Mula libangan hanggang sa pagkilala ng buong mundo - paano nagresulta ang pagmamapa sa ganda ng French Polynesia sa napakaraming benepisyo para sa mga nakatira dito.

French Polynesia - dahil sa mga white sand na beach, akyat-babang hiking trail, at mga UNESCO World Heritage Site, sikat ito bilang bucket list destination. Habang abala ang ilan sa pangangarap tungkol dito, nakakita si Christophe Courcaud ng natatanging oportunidad na mailapit sa mga tao ang paraiso at tulungan ang turismo ng Tahiti na lumago gamit ang Street View.

1,800 km

ang kinunan ng larawan

1,200,000

mga larawan

sa pamamagitan ng

mga 8K

mga display resolution video

8+

mga isla

18

hotel ang na-publish

+450

ang nagawang mga listing
ng negosyo

Pagsasabay ng negosyo at pagsasaya

Dahil sa pagmamahal sa Street View at sa napakagagandang isla ng French Polynesia, binuo ni Christophe ang Tahiti 360 noong 2019. Espesyalisasyon ng kumpanya ang pagkuha ng larawan at pag-upload ng 360 na koleksyon ng imahe ng malalawak na outdoor na espasyo sa French Polynesia, kabilang ang mga hiking trail at beach, sa Street View. At bagama't ang pag-capture at pagpapakita sa ganda ng buhay sa isla ang pangunahin niyang pinagtutuunan, tinutulungan din ni Christophe ang mga lokal na negosyo na magkaroon ng higit na visibility sa pamamagitan ng immersive na virtual at indoor na paglilibot sa Street View.

Pagmamapa ng French Polynesia

Sa panahon kung saan digital na ang halos lahat ng bagay, mahirap paniwalaan na mga satellite view lang ng French Polynesia ang available noong wala pa si Christophe at ang Tahiti 360 sa isla. Naging mas kumplikado pa ang mga bagay-bagay dahil walang anumang pangalan ang mga kalye sa mga isla gaya ng Bora Bora at Tahiti, kaya naman mahirap para sa mga nakatira doon at sa mga turista na maglibot-libot. Higit sa lahat, dahil dito ay naging mas mahirap kaysa sa kinakailangan ang pagsasagawa ng mga serbisyong pang-emergency gaya ng mga trabaho ng bumbero, first responder, at pulis.

 

Dati pa man ay naniniwala na akong may kakayahan ang Street View na makapagbigay ng malalaking pakinabang sa mga lokal na komunidad. Matagal na akong humahanga sa kakayahang mailagay ang iyong sarili sa isang partikular na lugar, at maging pamilyar sa paligid bago ka pa umalis sa bahay mo. Mukhang naging partikular na kapaki-pakinabang ito sa French Polynesia kung saan halos imposible ang pag-alam sa mga daraanan mo.

-

Christophe Courcaud, founder ng Tahiti 360

 

Pagmamapa sa Bora Bora sa Google Street View

Dahil nalaman ng mga lokal na awtoridad ang mga benepisyong puwedeng maihatid ng Street View sa buhay sa isla, nakipagtulungan sila sa Tahiti 360 para imapa at mapangalanan ang lahat ng kalsada sa Tahiti, Moorea, Bora Bora, Raiatea, Maupiti, Huahine, Fakarava, at Rangiroa. Gumamit si Christophe ng mga all-terrain vehicle, golf cart, electric bike, jet ski, at kahit kabayo para ma-cover ang 1,800 km ng French Polynesia. Dahil na rin sa naging cover ni Christophe at lokal na geo-data na ibinahagi ng mga awtoridad, posible na ang pagkuha ng mga live na update sa trapiko, suhestyon sa pinakamabilis na ruta, at direksyon papunta sa mga lokal na negosyo sa Tahiti sa Google Maps. Naging kapaki-pakinabang ito lalo na sa mga serbisyong pang-emergency na mas epektibo nang naisasagawa sa buong isla dahil dito. Panghuli, dahil din sa access sa mga larawan ng Tahiti 360 sa Street View, mas naging simple ang urban planning, pag-maintain ng mga gusali, at pag-maintain ng mga kalsada.

Access sa World Heritage Site ng UNESCO

Ang pinaka-immersive na paglilibot ng Tahiti 360 ay ang paglilibot sa Taputapuatea sa isla ng Raiatea. Malaki ang papel ng UNESCO World Heritage Site sa pagdadala ng mahigit 300,000 bisita sa French Polynesia bawat taon. Gayunpaman, dahil sa pagkuha sa ganda nito sa 360, ibinukas ito ni Christophe sa milyon-milyong tao para maranasan nila ito sa virtual na paraan. Dahil sa na-publish na gawa ni Christophe sa Street View, umabot sa ating mga screen ang isang kahanga-hangang tanawin sa mundo at nagkaroon tayo ng kakayahang i-explore ito.

Hindi madali ang pag-cover sa isang buong isla, pero kinaya ito ni Christophe. Para matiyak na na-capture niya ang lahat ng puwedeng ipakita ng Bora Bora sa 360, na-cover niya ang isla sa pamamagitan ng sasakyan, bangka, at paglalakad. Pitong araw lang ang kinailangan ni Christophe para maimapa ang buong isla at gawin itong available para maranasan ito ng lahat sa Street View.

Bukod pa sa Bora Bora, kinunan din ni Christophe ang lahat ng kalye ng Papeete, ang kabisera ng Tahiti, pati na ang bayan ng Pirae. Naging sulit ang visibility noong lumabas ang mga larawan ng dalawang bayan sa Street View.

Nagkaroon din ng pagkakataong sumikat ang mga lokal na negosyo sa Street View. Na-excite ang malalaking grupo ng hotel gaya ng Intercontinental, Manava, at Hilton, pati na ang mas maliliit na negosyong B&B sa pagkakataong maipakita ang kanilang mga pasilidad sa buong mundo.

Nagdaragdag pa sa bucket list

Gusto ng Tahiti 360 na ma-cover ang lahat ng isla sa French Polynesia sa katapusan ng taon, at isusunod na nila ang Maupiti, Tahaa, Marquesas Islands, Gambiers Islands, at Austral Islands. At bagama't marami pang lugar na dapat i-cover sa French Polynesia, iniisip na Christophe ang susunod niyang adventure. Pumayag na siyang makipagtulungan sa mga lokal na awtoridad sa France sa pinanggalingan niyang bayan para i-cover ang 400 km cycling path, mga hortillonnage ng Amiens, at isang panturistang tren para sa Somme Tourisme. Iko-cover din ni Christophe ang Teahupoo, ang host ng mga surfing event para sa 2024 Olympic games. At sa pagitan ng mga ito, umaasa siyang maidagdag ang New Caledonia, at Wallis and Futuna Islands sa Street View para makatulong sa pagpapabuti sa pang-araw-araw na buhay ng mga residente at para tulungan ang mas maraming tao na makilala ang paraiso.

Ang Street View ay isang collaborative na platform kung saan matutulungan ng mga contributor na lumago ang mga komunidad, lumago ang mga negosyo, at mailapit sa mga tao ang mga kahanga-hangang tanawin sa mundo sa pamamagitan ng pag-publish ng immersive na koleksyon ng imahe sa Google Maps. Higit sa lahat, kayang maimapa ng kahit na sino ang sarili niyang tagumpay gamit ang Street View, kailangan lang niyang gawin ang unang hakbang para mag-ambag.

Magbahagi ng sarili mong koleksyon ng larawan sa Street View