Pinag-eeksperimentuhan ng mga serbisyo sa pag-advertise ng Google ang mga bagong paraan ng pagsuporta sa paghahatid at pagsusukat ng digital na pag-advertise sa mga paraang mas mahusay na pumoprotekta sa privacy ng mga tao online sa pamamagitan ng inisyatibang Privacy Sandbox sa Chrome at Android. Puwedeng makakita ang mga user na may nauugnay na mga setting ng Privacy Sandbox na naka-enable sa Chrome o Android ng mga nauugnay na ad mula sa mga serbisyo sa pag-advertise ng Google batay sa data ng Mga Paksa o Protektadong Audience na naka-store sa kanilang browser o mobile device. Puwede ring sukatin ng mga serbisyo sa pag-advertise ng Google ang performance ng ad gamit ang data ng Pag-uulat sa Attribution na naka-store sa kanilang browser o mobile device. Higit pang impormasyon tungkol sa Privacy Sandbox.
Paano ginagamit ng Google ang impormasyong mula sa mga site o app na gumagamit ng aming mga serbisyo
Maraming website at app ang gumagamit ng mga serbisyo ng Google upang pahusayin ang kanilang content at panatilihin itong libre. Kapag isinama nila ang aming mga serbisyo, nagbabahagi ng impormasyon ang mga site at app na ito sa Google.
Halimbawa, kapag bumisita ka sa isang website na gumagamit ng mga serbisyo sa pag-advertise tulad ng AdSense, kabilang ang mga tool sa analytics tulad ng Google Analytics, o nag-e-embed ng video content mula sa YouTube, awtomatikong nagpapadala ng ilang partikular na impormasyon sa Google ang iyong web browser. Kabilang dito ang URL ng binibisita mong page at ang iyong IP address. Maaari din kaming magtakda ng cookies sa iyong browser o magbasa ng cookies na naroon na. Ang mga app na gumagamit ng mga serbisyo sa pag-advertise ng Google ay nagbabahagi rin ng impormasyon sa Google, gaya ng pangalan ng app at isang natatanging pagkikilanlan para sa pag-advertise.
Ginagamit ng Google ang impormasyong ibinahagi ng mga site at app upang ihatid ang aming mga serbisyo, panatilihin at pahusayin ang mga ito, bumuo ng mga bagong serbisyo, sukatin ang pagiging epektibo ng pag-advertise, protektahan laban sa panloloko at pang-aabuso, at i-personalize ang content at mga ad na nakikita mo sa Google at sa mga site at app ng aming mga partner. Tingnan ang aming Patakaran sa Privacy upang matuto pa tungkol sa kung paano namin pinoproseso ang data para sa bawat layuning ito at ang aming page sa Pag-advertise para sa higit pa tungkol sa mga ad ng Google, paano ginagamit ang iyong impormasyon sa konteksto ng pag-advertise, at kung gaano katagal sino-store ng Google ang impormasyong ito.
Ipinapaliwanag ng aming Patakaran sa Privacy ang mga legal na batayang ginagamit ng Google sa pagpoproseso ng iyong impormasyon — halimbawa, puwede naming iproseso ang impormasyon mo nang may iyong pahintulot o puwede kaming magsakatuparan ng mga lehitimong interes tulad ng pagbibigay, pagpapanatili, at pagpapahusay ng aming mga serbisyo para matugunan ang mga pangangailangan ng aming mga user.
Kung minsan, kapag nagpoproseso ng impormasyong ibinabahagi sa amin ng mga site at app, hihingin ng mga site at app na iyon ang iyong pahintulot bago payagan ang Google na iproseso ang iyong impormasyon. Halimbawa, posibleng may lumabas na banner sa site na humihingi ng pahintulot para maproseso ng Google ang impormasyong kinokolekta ng site na iyon. Kapag nangyari iyon, ang mga layuning inilarawan sa pahintulot na ibibigay mo sa site o app ang susundin namin, sa halip na ang mga legal na batayang inilalarawan sa Patakaran sa Privacy ng Google. Kung gusto mong baguhin o bawiin ang iyong pahintulot, dapat mong bisitahin ang pinag-uusapang site o app para magawa ito.
Pag-personalize ng ad
Kung naka-on ang pag-personalize ng ad, gagamitin ng Google ang iyong impormasyon upang gawing mas kapaki-pakinabang sa iyo ang mga ad mo. Halimbawa, maaaring gamitin ng isang website na nagbebenta ng mga mountain bike ang serbisyo sa ad ng Google. Pagkatapos mong bumisita sa site na iyon, maaari kang makakita ng ad para sa mga mountain bike sa ibang site na nagpapakita ng mga ad na inihatid ng Google.
Kung naka-off ang pag-personalize ng ad, hindi kokolektahin o gagamitin ng Google ang iyong impormasyon upang gumawa ng ad profile o i-personalize ang mga ad na ipinapakita sa iyo ng Google. Makakakita ka pa rin ng mga ad, ngunit maaaring hindi na ganoong kapaki-pakinabang ang mga ito. Maaari pa ring ibatay ang mga ad sa paksa ng website o app na iyong tinitingnan, sa mga kasalukuyang termino para sa paghahanap mo, o sa iyong pangkahalatang lokasyon, ngunit hindi sa mga interes, history ng paghahanap, o history ng pag-browse mo. Maaari pa ring gamitin ang iyong impormasyon para sa iba pang layuning binanggit sa itaas, tulad ng pagsukat sa pagiging epektibo ng pag-advertise at pagprotekta laban sa panloloko at pang-aabuso.
Kapag nakikipag-ugnayan ka sa isang website o app na gumagamit ng mga serbisyo ng Google, maaari kang papiliin kung gusto mong makakita ng mga naka-personalize na ad mula sa mga provider ng ad, kasama na ang Google. Anuman ang iyong piliin, hindi ipe-personalize ng Google ang mga ad na nakikita mo kung naka-off ang iyong setting ng pag-personalize ng ad o hindi kwalipikado ang account mo para sa mga naka-personalize na ad.
Maaari mong tingnan at kontrolin kung anong impormasyon ang gagamitin namin upang magpakita sa iyo ng mga ad sa pamamagitan ng pagbisita sa iyong mga setting ng ad.
Paaano mo makokontrol ang impormasyong kinokolekta ng Google sa mga site at app na ito
Narito ang ilan sa mga paraan kung paano mo makokontrol ang impormasyong ibinabahagi ng iyong device kapag bumibisita o nakikipag-ugnayan ka sa mga site at app na gumagamit ng mga serbisyo ng Google:
- Tinutulungan ka ng Mga Setting ng Ad na kontrolin ang mga ad na nakikita mo sa mga serbisyo ng Google (gaya ng Google Search o YouTube), o sa mga hindi Google na website at app na gumagamit ng mga serbisyo sa ad ng Google. Maaari mo ring matutunan kung paano pine-personalize ang mga ad, mag-opt out sa pag-personalize ng ad, at mag-block ng mga partikular na advertiser.
- Kung naka-sign in ka sa iyong Google Account, at depende sa mga setting ng iyong Account, nagbibigay-daan sa iyo ang Aking Aktibidad na suriin at kontrolin ang nagagawang data kapag gumagamit ka ng mga serbisyo ng Google, kabilang ang impormasyong kinokolekta namin mula sa mga site at app na binisita mo. Maaari kang mag-browse ayon sa petsa at paksa, at mag-delete ng bahagi o lahat ng iyong aktibidad.
- Maraming website at app ang gumagamit ng Google Analytics upang maunawaan kung paano nakikipag-ugnayan ang mga bumibisita sa kanilang mga site o app. Kung ayaw mong gamitan ng Analytics ang iyong browser, maaari mong i-install ang add-on sa browser na Google Analytics. Matuto pa tungkol sa Google Analytics at privacy.
- Nagbibigay-daan sa iyo ang Incognito mode sa Chrome na mag-browse sa web nang hindi itinatala ang mga webpage at file sa iyong browser o history ng Account (maliban na lang kung pipiliin mong mag-sign in). Nade-delete ang cookies pagkatapos mong isara ang lahat ng iyong incognito window at tab, at naso-store ang iyong mga bookmark at setting hanggang sa i-delete mo ang mga iyon. Matuto pa tungkol sa cookies. Hindi napipigilan ng paggamit ng Incognito mode sa Chrome o iba pang pribadong mode ng pag-browse ang pangongolekta ng data kapag bumisita ka sa mga website na gumagamit ng mga serbisyo ng Google, at puwede pa ring mangolekta ng data ang Google kapag bumisita ka sa mga website gamit ang mga browser na ito.
- Maraming browser, kabilang ang Chrome, ang nagbibigay-daan sa iyong mag-block ng third-party na cookies. Maaari ka ring mag-clear ng anumang kasalukuyang cookies mula sa iyong browser. Matuto pa tungkol sa pamamahala ng cookies sa Chrome.