Ang content na ito ay mula sa naka-archive na bersyon ng aming Patakaran sa Privacy. Tingnan dito ang aming kasalukuyang Patakaran sa Privacy.
"mas may kaugnayang mga resulta ng paghahanap"
Mga Halimbawa
- Halimbawa, magagawa naming mas may kaugnayan at mas interesante ang paghahanap para sa iyo sa pamamagitan ng pagsasama ng mga larawan, post at higit pa mula sa iyo at sa iyong mga kaibigan. Kapag naka-sign in ka sa Google+, makakakita ka ng mga ibinagay na resulta at profile ng mga taong kakilala o sinusubaybayan mo, at maaaring makita ng mga taong nakakakilala o sumusubaybay sa iyo ang iyong mga post at profile sa kanilang mga resulta. Maaari mong baguhin ang mga setting ng iyong profile kahit kailan kung ayaw mong i-index ng Google at ng iba pang mga search engine ang iyong profile. Matuto nang higit pa.
- Kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account at na-enable mo ang Kasaysayan sa Web, maaari kang makakuha ng mas may kaugnayang mga resulta ng paghahanap batay sa iyong Kasaysayan sa Web. Kasama sa Kasaysayan sa Web ang iyong mga paghahanap at iba pang aktibidad sa web. Maaari ding i-customize ang iyong mga resulta ng paghahanap sa pamamagitan ng paggamit ng aktibidad ng paghahanap mula sa iyong computer kahit na naka-sign out ka. Matuto nang higit pa.