Sino ang mga partner ng Google?
Nakikipagtulungan ang Google sa mga negosyo at organisasyon sa iba't ibang paraan. Tinutukoy namin ang mga negosyo at organisasyong ito bilang mga “partner.” Halimbawa, mahigit sa 2 milyong hindi Google na website at app ang nakikipagsosyo sa Google upang magpakita ng mga ad. Milyon-milyong developer partner ang nagpa-publish ng kanilang mga app sa Google Play. Tinutulungan ng iba pang partner ang Google sa pag-secure ng aming mga serbisyo; makakatulong sa amin ang impormasyon tungkol sa mga banta sa seguridad na maabisuhan ka kung sa palagay namin ay nakompromiso ang iyong account (sa sandaling ito, maaari ka naming matulungang gumawa ng mga hakbang upang protektahan ang iyong account).
Tandaang nakikipagtulungan din kami sa mga pinagkakatiwalaang negosyo bilang “mga tagaproseso ng data” sa halip na bilang mga partner, na nangangahulugang nagpoproseso sila ng impormasyon sa ngalan namin, upang suportahan ang aming mga serbisyo, batay sa aming mga tagubilin at bilang pagsunod sa aming Mga Patakaran sa Privacy at iba pang naaangkop na hakbang sa pagiging kumpidensyal at seguridad. Mayroong higit pang impormasyon ang Patakaran sa Privacy ng Google tungkol sa kung paano namin ginagamit ang mga tagaproseso ng data.
Hindi kami nagbabahagi ng impormasyong personal na tumutukoy sa iyo sa aming mga partner sa pag-advertise, gaya ng pangalan o email mo, maliban na lang kung hihilingin mo sa aming gawin ito. Halimbawa, kung makakakita ka ng ad para sa isang malapit na flower shop at pipiliin mo ang button na “mag-tap para tumawag,” ikokonekta namin ang iyong tawag at maaari naming ibahagi ang numero ng telepono mo sa flower shop.
Maaari kang magbasa ng higit pa tungkol sa impormasyong kinokolekta ng Google, kabilang ang mula sa mga partner, sa Patakaran sa Privacy.