Paano pinapangasiwaan ng Google ang mga kahilingan ng pamahalaan para sa impormasyon ng user
Ang mga ahensya ng pamahalaan mula sa buong mundo ay humihiling sa Google na maghayag ng impormasyon ng user. Sinusuri namin nang mabuti ang bawat kahilingan para tiyaking natutugunan nito ang mga nalalapat na batas. Kung masyadong maraming impormasyon ang hinihingi ng kahilingan, sinusubukan namin itong bawasan, at sa ilang sitwasyon, tumututol kaming maglabas ng anumang impormasyon. Ibinabahagi namin ang bilang at mga uri ng mga kahilingang natatanggap namin sa aming Transparency Report.
Nakadepende sa iyong Google service provider ang paraan namin ng pagsagot sa kahilingan — para sa karamihan ng aming mga serbisyo na puwedeng Google LLC, isang kumpanya sa US na nagpapatakbo ng negosyo sa ilalim ng batas ng US, o Google Ireland Limited, isang kumpanya sa Ireland na nagpapatakbo ng negosyo sa ilalim ng batas ng Ireland. Para malaman kung alin ang iyong service provider, suriin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google o tanungin sa administrator ng account mo kung pinapamahalaan ng isang organisayon ang iyong Google Account.
Kapag nakatanggap kami ng kahilingan mula sa isang ahensya ng pamahalaan, nagpapadala kami ng email sa user account bago kami magpahayag ng impormasyon. Kung pinapamahalaan ng isang organisasyon ang account, aabisuhan namin ang administrator ng account.
Hindi kami mag-aabiso kapag legal na ipinagbabawal sa ilalim ng mga tuntunin ng kahilingan. Magpapadala kami ng abiso kapag naalis na ang legal na pagbabawal, tulad ng kapag tapos na ang isang naaayon sa batas o inutos ng hukuman na panahon ng gag order.
Posibleng hindi kami magbigay ng abiso kung na-disable o na-hijack ang account. At posibleng hindi kami magbigay ng abiso sa mga sitwasyon ng emergency, tulad ng mga pagbabanta sa kaligtasan ng isang bata o pagbabanta sa buhay ng isang tao, kung saan magbibigay kami ng abiso kung malaman naming tapos na ang emergency.
Mga kahilingan mula sa mga ahensya ng pamahalaan ng US sa mga kasong sibil, administratibo, at kriminal
Pinaghihigpitan ng Fourth Amendment sa US Constitution and the Electronic Communications Privacy Act (ECPA) ang kakayahan ng pamahalaan na puwersahin ang isang provider na maghayag ng impormasyon ng user. Dapat munang gawin ng mga awtoridad ng US ang sumusunod na pangunahing bagay:
- Sa lahat ng sitwasyon: Magbigay ng subpoena para obligahin ang paghahayag ng pangunahing impormasyon sa pagpaparehistro ng subscriber at mga partikular na IP address
- Sa mga kriminal na kaso
- Kumuha ng utos ng hukuman para obligahin ang paghahayag ng mga talang hindi content, tulad ng mga field na Para kay, Mula kay, CC, BCC, at Timestamp sa mga email
- Kumuha ng search warrant para obligahin ang paghahayag ng content ng mga pakikipag-ugnayan, tulad ng mga mensahe sa email, dokumento, at larawan
Mga kahilingan mula sa mga ahensya ng pamahalaan ng US na kinasasangkutan ng pambansang seguridad
Sa mga imbestigasyong may kaugnayan sa pambansang seguridad, puwedeng gumamit ang pamahalaan ng US ng National Security Letter (NSL) o ng isa sa mga kapangyarihang ibinigay sa ilalim ng Foreign Intelligence Surveillance Act (FISA) para obligahin ang Google na magbigay ng impormasyon ng user.
- Hindi nangangailangan ang NSL ng hudisyal na awtorisasyon at magagamit lang ito para obligahin kaming magbigay ng limitadong impormasyon ng subscriber.
- Puwedeng gamitin ang mga utos at awtorisasyon ng FISA para obligahin ang elektronikong pagmamanman at ang paghahayag ng naka-store na data, kasama ang content ng mga serbisyong gaya ng Gmail, Drive, at Photos.
Mga kahilingan mula sa mga awtoridad ng pamahalaan sa labas ng US
Minsan, nakakatanggap ang Google LLC ng mga kahilingan sa paghahayag ng data mula sa mga awtoridad ng pamahalaan sa labas ng US. Kapag nakatanggap kami ng ganitong kahilingan, puwede kaming magbigay ng impormasyon ng user kung naaayon ang aksyong ito sa lahat ng sumusunod:
- Batas ng US, na nangangahulugang pinapahintulutan ang access at paghahayag sa ilalim ng nalalapat na batas ng US, tulad ng Electronic Communications Privacy Act (ECPA)
- Batas ng bansang humihiling, na nangangahulugang kinakailangan naming sundin ng awtoridad ang parehong due process at mga legal na kinakailangang malalapat kung isang lokal na provider ng parehong serbisyo ang nakatanggap ng kahilingan
- Mga pandaigdigang pamantayan, na nangangahulugang nagbibigay lang kami ng data bilang sagot sa mga kahilingang nakakatugon sa Principles on Freedom of Expression and Privacy ng Global Network Initiative at sa mga nauugnay na alituntunin sa pagpapatupad nito
- Mga patakaran ng Google, na kinabibilangan ng anumang nalalapat na tuntunin ng serbisyo at patarakan sa privacy, pati na rin ang mga patakarang may kaugnayan sa proteksyon ng kalayaan sa paghahayag
Dahil responsable ang Google Ireland sa pagbibigay ng karamihan sa mga serbisyo ng Google sa European Economic Area at Switzerland, nakakatanggap din ito ng mga kahilingan sa impormasyon ng user.
Mga kahilingan mula sa mga ahensya ng pamahalaan ng Ireland
Isinasaalang-alang ng Google Ireland ang batas ng Ireland kapag nagsusuri ng mga kahilingan sa impormasyon ng user na mula sa isang ahensya ng Ireland. Kinakailangan ng batas ng Ireland na kumuha ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas ng Ireland ng hudisyal na awtorisadong utos para obligahin ang Google Ireland na magbigay ng impormasyon ng user.
Mga kahilingan mula sa mga awtoridad ng pamahalaan sa labas ng Ireland
Nag-aalok ang Google Ireland ng mga serbisyo sa mga user sa buong European Economic Area at Switzerland, at minsan, nakakatanggap kami ng mga kahilingang maghayag ng data mula sa mga awtoridad ng pamahalaan sa labas ng Ireland. Sa sitwasyong ito, puwede kaming magbigay ng data ng user kung naaayon ang aksyong ito sa lahat ng sumusunod:
- Batas ng Ireland, na nangangahulugang pinapahintulutan ang pag-access at paghahayag sa ilalim ng nalalapat na batas ng Ireland, tulad ng Irish Criminal Justice Act
- Batas ng European Union (EU) na nalalapat sa Ireland, na tumutukoy sa anumang batas ng EU na nalalapat sa Ireland kasama ang General Data Protection Regulation (GDPR)
- Batas ng bansang humihiling, na nangangahulugang kinakailangan naming sundin ng awtoridad ang parehong due process at mga legal na kinakailangang malalapat kung isang lokal na provider ng parehong serbisyo ang nakatanggap ng kahilingan
- Mga pandaigdigang pamantayan, na nangangahulugang nagbibigay lang kami ng data bilang sagot sa mga kahilingang nakakatugon sa Principles on Freedom of Expression and Privacy ng Global Network Initiative at sa mga nauugnay na alituntunin sa pagpapatupad nito
- Mga patakaran ng Google, na kinabibilangan ng anumang nalalapat na tuntunin ng serbisyo at patarakan sa privacy, pati na rin ang mga patakarang may kaugnayan sa proteksyon ng kalayaan sa paghahayag
Kung makatuwiran naming pinapaniwalaang mapipigilan namin na mamatay o makaranas ng matinding pisikal na pananakit ang isang tao, puwede kaming magbigay ng impormasyon sa isang ahensya ng pamahalaan — halimbawa, sa mga sitwasyon ng mga pagbabanta ng bomba, pamamaril sa paaralan, pag-kidnap, pag-iwas sa pagpapatiwakal, at sa mga kaso ng mga nawawalang tao. Isinasaalang-alang pa rin namin ang mga kahilingang ito alinsunod sa mga nalalapat na batas at sa aming mga patakaran.