Gawin at i-publish ang sarili mong koleksyon ng larawan sa Street View
Mas pinadali pa ang pag-capture ng mga bagong komunidad, tourist hotspot, at lokal na negosyo. Piliin lang ang iyong camera, kunin ang mga 360 na video mo, at i-upload sa Street View Studio.
Ipakita ang iyong komunidad, cultural heritage, at mga lokal na negosyo sa pandaigdigang audience.
Tulungan ang mga lungsod na mag-monitor ng trapiko sa kalsada, magsuri ng pinsala sa imprastraktura, mag-optimize ng gawain sa maintenance, at tumulong sa mga pagsisikap sa pag-recover.
Pagandahin ang experience ng turista sa pamamagitan ng pagmamapa sa mga walkway at accessibility point.
May 3 hakbang lang para i-publish ang iyong mga koleksyon ng 360 na larawan sa buong mundo
Mag-capture ng mga kalye, trail, tourist site, at negosyo sa pamamagitan ng camera na compatible sa Street View. Kung wala ang street mo sa Google Maps, tumingin ng iba pang paraan para mamahala o mag-ambag ng data sa aming page na Mga Partner sa Content ng Google Maps.
*Note that Google does not certify any operational or mechanical functions. Any specific technical or logistical issues should be addressed directly with the supplier.
Dalhin ang camera mo habang nagmamaneho, nakasakay, o naglalakad
Gawin ang iyong koleksyon ng 360 na larawan habang nagmamaneho at nasa manibela ang mga kamay mo. Gumamit ng sasakyan o helmet mount habang minamapa ang iyong kalsada, o i-mount ang camera mo sa mini tripod o monopod kung gumagawa ka ng indoor na koleksyon ng larawan.
Mag-upload ng maraming file nang sabay-sabay at i-preview ang iyong mga larawan bago matapos ang pag-upload. I-access ang mga istatistika ng iyong koleksyon ng 360 na larawan at madaling planuhin ang mga ruta mo sa pag-capture sa hinaharap.
Alamin kung paano ginagamit ng mga pampublikong institusyon at organisasyong pangturismo ang Street View para mas ipakita sa buong mundo ang kanilang destinasyon.
Pagbibigay-kakayahan sa mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng Street View
Noong 2019, sinimulang imapa ng isang grupo ng mga photographer ang Zanzibar. Matuto pa tungkol sa epekto ng proyekto sa turismo at sa lokal na ekonomiya.
Ginawang makabago ng Autori ang maintenance ng kalsada sa Finland
Isang software company sa Finland ang nakahanap ng paraan para mangolekta at magsuri ng street-level na data sa mas efficient na paraan gamit ang Street View.
Mga all-terrain na sasakyan na bumabagtas sa mga isla ng French Polynesia
Naging malikhain ang isang lokal na photographer gamit ang mga golf cart, jet ski, at kabayo para ilagay sa mapa ang koleksyon ng imahe ng French Polynesia at matulungan ang mga lokal na first responder na mapahusay ang kanilang mga serbisyo.
Nakipagtulungan ang gobyerno sa WT360 para imapa ang bansa, turuan ang mga taga-roon tungkol sa Street View, at bigyan sila ng kakayahang ipagpatuloy ang proyekto.
Pag-digitize sa Myanmar at pagpapanatili sa pamana ng kultura nito
Tuklasin kung paano sinimulan ng isang virtual reality production company ang pag-digitize sa Myanmar gamit ang Street View para mapanatili ang pamana ng kultura ng bansa.
Pagmamapa ng Zimbabwe gamit ang sasakyan, bisikleta, at bangka
Iminamapa ni Tawanda Kanhema ang bansa niya. Matuto pa tungkol sa kung paano siya nag-capture ng koleksyon ng imahe ng Victoria Falls at kung paano niya dinadala ang mas marami pang lokasyon sa Street View.
Dinadala ng mga Local Guide ang kagandahan ng Kenya sa mundo
Nagtulungan ang mga Local Guide at propesyonal na photographer para imapa ang Kenya at dalhin ang kagandahan nito sa mundo. Matuto pa tungkol sa pakikipagsapalaran nila.
Nagsanib-puwersa ang Bermuda Tourism Authority at Miles Partnership para i-optimize ang online presence ng Bermuda, mapahusay ang pagtuklas sa lokal na negosyo, at matulungan ang mga turista na planuhin ang biyahe nila.
Para ma-highlight ang kultura ng Tonga at iba pang isla sa Pacific, sinimulan ng mga founder ng Grid Pacific ang isang mapanghamong plano na imapa ang buong arkipelago at ilagay ito sa Street View.
Handa ka na bang i-publish ang mga 360 na video mo?
Kung wala ang street mo sa Google Maps, tumingin ng iba pang paraan para mamahala o mag-ambag ng data sa aming page na Mga Partner sa Content ng Google Maps.