Ang content na ito ay mula sa naka-archive na bersyon ng aming Patakaran sa Privacy. Tingnan dito ang aming kasalukuyang Patakaran sa Privacy.
"Maaari kaming magbahagi ng impormasyong hindi nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan sa publiko"
Mga Halimbawa
Kapag nagsimulang maghanap ng isang bagay ang maraming tao, maaari itong makapagbigay ng lubos na kapaki-pakinabang na impormasyon tungkol sa mga partikular na trend sa panahong iyon. Sinusuri ng Google Trends ang mga paghahanap sa web sa pamamagitan ng Google upang malaman kung ilang paghahanap ang nagawa sa isang partikular na panahon at ibinabahagi nito ang mga resultang iyon sa publiko sa pamamagitan ng mga pinagsama-samang termino.