Kilalanin ang mga feature na nagpapaespesyal sa Chrome
Sa pamamagitan ng mga kapaki-pakinabang na feature mula sa Google, nakakatulong sa iyo ang Chrome na magawa ang mga bagay at manatiling ligtas online.
Pagsusuri sa Password
Makakatiyak kang ligtas ang iyong mga password
Bukod sa nakakabuo at nakakapag-store ng malalakas na password ang Chrome, nagagawa rin nitong suriin ang iyong mga naka-save na password at magbigay sa iyo ng babala tungkol sa anumang online na paglabag.
Gamitin sa lahat ng device
I-access ang iyong Chrome sa lahat ng device
Mula sa laptop mo, hanggang sa iyong tablet, at hanggang sa telepono mo, kasama mo ang iyong mga bagay-bagay sa Chrome kahit saan ka pumunta. Kapag nag-sign in ka sa Chrome, puwede mong i-save ang mga bookmark, password, at higit pa sa iyong Google Account, at gamitin ang mga ito sa iba mo pang device.
Dark mode
Gawing madilim ang Chrome
Pumili mula sa iba't ibang tema at kulay, gaya ng Dark mode, para matugunan ang iyong mga pangangailangan o kahit ang iyong mood lang.
Maliwanag
Madilim
Slate na Tema ng Chrome
Kunin ito saClassic na Tema ng Chrome
Kunin ito saDefault na Tema ng Chrome
Tumingin pa ng mga tema saMaging mas produktibo
Mga Tab
Manatiling organisado sa pamamagitan ng mga tab
Nakakatulong sa iyo ang mga tab na manatiling organisado, sumubaybay sa maraming page, at mag-multitask. Magagawa mong maggrupo ng mga tab nang magkakasama para maging mas organisado o mag-pin ng mga tab para awtomatikong magbukas ng mga website na madalas mong ginagamit.
Mga kontrol ng media
Higit pang kontrol sa iyong media
Walang kahirap-hirap na kontrolin ang audio at pag-play ng video sa anumang tab ng Chrome. Buksan ang media hub para i-access ang mga kontrol para pamahalaan kung ano ang nagpe-play o magpakita ng video para panoorin ito sa picture-in-picture mode.
Mga Profile
Panatilihing magkakahiwalay ang iyong mga account sa pamamagitan ng mga profile
Sa pamamagitan ng mga profile, mapapanatili mong nakahiwalay ang lahat ng iyong impormasyon sa Chrome, tulad ng mga bookmark, history, mga password, at iba pang setting. Naaangkop ang mga profile kapag may iba pang taong gumagamit sa isang computer o para sa pagpapanatiling nakahiwalay ang iyong iba't ibang account, gaya ng account sa trabaho at personal na account.
Mga Artikulo para sa Iyo
Kumuha ng mga artikulong partikular na na-curate para sa iyo
Kapag ginagamit mo ang iyong telepono, nagpapakita ang Chrome ng mga artikulo, blog, at content mula sa iba't ibang bahagi ng web na iniangkop sa mga interes mo. Kung mas gagamitin mo ang Chrome, magiging mas naka-personalize ito.