Ang content na ito ay mula sa naka-archive na bersyon ng aming Patakaran sa Privacy. Tingnan dito ang aming kasalukuyang Patakaran sa Privacy.
"maaaring kumuha at magproseso ng impormasyon tungkol sa iyong aktwal na lokasyon"
Mga Halimbawa
- Halimbawa, maaaring isentro ng Google Maps ang view ng mga mapa sa iyong kasalukuyang lokasyon. Matuto nang higit pa. Kung gumagamit ka ng Google Maps para sa Mobile, gagamit kami ng mga signal ng GPS, WiFi at cell tower upang matukoy ang iyong lokasyon. Matuto nang higit pa.
- Kapag malapit ka sa isang bus stop o istasyon ng tren, maipapaalam sa iyo ng Google Now kung anong mga bus o tren ang susunod na darating.
- Ang Location History ay nagbibigay-daan sa Google na mag-imbak ng kasaysayan ng iyong data ng lokasyon mula sa lahat ng device kung saan ka naka-log in sa iyong Google Account at kung saan mo na-on ang Pag-uulat sa Lokasyon. Ang data ng Location History at Pag-uulat sa Lokasyon ay maaaring gamitin ng anumang app o serbisyo ng Google. Halimbawa, maaari itong gamitin ng Google Maps upang pahusayin ang iyong mga resulta ng paghahanap batay sa mga lugar na pinuntahan mo. Matuto nang higit pa.