Paano pinapanatili ng Google ang kinokolekta naming data
Nangongolekta kami ng data habang gumagamit ka ng mga serbisyo ng Google. Inilalarawan sa aming Patakaran sa Privacy kung ano ang aming kinokolekta, kung bakit namin ito kinokolekta, at kung paano mo mapamamahalaan ang iyong impormasyon. Inilalarawan ng patakaran sa pagpapanatili na ito kung bakit kami nagpapanatili ng iba't ibang uri ng data para sa iba't ibang yugto ng panahon.
Ang ilang data ay maaari mong i-delete kailan mo man gusto, ang ilang data ay awtomatikong nade-delete, at ang ilan naman ay pinapanatili namin sa loob ng mas mahabang yugto ng pahanon kapag kinakailangan. Kapag nag-delete ka ng data, may sinusunod kaming patarakan sa pag-delete upang matiyak na ang iyong data ay ligtas at tuluyang naalis mula sa aming mga server o napapanatili lang sa anonymous na paraan. Paano ina-anonymize ng Google ang data
Pinapanatili ang impormasyon hanggang sa alisin mo ito
Nag-aalok kami ng iba't ibang serbisyong nagbibigay-daan sa iyong magtama o mag-delete ng data na naka-store sa Google Account mo. Halimbawa, maaari mong gawin ang mga sumusunod:
- I-edit ang iyong personal na impormasyon
- Mag-delete ng mga item mula sa Aking Aktibidad
- Mag-delete ng content tulad ng mga larawan at mga dokumento
- Mag-alis ng produkto mula sa iyong Google Account
- Tuluyang i-delete ang iyong Google Account
Papanatilihin namin ang data na ito sa iyong Google Account hanggang sa piliin mong alisin ito. At kung ginagamit mo ang aming mga serbisyo nang hindi nagsa-sign in sa isang Google Account, nag-aalok din kami sa iyo ng kakayahang mag-delete ng ilang impormasyong nauugnay sa kung ano ang ginagamit mo upang i-access ang aming mga serbisyo, tulad ng device, browser o app.
Data na nag-e-expire pagkatapos ng isang partikular na yugto ng panahon
Sa ilang pagkakataon, sa halip na magbigay ng paraan para makapag-delete ng data, sino-store namin ito sa loob ng paunang tinukoy na yugto ng panahon. Para sa bawat uri ng data, nagtatakda kami ng mga timeframe ng pagpapanatili batay sa dahilan ng pagkolekta nito. Halimbawa, para matiyak na naipapakita nang maayos ang aming mga serbisyo sa maraming iba't ibang uri ng device, puwede kaming magpanatili ng lapad at taas ng browser nang hanggang 9 na buwan. May mga ginagawa rin kaming hakbang para i-anonymize o i-pseudonymize ang ilang partikular na data sa loob ng mga partikular na yugto ng panahon. Halimbawa, ina-anonymize namin ang data sa pag-advertise sa mga log ng server sa pamamagitan ng pag-aalis ng bahagi ng IP address pagkalipas ng 9 na buwan at impormasyon ng cookie pagkalipas ng 18 buwan. Puwede rin kaming magpanatili ng na-pseudonymize na data, tulad ng mga query na nadiskonekta sa mga Google Account ng mga user, sa loob ng partikular na yugto ng panahon.
Impormasyong pinapapanatili hanggang sa ma-delete ang iyong Google Account
Nagpapanatili kami ng ilang data hangga't mayroon kang Google Account kung kapaki-pakinabang ito sa pagtulong sa amin na maunawaan kung paano nakikipag-ugnayan ang mga user sa aming mga feature at kung paano namin mapapahusay ang aming mga serbisyo. Halimbawa, kung ide-delete mo ang isang address na hinanap mo sa Google Maps, puwede pa ring i-store ng iyong account na ginamit mo ang feature na mga direksyon. Sa ganoong paraan, maiiwasan ng Google Maps na ipakita sa iyo kung paano gamitin ang feature na mga direksyon sa hinaharap.
Nagpapanatili ng impormasyon sa loob ng mahabang yugto ng pahanon para sa mga limitadong layunin
Paminsan-minsan, inoobliga kami ng mga pangnegosyo at legal na kinakailangan na magpanatili ng ilang partikular na impormasyon, para sa mga partikular na layunin, sa loob ng mahabang yugto ng panahon. Halimbawa, kapag nagpoproseso ang Google ng pagbabayad para sa iyo, o kapag nagbayad ka sa Google, papanatilihin namin ang data sa loob ng matagal na yugto ng panahon gaya ng kinakailangan para sa mga layuin sa pagbubuwis o accounting. Kabilang sa maaaring dahilan namin sa pagpapanatili ng ilang data sa loob ng mas mahabang panahon ang:
- Seguridad, pagpigil sa panloloko at pang-aabuso
- Pagpapanatili ng mga pinansyal na tala
- Pagsunod sa mga legal o panregulatoryong kinakailangan
- Pagtiyak sa pagpapatuloy ng aming mga serbisyo
- Mga direktang komunikasyon sa Google
Pag-enable sa ligtas at tuluyang pag-delete
Kapag nag-delete ka ng data sa iyong Google account, inuumpisahan namin kaagad ang proseso ng pag-aalis nito mula sa produkto at aming mga system. Una, layunin naming alisin kaagad ito mula sa view at hindi na magagamit ang data sa pag-personalize ng iyong karanasan sa Google. Halimbawa, kung magde-delete ka ng video na pinanood mo mula sa dashboard ng Aking Aktibidad, ititigil agad ng YouTube ang pagpapakita ng iyong pag-usad sa panonood para sa video na iyon.
Pagkatapos ay magsisimula kami ng prosesong idinisenyo upang i-delete nang ligtas at tuluyan ang data mula sa aming mga storage system. Mahalaga ang ligtas na pag-delete upang maprotektahan ang aming mga user at customer mula sa hindi sinasadyang pagkawala ng data. Mahalaga ang tuluyang pag-delete ng data mula sa aming mga server para sa kapanatagan ng loob ng mga user. Karaniwang tumatagal ang prosesong ito nang 2 buwan mula sa oras ng pag-delete. Madalas kabilang dito ang isang buwang panahon ng pag-recover kung sakaling hindi sinasadyang naalis ang data.
Ang bawat storage system ng Google kung saan nade-delete ang data ay may detalyadong proseso para sa ligtas at tuluyang pag-delete. Maaaring kasama rito ang paulit-ulit na pagdaan sa system upang makumpirmang na-delete ang lahat ng data, o bahagyang mga pagkaantala upang magbigay-daan sa pagbawi mula sa mga pagkakamali. Dahil dito, maaaring tumagal pa ang pag-delete kapag kinakailangan ng karagdagang oras upang ligtas at tuluyang ma-delete ang data.
Gumagamit din ang aming mga serbisyo ng mga naka-encrypt na backup storage bilang karagdagang antas ng proteksyon upang matulungang makabawi mula sa mga potensyal na sakuna. Maaaring manatili ang data sa mga system na ito nang hanggang 6 na buwan.
Gaya ng anumang proseso ng pag-delete, ang mga bagay tulad ng regular na maintenance, mga hindi inaasahang pagkawala, mga bug, o mga pagkabigo sa aming mga protocol ay maaaring maging sanhi ng mga pagkaantala sa mga proseso at timeframe na tinukoy sa artikulong ito. Nagpapanatili kami ng mga system na nakadisenyong tumukoy at mag-ayos ng ganoong mga isyu.
Seguridad, pagpigil sa panloloko at pang-aabuso
Paglalarawan
Upang maprotektahan ka, ang ibang tao, at ang Google mula sa panloloko, pang-aabuso, at hindi pinapahintulutang pag-access.
Mga Sitwasyon
Halimbawa, kapag pinaghihinalaan ng Google na gumagawa ng panloloko sa ad ang isang tao.
Pagpapanatili ng mga pinansyal na tala
Paglalarawan
Kapag kasama ang Google sa isang pinansyal na transaksyon, pati na rin kapag pinoproseso ng Google ang iyong pagbabayad o kapag gumawa ka ng pagbabayad sa Google. Madalas kinakailangan ang matagalang pagpapanatili ng impormasyong ito para sa mga layuning gaya ng accounting, pagresolba sa hindi pagkakasundo at pagsunod sa mga regulasyon ukol sa pagbubuwis, escheatment, anti-money laundering, at iba pang pinansyal na regulasyon.
Mga Sitwasyon
Halimbawa, kapag bumili ka ng mga app mula sa Play Store o ng mga produkto mula sa Google Store.
Pagsunod sa mga legal o panregulatoryong kinakailangan
Paglalarawan
Upang matugunan ang anumang naaangkop na batas, regulasyon, legal na proseso, o naipapatupad na kahilingan ng pamahalaan, o kakailanganing ipatupad ang naangkop na Mga Tuntunin ng Serbisyo, kabilang ang pagsisiyasat ng mga potensyal na paglabag.
Mga Sitwasyon
Halimbawa, kung nakatanggap ang Google ng legal na subpoena.
Pagtiyak sa pagpapatuloy ng aming mga serbisyo
Paglalarawan
Upang matiyak ang pagpapatuloy ng serbisyo para sa iyo at sa iba pang user.
Mga Sitwasyon
Halimbawa, kapag nagbahagi ka ng impormasyon sa iba pang user (gaya ng kapag nagpadala ka ng email sa ibang tao), hindi maaalis sa iyong Google Account ang mga kopyang pinapanatili ng mga tagatanggap kahit na i-delete mo ito.
Mga direktang komunikasyon sa Google
Paglalarawan
Kung direkta kang nakipag-ugnayan sa Google, sa pamamagitan ng channel ng suporta para sa customer, form ng feedback, o isang ulat ng bug, maaaring magpanatili ang Google ng mga makatwirang tala ng mga komunikasyong iyon.
Mga Sitwasyon
Halimbawa, kapag nagpadala ka ng feedback sa loob ng isang Google app tulad ng Gmail o Drive.