Paano binago ng Autori ang pag-maintain ng kalsada sa buong Finland, sa bawat larawan sa Street View.

Pang-araw-araw na hamon para sa mga driver at munisipalidad sa buong mundo ang kalidad ng mga kalsada, mga lumang karatula, at madidilim na kalye. Pero nakahanap ng paraan ang Autori, isang software company sa Finland na nagde-develop ng mga solusyon para sa pag-maintain ng mga imprastruktura, para mangolekta at sumuri ng data sa antas ng kalye sa mas efficient na paraan gamit ang Street View ng Google Maps.

40,000 km

ang kinunan ng larawan

8 milyon

ang mga na-publish na larawan

50 milyon

ang mga pagtingin

data ng kalsada

20

ng data ng kalsada

Pag-streamline ng pamamahala sa pag-maintain ng kalsada sa Finland

Itinatag ang Autori noong 1988 at nagbibigay ito ng mga Software as a Service (SaaS) na solusyon para sa mga awtoridad sa kalsada, mga contractor, at mga third-party na consultant sa Finland para sa pamamahala ng kondisyon, pagpaplano ng pagkilos, at koordinasyon sa pag-maintain. Matagal at magastos ang pagsubaybay sa mga kondisyon ng kalsada sa buong bansa, pero kung gastos ang nakita ng ibang kumpanya, nakita ito ng Autori bilang isang natatanging oportunidad. Gamit ang sarili nilang mga larawan sa Street View at SaaS na solusyon, nakagawa sila ng tool para sa mas magandang pamamahala sa data ng pag-maintain sa imprastruktura ng kalsada at pagdedesisyon sa Finland.

Ang pangangailangan sa bilis at pagbabahagi ng data

Dati, kailangang aktwal na puntahan ng mga awtoridad sa kalsada ang bawat kalsada para malaman ang mga dapat gawin sa mga partikular na lokasyon. Ibig sabihin, kailangan nilang magmaneho nang ilang libong kilometro at huminto nang napakaraming beses para magtala. Hindi lang ito masama sa kapaligiran, magastos din ito, maraming ginagamit na resource dito, at talagang matagal ito. Dahil sa pangangailangan para sa isang solusyon na digital at hindi nakakasama sa kapaligiran, dapat makaisip ng bago ang Autori. At Street View ang unang sumagi sa kanilang isip bilang solusyon para sa visualization sa antas ng kalye.

 

Para makasabay sa pag-maintain ng kalsada, kinakailangan ang madalas na pagbabahagi ng napakaraming data sa maraming iba't ibang party. Nasa Street View na ang lahat ng kinakailangang tool para gawing mas madali ang pagbabahagi ng impormasyon sa mga user - available ito sa lahat gamit ang smartphone at hindi ito nangangailangan ng anumang pag-log in o pag-install ng software. At bagama't nagamit na ang Street View dati para sa pag-maintain ng kalsada, naging pinakamalaking hamon ang pagpapanatiling updated ng data. Nakakita kami ng oportunidad na ayusin ang problemang iyon sa pamamagitan ng pag-integrate ng Street View sa aming software sa pag-maintain ng kalsada.

-

Ari Immonen, Head ng Digitalization Consulting division sa Autori

 

Pagmamapa ng Autori sa mga kalsada ng Finland sa Google Street View

Pagsasama ng online at offline para sa kaligtasan sa kalsada

Sa unang bahagi ng 2017, sinimulan ng Autori ang pagkuha at pag-upload ng 360 na koleksyon ng imahe ng mga pampublikong kalsada sa Finland gamit ang Google account ng kumpanya para i-publish ang mga larawan. Simula noon, nakapag-cover sila ng 40,000 km ng mga pampublikong kalsada at nakapag-upload sila ng 8 milyong larawan, na nagdala ng pamamahala sa pag-maintain ng kalsada online. Sa pamamagitan ng pag-integrate ng Street View sa kanilang mga SaaS na solusyon, pinadali nila para sa mga awtoridad sa kalsada na ma-access nang remote ang mga updated na impormasyon sa asset ng kalsada.

Salamat sa koleksyon ng imaheng na-publish ng Autori sa Street View, maa-upload at mata-tag ang mga ulat ng mga nawawalang karatula ng kalsada, marka, o lubak para matingnan ang mga ito ng mga nauugnay na party mula sa kanilang tanggapan gamit ang dashboard ng Autori. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng nako-customize na solusyon, binibigyang-daan din ng Autori ang mga contractor na masubaybayan at maplano ang kinakailangang gawain sa maintenance sa iisang lugar. Kapag tapos na ang gawain sa maintenance, kukunan at ia-upload ng mga manggagawa ang mga bagong 360 na larawan ng lugar para mapanatiling up-to-date ang data ng kalsada. Binawasan nito ang oras na kailangan para bisitahin ang mga aktwal na site para sa inspeksyon - na makakatipid ng oras, pera, at mga greenhouse gas emission.

Ganap na pagbabago sa kaligtasan sa kalsada

Sa pamamagitan ng Street View, napahusay ng Autori ang pagbabahagi ng impormasyon at kaalaman sa sitwasyon para sa mga awtoridad sa kalsada sa Finland, na nagresulta naman sa mas mababang gastos at mas mataas na efficiency. Dahil nakita ng Autori ang posibleng positibo nitong epekto sa buong mundo, gumagawa na sila ng isang standardized na modelo sa pangongolekta at pagbabahagi ng data ng kalsada sa hinaharap. Tinulungan din nila ang mga residente na mapababa ang kanilang carbon footprint sa pamamagitan ng pagkuha ng 1,000 km pathway para sa pagbibisikleta at paglalakad. Ngayon, nakaka-access na ang mga tao ng updated na data at nakakabiyahe na sila sa mas maiikling distansya sa isang mas eco-friendly na paraan. Bilang karagdagan, mag-iikot sila ulit sa mga kalsada ngayong tag-init para mangolekta ng karagdagang 15,000 km sa Finland, kaya makukunan at mapa-publish na nila ang halos kalahati ng lahat ng pampublikong kalsada sa bansa sa Street View.

Ang tagumpay ng Autori ay isa lang halimbawa ng maraming natatanging paraan kung paano ginagamit ng mga negosyo ang Street View para lumutas ng mga kumplikadong problema. Hindi lang ito basta tool para sa photo-mapping, puwede rin itong magbigay ng napakaraming benepisyo sa iyong negosyo. Handa ka na bang isulat ang sarili mong kuwento ng tagumpay sa Street View?

Magbahagi ng sarili mong koleksyon ng larawan sa Street View