Paano gumagamit ang Google ng cookies

Inilalarawan ng page na ito ang mga uri ng cookies at mga katulad na teknolohiyang ginagamit ng Google. Ipinapaliwanag din nito kung paano gumagamit ng cookies sa pag-advertise ang Google at ang aming mga partner.

Ang cookies ay maiikling text na ipinapadala ng website na binibisita mo sa iyong browser. Tinutulungan ng mga ito ang website na iyon na tandaan ang impormasyon tungkol sa pagbisita mo, para mas mapadali nito ang pagbisita ulit sa site at gawing mas kapaki-pakinabang ang site para sa iyo. Makakapagsagawa ng parehong function ang mga katulad na teknolohiya, kasama ang mga natatanging identifier na ginagamit para tukuyin ang isang app o device, mga pixel tag, at lokal na storage. Ang cookies at mga katulad na teknolohiyang inilalarawan sa page na ito ay magagamit para sa mga layuning inilalarawan sa ibaba.

Tingnan ang Patakaran sa Privacy para alamin kung paano namin pinoprotektahan ang iyong privacy sa paggamit namin ng cookies at iba pang impormasyon.

Mga uri ng cookies at mga katulad na teknolohiyang ginagamit ng Google

Posibleng i-store sa iyong browser, app, o device ang ilan sa o lahat ng cookies o mga katulad teknolohiyang inilalarawan sa ibaba. Para pamahalaan kung paano ginagamit ang cookies, kabilang ang pagtanggi sa paggamit ng mga partikular na cookies, puwede mong bisitahin ang g.co/privacytools. Puwede mo ring pamahalaan ang cookies sa iyong browser (pero baka walang ganitong visibility sa mga browser para sa mga mobile device). Ang ilan sa mga teknolohiyang ito ay puwedeng pamahalaan sa mga setting ng iyong device o sa mga setting ng isang app.

Functionality

Nagbibigay-daan sa iyo ang cookies at mga katulad na teknolohiyang ginagamit para sa functionality na i-access ang mga feature na mahalaga sa isang serbisyo. Kasama sa mga bagay na itinuturing na mahalaga sa isang serbisyo ang pagtanda sa mga pinili at kagustuhan, tulad ng gusto mong wika; impormasyon sa pag-store na may kaugnayan sa iyong session, tulad ng nilalaman ng isang shopping cart; pag-enable ng mga feature o pagsasagawa ng mga gawaing hiniling mo; at mga pag-optimize ng produkto na nakakatulong sa pagpapanatili at pagpapahusay ng serbisyong iyon.

Ginagamit ang ilang cookies at katulad na teknolohiya para pamahalaan ang iyong mga kagustuhan. Halimbawa, ang karamihan ng mga taong gumagamit ng mga serbisyo ng Google ay may cookie na tinatawag na ‘NID’ o ‘_Secure-ENID’ sa kanilang mga browser, depende sa mga kagustuhan nila sa cookies. Ginagamit ang cookies na ito para tandaan ang iyong mga kagustuhan at iba pang impormasyon, gaya ng gusto mong wika, kung ilang resulta ng paghahanap ang gusto mong ipakita sa page ng mga resulta ng paghahanap (halimbawa, 10 o 20), at kung gusto mo bang naka-on ang SafeSearch na filter ng Google. Nag-e-expire ang bawat ‘NID’ cookie 6 na buwan pagkatapos ng huling paggamit ng user, habang tumatagal nang 13 buwan ang ‘_Secure-ENID’ cookie. May cookies na tinatawag na ‘VISITOR_INFO1_LIVE’ at ‘__Secure-YEC’ na may katulad na layunin para sa YouTube at ginagamit din ang mga ito para tumukoy at lumutas ng mga problema sa serbisyo. Tumatagal ang ‘VISITOR_INFO1_LIVE’ nang 6 na buwan at tumatagal naman ang ‘YEC’ nang 13 buwan.

May iba pang cookies at katulad na teknolohiyang ginagamit para panatilihin at pagandahin ang iyong experience sa isang partikular na session. Halimbawa, ginagamit ng YouTube ang ‘PREF’ cookie para mag-store ng impormasyon tulad ng gusto mong configuration ng page at mga kagustuhan sa pag-playback tulad ng malilinaw na kagustuhan sa autoplay, pag-shuffle ng content, at laki ng player. Para sa YouTube Music, kabilang sa mga kagustuhang ito ang volume, repeat mode, at autoplay. Nag-e-expire ang cookie na ito 8 buwan pagkatapos ng huling paggamit ng user. Tumutulong din ang ‘pm_sess’ cookie sa pagpapanatili ng session ng pag-browse mo at tumatagal ito nang 30 minuto.

Puwede ring gamitin ang cookies at mga katulad na teknolohiya para pahusayin ang performance ng mga serbisyo ng Google. Halimbawa, pinapahusay ng cookie na ‘CGIC’ ang paghahatid ng mga resulta ng paghahanap sa pamamagitan ng awtomatikong pagkumpleto sa mga query sa paghahanap batay sa paunang input ng user. Nagtatagal ang cookie na ito nang 6 na buwan.

Ginagamit ng Google ang cookie na ‘SOCS’ na tumatagal nang 13 buwan, para mag-store ng status ng user kaugnay ng mga kagustuhan niya sa cookies.

Seguridad

Nakakatulong ang cookies at mga katulad na teknolohiyang ginagamit para sa seguridad sa pag-authenticate ng mga user, pag-iwas sa panloloko, at pagprotekta sa iyo habang nakikipag-ugnayan ka sa isang serbisyo.

Ang cookies at mga katulad na teknolohiyang ginagamit sa pag-authenticate ng mga user ay nakakatulong na matiyak na ang aktwal na may-ari lang ang makaka-access sa account. Halimbawa, naglalaman ang cookies na tinatawag na ‘SID’ at ‘HSID’ ng mga digital na nilagdaan at naka-encrypt na record ng Google Account ID ng user at oras ng pinakakamakailang pag-sign in. Nagbibigay-daan sa Google ang kumbinasyon ng cookies na ito na mag-block ng maraming uri ng pag-atake, gaya ng mga pagtatangkang nakawin ang content ng mga form na isinusumite sa mga serbisyo ng Google.

Ginagamit ang ilang cookies at katulad na teknolohiya para mag-detect ng spam, panloloko, at pang-aabuso. Halimbawa, tinitiyak ng cookies na ‘pm_sess’ at ‘YSC’ na ang mga kahilingan sa panahon ng isang session ng pag-browse ay ginawa ng user, at hindi ng ibang site. Pinipigilan ng cookies na ito ang mga nakakapinsalang site na kumilos sa ngalan ng isang user nang hindi alam ng user na iyon. Tumatagal ang cookie na ‘pm_sess’ nang 30 minuto, habang tumatagal naman ang cookie na ‘YSC’ sa kabuuan ng session ng pag-browse ng user. Ginagamit ang cookies na ‘__Secure-YEC’ at ‘AEC’ para mag-detect ng spam, panloloko, at pang-aabuso para makatulong na tiyaking hindi sinisingil ang mga advertiser nang hindi wasto para sa mga mapanloko o linvalid sa ibang paraan na impression o interaction sa mga ad, at na nababayaran nang patas ang mga creator sa YouTube sa Partner Program ng YouTube. Tumatagal ang cookie na ‘AEC’ nang 6 na buwan at tumatagal ang cookie na ‘__Secure-YEC’ nang 13 buwan.

Istatistika

Tumutulong ang cookies at mga katulad na teknolohiyang ginagamit para sa analytics na mangolekta ng data na nagbibigay-daan sa mga serbisyo na maunawaan kung paano ka nakikipag-ugnayan sa isang partikular na serbisyo. Nagbibigay-daan ang mga insight na ito sa mga serbisyo na mapahusay ang content at makabuo ng mas mahuhusay feature na nagpapaganda sa iyong karanasan.

Tumutulong ang ilang cookies at katulad na teknolohiya sa mga site at app na maunawaan kung paano nakikipag-ugnayan ang kanilang mga bisita sa kanilang mga serbisyo. Halimbawa, gumagamit ang Google Analytics ng hanay ng cookies para mangolekta ng impormasyon para sa mga negosyong gumagamit ng serbisyo ng Google Analytics at mag-ulat ng mga istatistika sa paggamit ng site sa mga ito nang hindi tinutukoy ang personal na pagkakakilanlan ng mga indibidwal na bisita sa Google. Nagbibigay-daan ang ‘_ga,’ ang pangunahing cookie na ginagamit ng Google Analytics, sa serbisyo na matukoy ang isang bisita mula sa iba at tumatagal ito nang 2 taon. Ginagamit ng anumang site na nagpapatupad ng Google Analytics, kabilang ang mga serbisyo ng Google, ang ‘_ga’ cookie. Natatangi sa partikular na property ang bawat ‘_ga’ cookie, kaya hindi ito magagamit para subaybayan ang isang partikular na user o browser sa iba't ibang hindi magkakaugnay na website.

Ginagamit din ng mga serbisyo ng Google ang ‘NID’ at ‘_Secure-ENID’ cookies sa Google Search, at ang ‘VISITOR_INFO1_LIVE’ at ‘__Secure-YEC’ cookies sa YouTube, para sa analytics. Puwede ring gumamit ang mga Google mobile app ng mga natatanging identifier, tulad ng ‘Google Usage ID,’ para sa analytics.

Advertising

Gumagamit ang Google ng cookies para sa pag-advertise, kabilang ang paghahatid at pag-render ng mga ad, pag-personalize ng mga ad (depende sa iyong mga setting sa myadcenter.google.com, at adssettings.google.com/partnerads), paglimita sa dami ng beses na ipinapakita ang isang ad sa user, pag-mute ng mga ad na pinili mong hindi makita, at pagsukat ng pagiging epektibo ng mga ad.

Ginagamit ang cookie na ‘NID’ para magpakita ng mga Google ad sa mga serbisyo ng Google para sa mga naka-sign out na user, at ginagamit ang cookies na ‘ANID,’ ‘IDE,’ at ‘id’ para magpakita ng mga Google ad sa mga hindi Google na site. Ang mga mobile advertising ID, tulad ng Advertising ID (AdID) ng Android, ay ginagamit para sa katulad na layunin sa mga mobile app, depende sa mga setting ng device mo. Kung naka-enable ang iyong mga naka-personalize na ad, ginagamit ang cookies na ‘ANID’ at ‘IDE’ para i-personalize ang mga ad na nakikita mo. Kung na-off mo ang mga naka-personalize na ad, ginagamit ang cookies na ‘ANID’ at ‘id’ para tandaan ang kagustuhang ito para hindi ka makakita ng mga naka-personalize na ad. Nag-e-expire ang cookie na ‘NID’ pagkalipas ng 6 na buwan pagkatapos ng huling paggamit ng isang user. Tumatagal ang cookies na ‘ANID,’ ‘IDE,’ at ‘id’ nang 13 buwan sa European Economic Area (EEA), Switzerland, at United Kingdom (UK), at 24 na buwan sa lahat ng iba pang lugar.

Depende sa iyong mga setting ng ad, posibleng gamitin din ng iba pang serbisyo ng Google tulad ng YouTube ang cookies na ito at iba pang cookies, tulad ng cookie na ‘VISITOR_INFO1_LIVE,’ para sa pag-advertise.

Ang ilang cookie at katulad na teknolohiya na ginagamit para sa pag-advertise ay para sa mga user na nagsa-sign in para gumamit ng mga serbisyo ng Google. Halimbawa, ginagamit ang cookie na ‘DSID’ para tumukoy ng user na naka-sign in sa mga site na hindi Google para masunod nang naaayon ang setting ng pag-personalize ng mga ad ng user. Tatagal nang 2 linggo ang cooke na ‘DSID.’

Sa pamamagitan ng platform sa pag-advertise ng Google, makakapag-advertise ang mga negosyo sa mga serbisyo ng Google at sa mga site na hindi Google. Sinusuportahan ng ilang cookie ang pagpapakita ng Google ng mga ad sa mga third-party na site, at nakatakda ang mga ito sa domain ng website na binibisita mo. Halimbawa, nagbibigay-daan ang cookie na ‘_gads’ sa mga site na magpakita ng mga Google ad. Nagmumula sa Google Analytics ang cookies na nagsisimula sa ‘_gac_’ at ginagamit ng mga advertiser ang mga ito para sukatin ang aktibidad ng user at ang performance ng mga campaign ng ad nila. Nagtatagal nang 13 buwan ang cookies na ‘_gads,’ at 90 araw naman ang cookies na ‘_gac_.’

Ginagamit ang ilang cookie at katulad na teknolohiya para sukatin ang performance ng ad at campaign, at ang mga rate ng conversion para sa mga Google ad sa site na binibisita mo. Halimbawa, pangunahing ginagamit ang cookies na nagsisimula sa ‘_gcl_’ para matulungan ang mga advertiser na tukuyin kung ilang beses gumagawa ng pagkilos sa kanilang site, gaya ng pagbili, ang mga user na nagki-click sa mga ad nila. Hindi ginagamit para sa pag-personalize ng mga ad ang cookies na ginagamit para sa pagsukat ng mga rate ng conversion. Nagtatagal nang 90 araw ang cookies na ‘_gcl_.’ Ang mga katulad na teknolohiya tulad ng Advertising ID sa mga Android device ay puwede ring gamitin para sukatin ang performance ng ad at campaign. Puwede mong pamahalaan ang iyong mga setting ng Ad ID sa Android device mo.

Tumingin ng higit pang impormasyon tungkol sa cookies na ginagamit para sa pag-advertise dito.

Pag-personalize

Pinapaganda ng cookies at mga katulad na teknolohiyang ginagamit para sa pag-personalize ang iyong experience sa pamamagitan ng pagbibigay ng naka-personalize na content at mga feature, depende sa mga setting mo sa g.co/privacytools o sa mga setting ng iyong app at device.

Kasama sa naka-personalize na content at mga feature ang mga bagay tulad ng mga mas may kaugnayang resulta at rekomendasyon, naka-customize na homepage sa YouTube, at mga ad na iniangkop sa iyong mga interes. Halimbawa, puwedeng i-enable ng cookie na ‘VISITOR_INFO1_LIVE’ ang mga naka-personalize na rekomendasyon sa YouTube batay sa mga dating panonood at paghahanap. At ine-enable ng cookie na ‘NID’ ang mga feature ng naka-personalize na autocomplete sa Search habang nagta-type ka ng mga termino para sa paghahanap. Nag-e-expire ang cookies na ito 6 na buwan pagkatapos ng huling paggamit ng user.

Nagpapadala ang isa pang cookie, ang ‘UULE,’ ng impormasyon sa eksaktong lokasyon mula sa iyong browser papunta sa mga server ng Google para makapagpakita ang Google sa iyo ng mga resultang may kaugnayan sa lokasyon mo. Nakadepende ang paggamit ng cookie na ito sa iyong mga setting ng browser at kung pinili mong i-on ang lokasyon para sa iyong browser. Tumatagal ang cookie na ‘UULE’ nang hanggang 6 na oras.

Kahit na tanggihan mo ang cookies at mga katulad na teknolohiyang ginagamit para sa pag-personalize, ang hindi naka-personalize na content at mga feature na makikita mo ay posibleng maimpluwensyahan pa rin ng mga salik na batay sa konteksto, tulad ng iyong lokasyon, wika, uri ng device, o ang content na kasalukuyan mong tinitingnan.

Pamamahala sa cookies sa iyong browser

Nagbibigay-daan sa iyo ang karamihan sa mga browser na pamahalaan kung paano itinatakda at ginagamit ang cookies habang nagba-browse ka, at i-clear ang cookies at data mula sa pag-browse. Bukod pa rito, posible ring may mga setting ang iyong browser na nagbibigay-daan sa iyo na pamahalaan ang cookies sa bawat site. Halimbawa, nagbibigay-daan sa iyo ang mga setting ng Google Chrome sa chrome://settings/cookies na mag-delete ng kasalukuyang cookies, payagan o i-block ang lahat ng cookie, at magtakda ng mga kagustuhan sa cookie para sa mga website. Iniaalok din ng Google Chrome ang Incognito mode, na dine-delete ang history ng pag-browse mo at kini-clear ang cookies mula sa mga Incognito window sa iyong device pagkatapos mong isara ang iyong mga Incognito window.

Pamamahala ng mga katulad na teknolohiya sa iyong mga app at device

Nagbibigay-daan sa iyo ang karamihan ng mga mobile device at application na pamahalaan kung paano itinatakda at ginagamit ang mga katulad na teknolohiya, tulad ng mga natatanging identifier na ginagamit para matukoy ang isang app o browser. Halimbawa, mapapamahalaan sa mga setting ng iyong device ang Advertising ID sa mga Android device o ang Advertising Identifier ng Apple, habang karaniwang mapapamahalaan sa mga setting ng app ang mga identifier na partikular sa app.

Mga app ng Google
Pangunahing menu