Pagbibigay-kakayahan sa mga lokal na komunidad sa Zanzibar sa pamamagitan ng Street View

Priyoridad ng anumang destinasyong umaasang mapapalago ng turismo ang kanilang ekonomiya na palawakin ang kaalaman ng mundo tungkol sa kanila, at kabilang ang Zanzibar dito. Kaya pagdating sa paggawa ng epekto sa ekonomiya para sa kanilang bansa, determinado ang Zanzibar Planning Commission na ipakita ang ganda ng kanilang kapuluan – at naroon ang Street View para tumulong. Sa tulong ng mga propesyonal na photographer na sina Federico Debetto, Nickolay Omelchenko, at Chris du Plessis mula sa World Travel in 360 (WT360), sinimulan nila ang Project Zanzibar at binigyang-inspirasyon ang mga lokal na komunidad na kusang ipagpatuloy ang proyekto.

Binibigyang-kakayahan ng Google Street View ang mga lokal na komunidad sa Zanzibar

Watch the film

Link to Youtube Video (visible only when JS is disabled)

1,700 km

ang kinunan ng larawan

980 libo

ang mga na-publish na larawan

33 milyon

ang view

105 hotel

ang nakalista

Sama-samang pagsisikap para sa pag-unlad

Isang hamon ang malawakang pagmamapa. Kaya nakipagtulungan ang WT360 team sa labindalawang volunteer na estudyante mula sa State University of Zanzibar para tumulong na imapa ang magandang isla ng Unguja. Sa gabay ng kaalaman ni Federico, Nickolay, at Chris, nakakuha sila ng footage na may layong 1,700 kilometro.

Nag-aambag ang turismo sa mahigit sa 30% sa aming GDP. Bilang resulta, nagawa naming sanayin ang aming kabataan, at ang mga taong bahagi na ng industriya ng turismo. May mga panahon kung kailan mga hotel ang naiisip ng mga tao sa turismo. Higit pa roon ang turismo. Makakakuha ka ng kasaysayan, mga paliparan, at mayroon ding aspeto ng marketing. Malaking benepisyo para sa pamahalaan, at para sa ekonomiya ng bansa, ang pakikipagtulungan ng mga Zanzibari sa industriya.

-

Simai Mohammed Said, Minister of Tourism and Heritage ng Zanzibar.

Habang nagbabago ang Zanzibar, regular na ina-update ng team ni Federico ang mga 360 na larawan ng mga lokal na kalye para tumulong na suportahan ang paggawa ng imprastraktura, at makahimok ng mga bagong bisita sa bansa.

Larawan ng kalsada mula kay Feberico Debetto sa Zanzibar gamit ang Google Street View

Gawing pandaigdigan ang mga negosyo sa pamamagitan ng koleksyon ng 360 na larawan

Sa simula ng taong ito, sinimulan ni Federico na i-explore ang northern island na Pemba. Sa loob lang ng 6 na araw, nakapag-capture si Federico at Ibrahim Khalid, na dating volunteer na estudyante, ng mga larawang may layong mahigit 500 kilometro at 40 aerial na panorama, na na-upload nila sa Google Maps gamit ang Street View Studio.

Gamit ang tumpak na footage ng mga tourist attraction, heritage site, hotel, at negosyo, nagawa nila ang National Global Tour of Zanzibar, isang platform para sa koleksyon ng larawan na mabilis na lumalago at na nagpo-promote ng mga isla sa buong mundo.

Mula sa pagmamapa hanggang sa paggawa ng trabaho

Noong unang nakilala ni Federico si Shamymu Yassin, estudyante pa lang siya na gustong maging drone pilot. Itinutulak ng pagtuon sa pagpapaganda ng hinahaharap ng Zanzibar, lumapit si Shamymu sa WT360 team para matuto tungkol sa teknolohiya ng Street View. Tinuruan siya tungkol sa pinakamagandang gamiting camera, kung paano mag-capture ng mga larawan, at kung paano i-upload ang mga ito sa Google Maps. Hindi nagtagal, nahasa ni Shamymu ang mga kakayahang ito at naging isang propesyonal na photographer na hanapbuhay ang pag-explore at pagmapa ng mga isla ng Zanzibar.

Kasalukuyang nagsisikap sina Federico, Shamymu, at Ibrahim sa pag-upload ng mga bagong aerial na larawan ng Zanzibar, na nakatuon sa mga pinakakamakailang pagbabago sa mga lugar, bagong negosyo, at na-renovate na hotel. At sa pagbubukas ng amusement park ng Zanzibar, patuloy na dumarami ang kanilang layunin.

Malawakang pagmamapa sa Zanzibar: mas smart at mas mabilis na pag-publish ng data gamit ang Street View Studio

Gumanda ang kalidad ng larawan at camera simula 2019, at sa paglulunsad ng Street View Studio, naging mas madali at mabilis ang pag-publish ng koleksyon ng larawan. Puwedeng mag-upload ang mga photographer ng maraming 360 na video nang sabay-sabay, mag-monitor ng pag-usad, maghanap ng mga na-upload na materyal ayon sa lugar o orihinal na filename, at magplano para sa kanilang mga koleksyon sa hinaharap gamit ang mga interactive na layer ng mapa.

 

Na-publish namin ang buong isla ng Pemba gamit ang Street View Studio. Nakabatay sa organisasyon ang mga pangunahing pagpapahusay ng tool, tulad ng pagkakaroon ng kakayahang i-pause o pigilan ang mga pag-upload, at pag-upload ng ilang video nang sama-sama nang hindi kailangang gumising sa gabi para magdagdag ng mga bagong file. Nakatipid kami ng maraming oras para matulog dahil dito!

-

Federico Debetto, propesyonal na photographer

 

Pagbuo sa hinaharap

Nagsimula ang Project Zanzibar sa layuning bigyan ng kakayahan at edukasyon ang mga lokal na estudyante para imapa ang kanilang bansa, at mula noon, nagkaroon ito ng epekto sa mundo. Pagkalipas ng tatlong taon, ibinida ng proyekto ang mga lokal na negosyo, at gumawa ito ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga dating volunteer tulad ni Shamymu at Ibrahim.

Magbahagi ng sarili mong koleksyon ng larawan sa Street View