serbisyo.
Kapag ibinebenta ang iyong mga serbisyo
- Mag-alok ng mga propesyonal na 360 na larawan bilang isa sa mga serbisyo ng iyong negosyo.
- Huwag magsinungaling at sabihin o itago na bahagi ka ng trusted program kapag nakikipag-ugnayan ka sa mga negosyo.
- Huwag isama sa iyong membership sa Local Guides ang anumang serbisyong for hire na iniaalok mo (gaya ng pag-market ng iyong sarili bilang pinagkakatiwalaang provider ng Street View).
Pag-brand ng iyong website
- Huwag gamitin ang Google, Google Maps, Street View, trusted badge, o anupamang trademark ng Google — o kamukha nito — sa domain name.
- Puwede mong ipakita ang trusted badge sa iyong website.
Branding sa iyong sasakyan
- Kapag nagpapakita ng graphics sa sasakyan, ang puwede mo lang gamitin ay ang sarili mong brand at logo.
- Huwag magpakita ng anumang tatak ng Google, kasama na ang icon, badge, at logo ng Street View sa sasakyan.
Branding sa nadir/zenith ng mga 360 na larawan
- Gamitin ang logo/pangalan ng iyong kumpanya sa naaangkop na laki sa nadir/zenith. Kumonsulta sa mga alituntunin sa patakaran para sa anumang pamantayang partikular sa format.
- Kapag magsasama ka ng branding sa nadir ng iyong koleksyon ng imahe o sa bubong ng sasakyan mo, dapat ay:
- may pahintulot kang gamitin ang branding.
- magpakita ka lang ng content na may kaugnayan (halimbawa, nagpo-promote ng lokal na turismo) o limitado sa attribution.
- Sa sitwasyon ng sponsorship/attribution, ang ipinapakitang branding ay dapat na:
- walang kasamang asset ng brand ng Google.
- walang kasamang anumang pampromosyong graphics o pananalita (maliban na lang kung may kaugnayan ito sa ipinapakitang lokasyon).
- may kasamang "sponsored by" o katumbas na pagsasalin.
- Huwag gamitin ang trusted badge o ang anupamang branding ng Google sa nadir/zenith ng iyong mga 360 na larawan (kasama ang sa anumang graphics sa bubong na puwedeng makita sa camera mo).
Dagdag pa sa mga alituntuning ito, pakitiyak na sumusunod ka sa Mga Panuntunan ng Google para sa Wastong Paggamit, Mga Tuntunin at Kundisyon ng Brand, Mga Alituntunin sa Paggamit ng Geo, at lahat ng iba pang alituntunin sa paggamit para sa mga trademark ng Google.
Pag-advertise ng iyong negosyo sa Google Ads
Kung gusto mo, puwede mong i-advertise ang iyong Negosyo sa Google Ads sa pamamagitan ng paggamit sa terminong 'programa ng pinagkakatiwalaang photographer' sa mga ad mo. Pakitandaang hindi ka pinapayagang gamitin ang brand na "Street View" nang mag-isa o ang anupamang brand ng Google sa iyong mga ad.
Pag-brand sa iyong Profile ng Negosyo sa Google
Kung mayroon kang Profile ng Negosyo sa Google, inaasahang susundin mo ang mga patakaran ng Profile ng Negosyo sa Google, lalo na ang Mga alituntunin sa pagkatawan sa iyong negosyo sa Google.
Huwag gamitin ang Google, Google Maps, Street View, o anupamang trademark ng Google — o katulad nito, sa pangalan ng iyong Profile ng Negosyo sa Google.
Puwede mong i-upload ang iyong trusted badge sa profile mo kapag nabigyan ka na ng trusted status.
Tandaan: Kung hindi mo susundin ang mga alituntuning ito, baka mawala ang iyong status sa programa at ang karapatan mong gamitin ang trusted badge at iba pang tatak.
Mga Kinakailangan sa Kalidad ng Trusted na Koleksyon ng Imahe
Kalidad ng larawan
- 7.5 MP o mas malaki (3,840 x 1,920 px)
- 2:1 na aspect ratio ng larawan
- Walang gap sa larawan sa may horizon
- Walang malalang error sa pag-stitch
- Sapat na detalye sa mga bahaging maliwanag/madilim
- Sharpness: walang motion blur, naka-focus
- Walang nakaka-distract na effect o filter, pati na rin sa nadir ng larawan
Pagkakonekta
- Dapat magpanatili ng malinaw na line-of-sight ang lahat ng nakakonektang 360 na larawan
- Kumuha ng mga larawan nang may 1 metrong pagitan sa loob ng gusali at sa bawat 3m sa labas ng gusali
- Dagdagan ang tsansang makakonekta sa amin sa pamamagitan ng pagpapalawak ng iyong koleksyon hanggang sa isang kalye
Kaangkupan
- Pahintulot na magpakita ng mga tao at lugar
- Tumpak na pagkakalagay ayon sa heograpiya
- Walang binuo ng computer na space o special effect, kabilang ang pag-mirror o pag-warp ng larawan
- Walang attribution na lampas sa bahagi ng nadir
- Walang mapoot o ilegal na content
Mga ipinagbabawal na kasanayan
Hindi naaangkop na content
Makikita ang Ipinagbabawal at Pinaghihigpitang Content sa Patakaran sa Content na Mula sa User ng Maps.
Puwede kang mag-ulat ng hindi naaangkop na content gamit ang link na "Mag-ulat ng problema."
Mga mali, mapanlinlang, o hindi makatotohanang pahayag
Gusto naming makapagdesisyon nang mabuti ang mga kliyente ng mga pinagkakatiwalaang photographer ng Street View tungkol sa pakikipagtulungan sa mga pinagkakatiwalaang photographer ng Street View, na nangangahulugang kailangan mong maging tapat at makatotohanan kapag inilalarawan mo ang iyong kumpanya, ang iyong mga serbisyo, ang mga gastusing nauugnay sa mga serbisyong iyon, at ang mga resultang maaasahan ng mga kliyente mo. Huwag magbigay ng mga mali, mapanlinlang, o hindi makatotohanang pahayag.
Mga Halimbawa:
- pagpapahayag ng maling affiliation sa Google
- pagbibigay ng garantiyang makukuha ang nangungunang placement sa Google Street View o Google Maps
Nanliligalig, mapang-abuso, o hindi mapagkakatiwalaang gawi
Ang mga kliyente ng Street View ay dapat makakuha ng serbisyo mula sa pinagkakatiwalaang photographer ng Street View na kasinghusay ng serbisyong makukuha nila kung direkta silang makikipagtulungan sa Google. Huwag gumamit ng mga nanliligalig, mapang-abuso, o hindi mapagkakatiwalaang diskarte sa mga potensyal o kasalukuyang customer.
Mga Halimbawa:
- paulit-ulit na pagsasagawa ng cold-calling sa mga potensyal na customer
- hindi makatwirang pagpilit sa isang advertiser na mag-sign up o manatili sa iyong ahensya
- pagpapakuha sa ibang tao ng mga pagsusulit sa certification ng Google sa ngalan mo
- phishing
- pag-aalok ng mga voucher ng Google Ads kapalit ng bayad
Tungkol sa aming mga patakaran
Mahalagang maging pamilyar ka at manatili kang up to date tungkol sa patakaran ng Google sa pinagkakatiwalaang photographer ng Street View. Kung naniniwala kaming lumalabag ka sa aming mga patakaran, puwede kaming makipag-ugnayan sa iyo para magsagawa ng detalyadong pagsusuri sa mga kasanayan mo at humiling ng pagwawasto. Sa mga sitwasyon ng mga paulit-ulit o malalang paglabag, puwede ka naming alisin sa trusted program at puwede kaming makipag-ugnayan sa iyong mga customer para abisuhan sila nang naaayon. Puwede ka rin naming pigilang mag-ambag sa mga produkto ng Google Maps.
Ang mga patakarang ito ay karagdagan sa anumang kasalukuyang tuntunin at patakaran na puwedeng ilapat sa mga third party, kasama ang mga ito:
Ano ang mangyayari kung lalabag ka sa patakaran
Pagsusuri sa pagsunod: Puwede naming suriin kung nakakasunod ang iyong negosyo sa patakaran sa pinagkakatiwalaang photographer ng Street View anumang oras. Kung makikipag-ugnayan kami sa iyo para humiling ng impormasyong may kaugnayan sa pagsunod, kinakailangan mong sumagot sa lalong madaling panahon at gawin agad ang anumang pagwawastong kinakailangan para makasunod sa aming mga patakaran. Puwede rin kaming makipag-ugnayan sa iyong mga customer para ma-verify ang pagsunod.
Notification ng hindi pagsunod: Kung naniniwala kaming lumalabag ka sa patakaran sa pinagkakatiwalaang photographer ng Street View, kadalasan ay makikipag-ugnayan kami sa iyo para humiling ng pagwawasto. Kung hindi mo magagawa ang mga hinihiling na pagwawasto sa loob ng ibinigay na yugto ng panahon, puwede kaming magsagawa ng pagkilos sa pagpapatupad. Sa mga sitwasyon kung saan malala o paulit-ulit ang mga paglabag, puwede kaming kumilos nang agaran at walang notification.
Pagsuspinde sa programa ng third party: Ang iyong paglahok sa mga programa ng third party sa Google, tulad ng Google Street View trusted, ay nakabatay sa pagsunod sa patakaran sa pinagkakatiwalaang photographer ng Street View at posibleng malimitahan o masuspinde kung malalaman naming lumalabag ka sa aming mga patakaran o kung hindi ka makikipagtulungan sa aming pagsisikap na suriin kung nakakasunod ang iyong negosyo.
Pagsususpinde ng Maps account: Puwede naming suspindihin ang iyong mga Google Maps account kung magkakaroon ka ng malalang paglabag sa patakaran. Sa mga sitwasyon ng mga paulit-ulit o partikular na malalang paglabag sa patakaran, posibleng permanenteng masuspinde ang iyong mga Google Maps account, at baka hindi ka na makapag-ambag sa Google Maps. Dagdag pa rito, puwede kaming makipag-ugnayan sa iyong mga customer para abisuhan sila nang naaayon.
Mag-ulat ng paglabag sa patakaran sa third party
Sa tingin mo ba ay may third-party na partner na lumalabag sa patakarang ito? Ipaalam sa amin: