Paano ginagamit ng Google ang mga credit card number para sa mga pagbabayad
Ginagamit ng Google ang mga credit card at debit card number na ibinibigay mo para iproseso ang mga pagbabayad para sa iyong mga online o offline na pagbili, kabilang ang mga transaksyon sa Google Play at Google Pay, at para sa mga layunin ng pag-iwas sa panloloko. Nagbibigay ang Notification ng Privacy ng Google Payments ng detalyadong impormasyon tungkol sa kung paano namin ginagamit ang iyong impormasyon sa pagbabayad at account, kabilang ang impormasyong kinokolekta namin at kung paano namin ito ibinabahagi. Nagbabahagi lang kami ng personal na impormasyon sa mga third party sa mga sitwasyong inilalarawan sa Notification ng Privacy ng Google Payments. Ine-encrypt at sino-store sa mga secure na server sa isang secure na lokasyon ang mga credit card at debit card number na ibinibigay mo sa Google.