Mga pangunahing termino

Algorithm

Proseso o hanay ng mga panuntunang sinusunod ng computer sa pagsasagawa ng mga operasyon sa paglutas ng problema.

Cache ng data ng application

Ang cache ng data ng application ay imbakan ng data sa isang device. Maaari nitong bigyang-daan, halimbawa, ang isang web application na tumakbo nang walang koneksyon sa internet at pahusayin ang pagganap ng application sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mas mabilis na paglo-load ng nilalaman.

Cookies

Ang cookie ay maliit na file na naglalaman ng isang string ng mga character na ipinapadala sa iyong computer kapag bumisita ka sa isang website. Kapag binisita mong muli ang site, nagbibigay-daan ang cookie na makilala ng site ang iyong browser. Maaaring mag-store ng mga kagustuhan ng user at iba pang impormasyon ang cookies. Maaari mong i-configure ang iyong browser na tanggihan ang lahat ng cookies o isaad kapag may ipinapadalang cookie. Gayunpaman, maaaring hindi gumana nang maayos ang ilang feature o serbisyo ng website kung walang cookies. Matuto pa kung paano gumagamit ng cookies ang Google at kung paano gumagamit ng data, kabilang ang cookies, ang Google kapag ginagamit mo ang mga site o app ng aming mga partner.

Device

Ang device ay computer na magagamit upang i-access ang mga serbisyo ng Google. Halimbawa, itinuturing na mga device ang mga desktop computer, tablet, smart speaker, at smartphone.

Google Account

Maaari mong i-access ang ilan sa aming mga serbisyo sa pamamagitan ng pag-sign up para sa Google Account at pagbibigay sa amin ng ilang personal na impormasyon (karaniwan ay ang iyong pangalan at email address at isang password). Ginagamit ang impormasyon ng account na ito upang i-authenticate ka kapag ina-access mo ang mga serbisyo ng Google at protektahan ang iyong account laban sa hindi awtorisadong pag-access ng iba. Maaari mong i-edit o i-delete ang iyong account anumang oras sa pamamagitan ng mga setting ng Google Account mo.

Hindi personal na nakapagpapakilalang impormasyon

Ito ang impormasyong itinatala tungkol sa mga user upang hindi na nito ipakita o tukuyin ang indibidwal na nakikilalang user.

IP address

Binibigyan ng numero na kilala bilang Internet protocol (IP) address ang bawat device na nakakonekta sa Internet. Karaniwang nakatalaga sa mga geographic block ang mga numerong ito. Kadalasang ginagamit ang IP address para matukoy ang lokasyon kung saan kumokonekta ang device sa Internet. Matuto pa tungkol sa kung paano namin ginagamit ang impormasyon sa lokasyon.

Mga Affiliate

Ang affiliate ay entity na napapabilang sa pangkat ng mga kumpanya ng Google, kabilang ang mga sumusunod na kumpanyang nagbibigay ng mga serbisyo sa consumer sa EU: Google Ireland Limited, Google Commerce Ltd, Google Payment Corp, at Google Dialer Inc. Matuto pa tungkol sa mga kumpanyang nagbibigay ng mga serbisyo sa negosyo sa EU.

Mga natatanging pagkikilanlan

Ang natatanging pagkikilanlan ay string ng mga character na maaaring gamitin upang natatanging tukuyin ang isang browser, app, o device. Iba-iba ang mga pagkikilanlan depende kung gaano kapermanente, kung mare-reset ng mga user, at kung paano maa-access ang mga ito.

Magagamit ang mga natatanging pagkikilanlan para sa iba't ibang layunin, kabilang ang seguridad at pag-detect ng panloloko, pag-sync ng mga serbisyo gaya ng inbox ng iyong email, pag-alala ng mga kagustuhan mo, at pagbibigay ng naka-personalize na pag-advertise. Halimbawa, nakakatulong ang mga natatanging pagkikilanlang naka-store sa cookies na maipakita ng mga site ang content sa iyong browser sa wikang gusto mo. Maaari mong i-configure ang iyong browser na tanggihan ang lahat ng cookies o isaad kapag may ipinapadalang cookie. Matuto pa kung paano gumagamit ng cookies ang Google.

Sa iba pang platform bukod sa mga browser, ginagamit ang mga natatanging pagkikilanlan upang tumukoy ng partikular na device o app sa device na iyon. Halimbawa, ginagamit ang natatanging pagkikilanlan gaya ng Advertising ID upang makapagbigay ng may kaugnayang pag-advertise sa mga Android device, at maaari itong pamahalaan sa mga setting ng iyong device. Maaari ring maglagay ng mga natatanging pagkikilanlan ang manufacturer sa isang device (paminsan-minsan itong tinatawag na universally unique ID o UUID), gaya ng IMEI-number ng mobile phone. Halimbawa, maaaring gamitin ang natatanging pagkikilanlan ng isang device upang i-customize ang aming serbisyo para sa iyong device, o suriin ang mga isyung nauugnay sa mga serbisyo namin sa device.

Mga Tala sa server

Tulad ng karamihan ng mga website, awtomatikong itinatala ng aming mga server ang mga kahilingan ng pahinang nagagawa kapag binibisita mo ang aming mga site. Karaniwang isinasama ng “mga tala sa server” na mga ito ang iyong web request, Internet Protocol address, uri ng browser, wika ng browser, ang petsa at oras ng iyong hiling at isa o higit pang mga cookies na maaaring natatanging makakilala ng iyong browser.

Ganito ang hitsura ng karaniwang entry sa log para sa paghahanap ng “mga kotse”:

123.45.67.89 - 25/Mar/2003 10:15:32 -
http://www.google.com/search?q=cars -
Chrome 112; OS X 10.15.7 -
740674ce2123e969
  • 123.45.67.89 ang Internet Protocol address na itinatalaga ng ISP ng user sa user. Depende sa serbisyo ng user, maaaring ibang address ang italaga ng service provider ng user sa kanya sa tuwing kokonekta siya sa Internet.
  • 25/Mar/2003 10:15:32 ang petsa at oras ng query.
  • http://www.google.com/search?q=cars ang hiniling na URL, kabilang ang query sa paghahanap.
  • Chrome 112; OS X 10.15.7 ang ginagamit na browser at operating system.
  • 740674ce2123a969 ang natatanging cookie ID na itinalaga sa partikular na computer na ito noong una itong bumisita sa Google. (Maaaring i-delete ng mga user ang cookies. Kung na-delete ng user sa computer ang cookie mula noong huli siyang bumisita sa Google, ito ang natatanging cookie ID na itatalaga sa kanyang device sa susunod na bumisita siya sa Google mula sa partikular na device na iyon).

Personal na impormasyon

Ito ay impormasyong ibinibigay mo sa amin, na nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan mo, gaya ng iyong pangalan, email address, o impormasyon sa pagsingil, o iba pang data na makatuwirang mali-link ng Google sa ganitong impormasyon, gaya ng impormasyong iniuugnay namin sa Google Account mo.

Pixel tag

Ang pixel tag ay uri ng teknolohiyang inilalagay sa website o sa nilalaman ng email upang sumubaybay ng partikular na aktibidad, gaya ng mga pagtingin sa website o kapag binuksan ang isang email. Kadalasang ginagamit ang mga pixel tag kasabay ng cookies.

Referrer URL

Ang Referrer URL (Uniform Resource Locator) ay impormasyong inililipat ng web browser sa isang patutunguhang webpage, kadalasan kapag nag-click ka ng link papunta sa page na iyon. Kasama sa Referrer URL ang URL ng huling webpage na binisita ng browser.

Sensitibong personal na impormasyon

Isa itong partikular na kategorya ng personal na impormasyon na nauugnay sa mga paksa gaya ng mga kumpidensyal na medikal na impormasyon, mga pinagmulang lahi o pangkat etniko, mga paniniwala sa pulitika o relihiyon, o sekswalidad.

Web storage ng browser

Nagbibigay-daan ang web storage ng browser na makapag-store ng data sa browser sa isang device ang mga website. Kapag ginagamit sa mode na "lokal na storage," ine-enable nito ang pag-store ng data sa maraming session. Sa pamamagitan nito, makukuha ang data kahit pagkatapos isara at muling buksan ang browser. Ang HTML 5 ay isang teknolohiyang nangangasiwa ng web storage.

Mga app ng Google
Pangunahing menu