Nakatuon ang Google sa pagtulong sa iyong tuklasin ang mundo sa paligid mo. Nilalayon ng koleksyon ng imahe sa aming mga platform na pagandahin ang iyong karanasan at matulungan kang i-preview at i-explore ang malalapit na lugar o ang buong mundo. Marami kaming ginagawa para matiyak na kapaki-pakinabang ang koleksyon ng imahe at ipinapakita nito ang mundong ine-explore ng aming mga user.

Ang koleksyon ng imahe sa Street View ay maaaring iambag ng mga external na partido o ng Google. Malalaman mo ang pagkakaiba batay sa pangalan ng attribution o icon na ipinapakita sa bawat larawan. Ang koleksyon ng imahe na kinunan ng external na partido at na-publish sa Google Maps ay pagmamay-ari ng contributor na iyon (o ng sinumang kahaliling itatalaga nila).

Itinatakda ng page na ito ang Patakaran sa Koleksyon ng Larawan sa Street View na Mula sa Google. Para sa koleksyon ng larawan sa Street View na mula sa user, pakitingnan ang Patakaran sa Content na Mula sa User ng Maps.

Patakaran sa Koleksyon ng Larawan sa Street View
na Mula sa Google

Para makatulong na matiyak na magkakaroon ng positibo at kapaki-pakinabang na experience ang lahat ng tumitingin ng koleksyon ng larawan sa Street View, binuo namin itong Patakaran sa Street View na Mula sa Google. Ipinapaliwanag nito kung paano namin pinapangasiwaan ang hindi naaangkop na content at ang mga pamantayang ginagamit namin para sa pag-publish sa Google Maps ng koleksyon ng larawan sa Street View. Pakibalikan ito paminsan-minsan, dahil puwede naming pana-panahong i-update ang aming patakaran.

Hindi Real Time ang Koleksyon ng Imahe sa Street View

Ang ipinapakita lang ng koleksyon ng larawan sa Street View ay kung ano ang nakita ng aming mga camera noong araw na dumaan ang mga ito sa lokasyon. Pagkatapos, inaabot nang ilang buwan ang pagproseso sa mga ito. Ibig sabihin, ang content na nakikita mo ay puwedeng ilang buwan o ilang taon na ang tagal. Sa ilang lokasyon kung saan nakakuha kami ng koleksyon ng imahe sa loob ng maraming taon, puwede mo ring matingnan ang mga pagbabago sa koleksyon ng imahe na iyon sa aming function na Time Machine.

Pag-blur

Gumagawa ang Google ng ilang hakbang para protektahan ang privacy ng mga indibidwal kapag nagpa-publish sa Google Maps ng koleksyon ng imahe sa Street View.

Bumuo kami ng makabagong teknolohiya sa pag-blur ng mukha at plate number na idinisenyo para i-blur ang mga makikilalang mukha at plate number sa koleksyon ng imahe na mula sa Google na nasa Street View. Kung makikita mong kailangan pang i-blur ang iyong mukha o plate number, o kung gusto mong i-blur ang iyong buong bahay, kotse, o katawan, magsumite ng kahilingan gamit ang tool na "Mag-ulat ng problema."

Hindi Naaangkop na Content

Puwede kang mag-ulat ng hindi naaangkop na content gamit ang link na "Mag-ulat ng problema.". Itinuturing naming hindi naaangkop na content ang mga sumusunod na kategorya, maliban na lang kung may halaga ang content pagdating sa sining, edukasyon, o dokumentasyon.

Mga paglabag sa intelektwal na ari-arian

Mga paglabag sa intelektwal na ari-arian

Hindi namin pinapayagan ang mga larawan o anupamang content na lumalabag sa mga legal na karapatan ng sinuman, kasama ang copyright. Para sa higit pang impormasyon o para maghain ng kahilingan sa DMCA, basahin ang aming mga pamamaraan sa copyright.

Icon ng Tahasang sekswal na content

Tahasang sekswal na content

Hindi namin pinapayagan ang tahasang sekswal na content.

Icon ng Ilegal, mapanganib, o marahas na content

Ilegal, mapanganib, o marahas na content

Hindi namin pinapayagan ang content na ilegal, nagsusulong ng mga mapanganib o kriminal na gawain, o naglalaman ng graphic o walang kabuluhang karahasan.

Icon ng Panliligalig at mga banta

Panliligalig at mga banta

Hindi namin pinapayagan ang content na gumagamit ng Street View para manligalig, manakot, o mang-atake ng mga indibidwal.

Mapoot na salita

Mapoot na salita

Hindi namin pinapayagan ang content na nagpapalaganap o nagtataguyod ng karahasan laban sa mga indibidwal o pangkat batay sa lahi, etnikong pinagmulan, relihiyon, kapansanan, kasarian, edad, nasyonalidad, status bilang beterano, sekswal na oryentasyon, o kinikilalang kasarian.

Icon ng Panteroristang Content

Panteroristang Content

Hindi namin pinapayagang gumamit ng serbisyong ito ang mga teroristang organisasyon para sa anumang layunin, kasama na ang recruitment. Aalisin din namin ang content na nauugnay sa terorismo, gaya ng content na nagsusulong ng mga gawain ng terorista, nang-uudyok ng karahasan, o nagbubunyi ng mga pag-atake ng terorista.

Icon ng Paglalagay ng bata sa panganib

Paglalagay ng bata sa panganib

Ang Google ay may patakarang zero-tolerance laban sa content na nananamantala o umaabuso sa mga bata. Kasama rito ang lahat ng koleksyon ng imahe na may sekswal na pang-aabuso at lahat ng content na nagpapakita ng mga bata sa sekswal na paraan. Kung may makikita kang anumang content na sa tingin mo ay nananamantala ng mga bata sa ganitong paraan, huwag itong i-reshare o huwag magkomento rito, kahit na ang intensyon mo ay ipagbigay-alam sa Google ang tungkol sa content. Kung nahanap mo sa ibang lugar sa internet ang content, direktang makipag-ugnayan sa National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC).

Icon ng Impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan

Impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan

Hindi namin pinapayagan ang content na naglalaman ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan, gaya ng mga detalye ng credit card, medical record, o identification na ibinigay ng pamahalaan - sa iyo man o sa ibang tao.