Bakit kami nagbebenta ng pag-a-advertise, at hindi ng mga resulta ng paghahanap
Sa isang mundo kung saan halos lahat ay pwedeng bilhin, bakit hindi makabili ang mga advertiser ng mas mahusay na posisyon sa aming mga resulta ng paghahanap?
Simple lang ang sagot. Naniniwala kaming dapat mapagkakatiwalaan mo kung anong nahahanap mo gamit ang Google. Sa simula pa lang, itinakda na naming layunin ng paghahanap na maglaan ng mga pinakamakabuluhang sagot at resulta sa aming mga user.
Isinasaalang-alang ng mga resulta ng paghahanap sa Google kung sino ang nagli-link sa isang web page at kung gaano kalaki ang kaugnayan ng content sa page na iyon sa iyong paghahanap. Ipinapakita ng aming mga resulta kung ano ang pinaniniwalaan ng online community na mahalaga at hindi kung ano ang sa palagay namin o ng mga kasosyo namin na dapat mong makita.
At habang naniniwala kami na ang mga may kaugnayang ad ay maaaring maging kapaki-pakinabang bilang mga aktwal na resulta ng paghahanap, hindi namin nais na malito ang sinuman sa pagkakaiba ng mga ito.
Bawat ad sa Google ay may malinaw na marka at nakahiwalay mula sa aktwal na mga resulta ng paghahanap. Bagama't maaaring magbayad ang mga advertiser nang higit pa para maipakita nang mas mataas sa lugar ng advertising, walang makakabili ng mas mahusay na placement sa mga resulta ng paghahanap. Bukod pa rito, ipinapakita lamang ang mga ad kung may kaugnayan ang mga ito sa mga termino para sa paghahanap na inilagay mo. Nangangahulugan ito na makikita mo lamang ang mga ad na talagang kapaki-pakinabang para sa iyo.
Ang ilang mga online na serbisyo ay hindi naniniwalang mahalaga ang pagkakaiba sa pagitan ng mga resulta ng paghahanap at pag-a-advertise.
Pinaniniwalaan namin ito.