Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Google Maps/Google Earth

Huling Binago: Hulyo, 2022.

Para gamitin ang Google Maps/Google Earth, dapat mong tanggapin (1) ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, at (2) ang Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Google Maps/Google Earth na ito (ang “Mga Karagdagang Tuntunin ng Maps/Earth”). Isinasama sa Mga Karagdagang Tuntunin ng Maps/Earth bilang sanggunian ang Mga Legal na Notice para sa Google Maps/Google Earth at mga Google Maps/Google Earth API.

Pakibasa nang mabuti ang bawat isa sa mga dokumentong ito. Kilala bilang “Mga Tuntunin” ang mga dokumentong ito kapag pinagsama-sama. Itinatakda ng mga ito kung ano ang maaasahan mo sa amin habang ginagamit mo ang aming mga serbisyo, at kung ano ang inaasahan namin sa iyo.

Kung ginagamit mo ang mga para sa merchant lang na feature sa Google Maps para pamahalaan ang iyong Profile ng Negosyo, ang Mga Tuntunin ng Profile ng Negosyo sa Google sa https://support.google.com/business/answer/9292476 ang inilalapat sa paggamit na iyon.

Bagama't hindi ito bahagi ng Mga Tuntuning ito, hinihikayat ka naming basahin ang aming Patakaran sa Privacy para mas maunawaan kung paano mo maa-update, mapapamahalaan, mae-export, at made-delete ang iyong impormasyon.

  1. Lisensya. Habang sinusundan mo ang Mga Patakarang ito, magbibigay sa iyo ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google ng lisensyang gumamit ng Google Maps/Google Earth, kasama na ang mga feature na nagbibigay-daan sa iyong:

    1. tumingin at mag-annotate ng mga mapa;

    2. gumawa ng mga KML file at mga layer ng mapa; at

    3. ipakita sa publiko ang content nang may wastong attribution online, sa video, at sa print;

    Para sa higit pang detalye tungkol sa mga partikular na bagay na puwede mong gawin sa Google Maps/Google Earth, pakitingnan ang page ng pahintulot sa Paggamit sa Google Maps, Google Earth, at Street View.

  2. Ipinagbabawal na Pagkilos. Ang pagsunod mo sa Seksyon 2 na ito ay kundisyon ng iyong lisensya para sa paggamit ng Google Maps/Google Earth. Kapag ginagamit ang Google Maps/Google Earth, hindi mo puwedeng gawin (o payagan ang mga kumikilos sa ngalan mo na gawin) ang mga sumusunod:

    1. ipamahagi ulit o ibenta ang anumang bahagi ng Google Maps/Google Earth o gumawa ng proyekto o serbisyong batay sa Google Maps/Google Earth (maliban na lang kung gamit mo ang mga Google Maps/Google Earth API alinsunod sa mga tuntunin ng serbisyo ng mga ito);

    2. kopyahin ang content (maliban na lang kung pinapayagan kang gawin ito ng page ng pahintulot sa Paggamit sa Google Maps, Google Earth, at Street View o ng nalalapat na batas sa intelectual property, kasama na ang "patas na paggamit");

    3. i-download nang maramihan ang content o gumawa ng mga maramihang feed ng content (o ipagawa ito sa iba);

    4. gamitin ang Google Maps/Google Earth para gumawa o magdagdag ng dataset na may kaugnayan sa pagmamapa (kasama na ang dataset sa pagmamapa o navigation, database ng listing ng negosyo, mailing list, o listahan ng telemarketing) para sa paggamit sa isang serbisyong pamalit sa, o isang serbisyong kaparehong-kapareho ng, Google Maps/Google Earth; o

    5. gumamit ng anumang bahagi ng Google Maps/Google Earth kasama ng mga produkto o serbisyo ng ibang tao para sa o kaugnay ng real-time na navigation o autonomous na pagkontrol sa sasakyan, maliban kung sa pamamagitan ng isang partikular na feature na nagmumula sa Google, tulad ng Android Auto.

  3. Mga Aktwal na Kundisyon; Pagtanggap sa Panganib. Kapag gumamit ka ng data ng mapa, trapiko, mga direksyon, at iba pang Content ng Maps/Google Earth, posibleng mapag-alaman mong iba ang mga aktwal na kundisyon kaysa sa mga resulta ng mapa at content, kaya pag-isipan ito nang mabuti at gamitin ang Google Maps/Google Earth sa sarili mong pagpapasya. Ikaw ang palaging mananagot para sa iyong pagkilos at sa mga kahihinatnan nito.

  4. Ang iyong Content sa Google Maps/Google Earth. Ang content na ia-upload, isusumite, iso-store, ipapadala, o matatanggap mo sa pamamagitan ng Google Maps/Google Earth ay napapailalim sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, kasama ang lisensya sa seksyong tinatawag na “Pahintulot na gamitin ang iyong content.” Kung residente ka ng France, nalalapat ang Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Google Search sa naturang content na ginawang pampublikong available sa Google Search. Gayunpaman, hindi ina-upload o isinusumite sa Google ang content na mananatiling eksklusibong lokal sa iyong device (tulad ng lokal na naka-store na KML file), at samakatuwid, hindi napapailalim ang mga ito sa lisensyang iyon.

  5. Mga User sa Pamahalaan. Kung ginagamit mo ang Google Maps/Google Earth sa ngalan ng isang entity ng pamahalaan, nalalapat ang mga sumusunod na tuntunin:

    1. Sumasaklaw na Batas.

      1. Para sa mga entity ng pamahalaan sa United States at European Union, hindi malalapat ang seksyon sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google tungkol sa sumasaklaw na batas at lugar.

      2. Para sa mga entity ng pederal na pamahalaan ng United States, mapapalitan ng mga sumusunod ang seksyon sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google tungkol sa sumasaklaw na batas at lugar:

        “Ang mga tuntuning ito ay nasasaklawan ng at ipinapatupad alinsunod sa mga batas ng United States of America nang hindi isinasaalang-alang ang salungatan ng mga batas. Tanging hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng pederal na batas: (A) malalapat ang mga batas ng Estado ng California (hindi kasama ang mga panuntunan ng California sa mga salungatan sa batas) kung walang naaangkop na pederal na batas; at (B) ang anumang di-pagkakasundong magmumula o nauugnay sa Mga Tuntuning ito o sa Google Maps/Google Earth ay eksklusibong lilitisin sa mga pederal na hukuman ng Santa Clara County, California, at pinapahintulutan ng mga partido ang personal na hurisdiksyon sa mga hukumang iyon.”

    2. Mga Pinaghihigpitang Karapatan ng Pamahalaan ng U.S. Ang lahat ng pag-access o paggamit sa Google Maps/Google Earth ng o para sa pederal na pamahalaan ng United States ay napapailalim sa seksyong Mga Pinaghihigpitang Karapatan ng Pamahalaan ng U.S." na nasa Mga Legal na Notice ng Google Maps/Google Earth.