Kumonekta sa mundo sa browser na ginawa ng Google
Gumagawa ang Google ng mahuhusay na tool na nakakatulong sa iyong kumonekta, maglaro, magtrabaho, at makagawa ng mga bagay. At gumagana ang lahat ng ito sa Chrome.
Pagiging produktibo kahit na offline ka
Nakakatulong sa iyong makapagtrabaho kahit na wala kang access sa Wi-Fi ang offline na integration sa mga app gaya ng Gmail at Docs.
Gmail
Google Docs
Gmail
Sa Chrome, magagawa mong tingnan ang iyong Gmail, maghanap ng mga mensahe, at sumagot sa mga mensahe kahit na hindi ka nakakonekta sa internet.
Google Docs
Kapag ginagamit mo ang Chrome, puwede kang gumawa, mag-edit, at mag-access ng mga file offline mula sa Docs, Slides, Sheets, at Drive.
Pinapadali ng Chrome na magawa ang mga bagay
Android o iOS man ang gamit mo, may mga feature ang Chrome na nakakatulong sa iyong kumilos sa buong araw mo nang mas maayos.
Google Pay
Ligtas at maginhawang gamitin ang Google Pay para mga pakikipagtransaksyon sa Chrome. Mag-sign in sa Chrome para walang kahirap-hirap na magamit ang mga paraan ng pagbabayad na na-save mo sa iyong Google Account.
Magsalin sa isang pag-click
Nakakatulong sa iyo ang pagsasalin na makipag-ugnayan sa at maunawaan ang mundo sa paligid mo.
Google Translate
Magsalin ng buong website sa isang pag-click. I-access ang Google Translate mula mismo sa search bar ng Chrome o mag-right click lang sa anumang page na gusto mong isalin.
Ipakita ang Chrome sa malaking screen
Sa Chromecast at Chrome, ikabit lang ito at mag-stream.
Chromecast
Sa Chrome, puwede kang mag-cast ng content mula sa iyong device papunta sa Chromecast o TV mo na may Chromecast built-in. Pumili para i-cast ang iyong buong screen o ang isang partikular na tab lang.