Advertising
Tumutulong ang advertising na panatilihing libre ang Google at marami sa mga website at serbisyong ginagamit mo. Nagsisikap kami nang husto upang tiyakin na ang mga ad ay ligtas, hindi nakakasagabal, at may-katuturan hangga't maaari. Halimbawa, hindi ka makakakita ng mga pop-up na ad sa Google at winawakasan namin ang mga account ng daan-daang libong publisher at advertiser na lumalabag sa aming mga patakaran bawat taon – kabilang ang mga ad na naglalaman ng malware, mga ad para sa mga pekeng produkto o mga ad na nagtatangkang gamitin sa mali ang iyong personal na impormasyon.
Pinag-eeksperimentuhan ng mga serbisyo sa pag-advertise ng Google ang mga bagong paraan ng pagsuporta sa paghahatid at pagsusukat ng digital na pag-advertise sa mga paraang mas mahusay na pumoprotekta sa privacy ng mga tao online sa pamamagitan ng inisyatibang Privacy Sandbox sa Chrome at Android. Puwedeng makakita ang mga user na may nauugnay na mga setting ng Privacy Sandbox na naka-enable sa Chrome o Android ng mga nauugnay na ad mula sa mga serbisyo sa pag-advertise ng Google batay sa data ng Mga Paksa o Protektadong Audience na naka-store sa kanilang browser o mobile device. Puwede ring sukatin ng mga serbisyo sa pag-advertise ng Google ang performance ng ad gamit ang data ng Pag-uulat sa Attribution na naka-store sa kanilang browser o mobile device. Higit pang impormasyon tungkol sa Privacy Sandbox.
Paano gumagamit ang Google ng cookies sa advertising
Nakakatulong ang cookies na gawing mas epektibo ang advertising. Kung walang cookies, magiging mas mahirap para sa isang advertiser na maabot ang audience nito, o na malaman kung gaano karaming mga ad ang naipakita at gaano karaming pag-click ang natanggap ng mga ito.
Maraming website, gaya ng mga site ng balita at mga blog, ay nakikipagsosyo sa Google upang magpakita ng mga ad sa kanilang mga bisita. Sa pakikipagtulungan sa aming mga kasosyo, maaari kaming gumamit ng cookies para sa maraming layunin, gaya ng pagpigil na makita mo ang isang ad nang paulit-ulit, pagtukoy at pagpigil ng click-fraud, at pagpapakita ng mga ad na malamang na mas may kaugnayan (gaya ng mga ad na batay sa mga website na iyong binisita).
Nag-iimbak kami ng talaan ng mga ad na inihahatid namin sa aming mga log. Karaniwang kasama sa mga log ng server na ito ang iyong kahilingan sa web, IP address, uri ng browser, wika ng browser, ang petsa at oras ng iyong kahilingan, at isa o higit pang cookies na maaaring natatanging makakilala sa iyong browser. Iniimbak namin ang data na ito sa ilang dahilan, ang pinakamahalaga ay upang pagbutihin ang aming mga serbisyo at upang panatilihin ang pagiging ligtas ng aming mga system. Ginagawa naming anonymous ang data ng log na ito sa pamamagitan ng pag-aalis sa bahagi ng IP address (pagkalipas ng 9 na buwan) at impormasyon ng cookie (pagkalipas ng 18 buwan).
Ang aming cookies ng advertising
Upang tulungan ang aming mga kasosyo na pamahalaan ang kanilang advertising at mga website, nag-aalok kami ng maraming produkto, kabilang ang AdSense, AdWords, Google Analytics at isang hanay ng mga serbisyo sa brand ng DoubleClick. Kapag bumisita ka sa isang page o nakakita ka ng ad na gumagamit ng isa sa mga produktong ito, sa mga serbisyo man ng Google o sa iba pang mga site at app, maaaring may ipadalang iba't ibang cookie sa iyong browser.
Maaaring itakda ang mga ito mula sa ilang magkakaibang domain, kasama ang google.com, doubleclick.net, googlesyndication.com, o googleadservices.com, o ang domain ng mga site ng aming mga partner. Ang ilan sa aming mga produkto sa pag-advertise ay nagbibigay-daan sa aming mga partner na gumamit ng iba pang serbisyo kasabay ng sa amin (gaya ng serbisyo sa pagsukat at pag-uulat ng ad), at maaaring ipadala ng mga serbisyong ito ang sariling cookies ng mga ito sa iyong browser. Itatakda ang cookies na ito mula sa kanilang mga domain.
Tumingin nang higit pang detalye tungkol sa mga uri ng cookies na ginagamit ng Google at mga kasosyo namin at kung paano namin ginagamit ang mga ito.
Paano mo makokontrol ang cookies ng advertising
Puwede mong gamitin ang mga setting ng ad para pamahalaan ang mga nakikita mong Google ad at i-off ang mga naka-personalize na ad. Kahit na i-off mo ang mga naka-personalize na ad, posibleng makakita ka pa rin ng mga ad batay sa mga salik gaya ng iyong pangkalahatang lokasyong nakuha sa IP address mo, uri ng iyong browser, at mga termino para sa paghahanap na ginamit mo.
Maaari mo ring pamahalaan ang cookies ng maraming kumpanya na ginagamit para sa online na pag-a-advertise sa pamamagitan ng mga tool na pinili ng consumer na ginawa sa ilalim ng mga programa para sa sariling pagkontrol sa maraming bansa, gaya ng page na aboutads.info choices para sa US o ng page na Your Online Choices para sa EU.
Bilang panghuli, maaari mong pamahalaan ang cookies sa iyong web browser.
iba pang mga teknolohiyang ginagamit sa advertising
Ang mga system sa advertising ng Google ay maaaring gumamit ng iba pang mga teknolohiya, kabilang ang Flash at HTML5, para sa mga paggana tulad ng pagpapakita ng mga interactive na format ng ad. Maaari naming gamitin ang IP address, halimbawa, upang matukoy ang iyong pangkalahatang lokasyon. Maaari din kaming pumili ng advertising batay sa impormasyon tungkol sa iyong computer o device, gaya ng modelo ng device mo, uri ng browser, o mga sensor sa iyong device tulad ng accelerometer.
Lokasyon
Ang mga produkto ng ad ng Google ay maaaring makatanggap o maghinuha ng impormasyon tungkol sa iyong lokasyon mula sa iba't ibang pinagmulan. Halimbawa, maaari naming gamitin ang IP address upang tukuyin ang iyong pangkalahatang impormasyon; maaari kaming makatanggap ng tiyak na lokasyon mula sa iyong mobile device; maaari naming matukoy ang iyong lokasyon mula sa iyong mga query sa paghahanap; at maaaring magpadala sa amin ng impormasyon tungkol sa iyong lokasyon ang mga website o app na iyong ginagamit. Ang Google ay gumagamit ng impormasyon ng lokasyon sa aming mga produktong ad upang maghinuha ng impormasyon ng demograpiko, upang gawing mas may kaugnayan ang mga ad na nakikita mo, upang sukatin ang pagganap ng ad at upang mag-ulat ng mga pinagsama-samang istatistika sa mga advertiser.
Mga advertising identifier para sa mga mobile app
Upang makapaghatid ng mga ad sa mga serbisyo kung saan maaaring hindi available ang teknolohiya ng cookie (halimbawa, sa mga mobile application), maaari kaming gumamit ng mga teknolohiyang nagsasagawa ng mga function na kagaya ng mga function na isinasagawa ng cookies. Kung minsan, nili-link ng Google ang identifier na ginagamit para sa pag-a-advertise sa mga mobile application sa isang cookie sa pag-a-advertise sa parehong device upang mapagtugma ang mga ad sa iyong mga mobile app at mobile browser. Halimbawa, maaari itong mangyari kapag nakakita ka ng ad sa loob ng isang app na naglulunsad ng web page sa iyong mobile browser. Nakakatulong din ito sa amin na pahusayin ang mga ulat na ibinibigay namin sa aming mga advertiser hinggil sa bisa ng kanilang mga campaign.
Posibleng i-personalize ang mga ad na nakikita mo sa iyong device batay sa Advertising ID nito. Sa mga Android device, magagawa mong:
- I-reset ang advertising ID ng iyong device para palitan ng bago ang kasalukuyang ID. Puwede pa ring magpakita sa iyo ng mga naka-personalize na ad ang mga app, pero posibleng hindi gaanong nauugnay o interesante sa iyo ang mga ito sa loob ng maikling panahon.
- I-delete ang advertising ID ng iyong device para i-delete ang advertising ID at hindi magtalaga ng bago. Puwede pa ring magpakita sa iyo ng mga ad ang mga app, pero posibleng hindi na gaanong nauugnay o interesante sa iyo ang mga ito. Hindi ka makakakita ng mga ad batay sa advertising ID na ito, pero puwede ka pa ring makakita ng mga ad batay sa iba pang salik, gaya ng impormasyong ibinahagi mo sa mga app.
Para gumawa ng mga pagbabago sa advertising ID sa iyong Android device, sundin ang mga tagubilin sa ibaba.
Android
I-reset ang advertising ID ng iyong device
Para i-reset ang advertising ID ng iyong device:
- Sa iyong Android device, pumunta sa Mga Setting.
- I-tap ang Privacy > Mga Ad.
- I-tap ang I-reset ang advertising ID at kumpirmahin ang iyong mga pagbabago.
I-delete ang advertising ID ng iyong device
Para i-delete ang advertising ID ng iyong device:
- Sa iyong Android device, pumunta sa Mga Setting.
- I-tap ang Privacy > Mga Ad.
- I-tap ang I-delete ang advertising ID at kumpirmahin ang iyong mga pagbabago.
Mare-reset o made-delete ang iyong advertising ID, pero posibleng may sariling mga setting na gumagamit ng ibang uri ng mga identifer ang mga app, na puwede ring makaapekto sa mga uri ng ad na nakikita mo.
Sa ilang mas lumang bersyon ng Android
Kung 4.4 o mas luma ang bersyon ng iyong Android device:
- Buksan ang Mga Setting
- I-tap ang Privacy > Advanced > Mga Ad
- I-on ang Mag-opt out sa Pag-personalize ng Mga Ad at kumpirmahin ang iyong mga pagbabago.
iOS
Ginagamit ng mga device na may iOS ang Advertising Identifier ng Apple. Upang matuto nang higit pa tungkol sa iyong mga napili para sa paggamit ng identifier na ito, bisitahin ang app na Mga Setting sa iyong device.
Nakakonektang TV/Over-the-Top
Mga advertising identifier para sa nakakonektang TV
Ang mga nakakonektang TV ay isa pang lugar kung saan hindi available ang teknolohiya ng cookie, at sa halip, gagamit ang Google ng mga identifier ng device na idinisenyong gamitin sa pag-advertise para maghatid ng mga ad. Maraming nakakonektang TV device ang sumusuporta sa identifier para sa pag-advertise na may katulad na function sa mga identifier ng mobile device. Binuo ang mga identifier na ito para mabigyan ang mga user ng opsyong i-reset ang mga ito o mag-opt out nang tuluyan sa naka-personalize na pag-advertise.
Available ang mga sumusunod na setting ng “Mga Ad” sa mga TV na may sumusunod na hindi nababagong wika:
- I-reset ang advertising ID
- I-delete ang advertising ID
- Mag-opt out sa Pag-personalize ng Mga Ad (on o off)
- Mga Ad ng Google (naka-link sa Tungkol sa pag-personalize ng Google ad)
- Iyong advertising ID (mahabang string)
Available ang Mga setting ng ad na ito sa mga sumusunod na path sa Google TV at Android TV ayon sa pagkakasunod-sunod.
Google TV
Hindi nababagong path sa Mga Ad:
- Mga Setting
- Privacy
- Mga Ad
Android TV
Makikita ang mga setting ng mga ad sa isa sa dalawang pangkalahatang path para sa Android TV depende sa manufacturer/modelo ng TV. Sa Android TV, may kalayaan ang mga partner na baguhin ang path ng Mga Setting. Ang partner ang bahala kung aling path ang gusto nilang gamitin para pinakamainam na tumugma sa custom na karanasan sa TV nila, pero nasa ibaba ang mga karaniwang path sa Mga setting ng ad.
Path A:
- Mga Setting
- Tungkol dito
- Legal na Impormasyon
- Mga Ad
Path B:
- Mga Setting
- Mga Kagustuhan sa Mga Device
- Tungkol dito
- Legal na Impormasyon
- Mga Ad
Mga Hindi Google Device
Maraming nakakonektang TV device ang sumusuporta sa mga identifier para sa pag-advertise at nag-aalok ng mga paraan para makapag-opt out ang mga user sa naka-personalize na pag-advertise. May ina-update na kumpletong listahan ng mga device na iyon, at ng mga paraan kung paano makakapag-opt out ang mga user, sa website ng Network Advertising Initiative dito: https://thenai.org/opt-out/connected-tv-choices/.
Ano ang tumutukoy sa mga ad ng Google na nakikita ko?
Maraming pagpapasya ang ginawa upang matukoy kung aling mga ad ang iyong makikita.
Kung minsan, ang ad na nakikita mo ay batay sa iyong kasalukuyan o dating lokasyon. Kadalasan, ang iyong IP address ay isang magandang batayan ng iyong tinatayang lokasyon. Kaya maaari kang makakakita ng ad sa homepage ng YouTube.com na nagpo-promote ng pelikula na malapit nang ipalabas sa iyong bansa, o maaari kang makakita ng mga resulta para sa mga bilihan ng pizza sa iyong lugar kapag hinanap mo ang ‘pizza.’
Minsan, batay sa konteksto ng isang page ang mga ad na nakikita mo. Kung page ng mga tip sa paghahalaman ang iyong tinitingnan, maaari kang makakita ng mga ad para sa mga kagamitan sa paghahalaman.
Kung minsan, maaari ka ring makakita ng ad sa web na batay sa iyong aktibidad sa app o aktibidad sa mga serbisyo ng Google, o ng in-app na ad na batay sa iyong aktibidad sa web, o batay sa iyong aktibidad sa ibang device.
Minsan, Google ang naghahatid sa mga ad na nakikita mo sa isang page ngunit ibang kumpanya ang pumipili. Halimbawa, maaaring nagparehistro ka sa isang website ng pahayagan. Mula sa impormasyong ibinigay mo sa pahayagan, maaari itong magpasya tungkol sa kung aling mga ad ang ipapakita sa iyo at maaari nitong gamitin ang mga produkto sa paghahatid ng ad ng Google upang ihatid ang mga ad na iyon.
Maaari ka ring makakita ng mga ad sa mga produkto at serbisyo ng Google, kasama na ang Search, Gmail at YouTube, batay sa impormasyong ibinigay mo sa mga advertiser na pagkatapos ay ibinahagi naman ng mga advertiser sa Google, gaya ng iyong email address.
Bakit nakakakita ako ng mga ad ng Google para sa mga produktong tiningnan ko?
Maaari kang makakita ng mga ad para sa mga produktong tiningnan mo dati. Ipagpalagay natin na bumisita ka sa isang website na nagbebenta ng mga golf club, ngunit hindi mo binili ang mga club na iyon sa una mong pagbisita. Maaaring gusto kang hikayatin ng may-ari ng website na bumalik at kumpletuhin ang iyong pagbili. Nag-aalok ang Google ng mga serbisyo na nagbibigay-daan sa mga operator ng website na ma-target ang kanilang mga ad sa mga tao na bumisita sa kanilang mga page.
Upang gumana ito, ang Google ay nagbabasa ng cookie na nasa browser mo na o maglalagay ng cookie sa iyong browser kapag binisita mo ang site sa paglalaro ng golf (kung pinapayagan ito ng iyong browser).
Kapag bumisita ka sa isa pang site na nakikipagtulungan sa Google, na maaaring walang kinalaman sa paglalaro ng golf, maaaring may makita kang isang ad para sa mga golf club na iyon. Iyon ay dahil ipinapadala ng iyong browser ang parehong cookie sa Google. Dahil dito, maaari naming gamitin ang cookie na iyon upang maghatid sa iyo ng ad na maaaring makahikayat sa iyo na bilhin ang mga golf club na iyon.
Maaari ding gamitin ng Google ang iyong pagbisita sa site sa paglalaro ng golf upang magpakita sa iyo ng mga naka-personalize na ad kapag naghanap ka sa ibang pagkakataon ng mga golf club sa Google.
Mayroon kaming mga paghihigpit sa ganitong uri ng ad. Halimbawa, pinagbabawalan namin ang mga advertiser na pumili ng audience batay sa sensitibong impormasyon, tulad ng impormasyon sa kalusugan at mga paniniwala sa relihiyon.
Matuto nang higit pa tungkol sa Mga ad sa Google.