Paano gumagana ang Google Voice
Iniimbak, pinoproseso at pinapanatili ng Google Voice ang iyong kasaysayan ng tawag (kasama ang numero ng telepono ng tumawag, numero ng telepono ng tinawagan, petsa, oras at tagal ng tawag), (mga) pagbati sa voicemail, mga mensahe sa voicemail, mensaheng Short Message Service (SMS), naka-record na pag-uusap, at iba pang data na nauugnay sa iyong account upang maibigay sa iyo ang serbisyo.
Maaari mong i-delete ang iyong history ng tawag, (mga) pagbati sa voicemail, mga mensahe sa voicemail (audio at/o mga transcription), mga mensaheng Short Message Service (SMS) at naka-record na pag-uusap sa pamamagitan ng Google Voice account mo, bagama't maaaring manatiling nakikita sa iyong account ang iyong history ng tawag para sa mga masisingil na tawag. Maaaring pansamantalang manatili ang ilang impormasyon sa aming mga aktibong server para sa pagsingil o iba pang mga layuning pangnegosyo, at maaaring may mga matirang kopya sa aming mga system ng pag-backup. Ang mga na-anonymize na kopya ng impormasyon sa record ng tawag, na walang impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan, ay papanatilihin sa aming mga system upang matugunan ang aming mga kinakailangan sa pag-uulat at pag-audit.