Ang content na ito ay mula sa naka-archive na bersyon ng aming Patakaran sa Privacy. Tingnan dito ang aming kasalukuyang Patakaran sa Privacy.
"mga ad na magiging lubos na kapaki-pakinabang sa iyo"
Mga Halimbawa
- Halimbawa, kung madalas kang bumisita sa mga website at blog na tungkol sa paghahardin, maaari kang makakita ng mga ad na nauugnay sa paghahardin habang nagba-browse ka sa web. At kung manonood ka ng mga video tungkol sa baking sa YouTube, maaari kang makakita ng higit pang mga ad na nauugnay sa baking. Matuto nang higit pa.
- Ginagamit namin ang iyong kasalukuyang IP-address upang tukuyin ang iyong tinatayang lokasyon, upang makapaghatid kami sa iyo ng mga ad para sa isang kalapit na serbisyo ng delivery ng pizza kung hahanapin mo ang “pizza”, o upang maipakita sa iyo ang mga oras ng palabas para sa pinakamalapit na sinehan kung hahanapin mo ang "cinema." Matuto nang higit pa.
- Maaaring awtomatikong i-scan ng aming system ang nilalaman sa aming mga serbisyo, gaya ng mga email sa Gmail, upang makapagpakita sa iyo ng mas may kaugnayang mga ad. Kaya kung nakatanggap ka kamakailan ng maraming mensahe tungkol sa photography o mga camera, halimbawa, maaaring interesado kang malaman ang tungkol sa isang deal sa isang lokal na tindahan ng camera. Sa kabilang banda, kung iniulat mo ang mga mensaheng ito bilang spam, malamang na ayaw mong makita ang deal na iyon. Ang ganitong uri ng automated na pagproseso ay ginagamit ng maraming serbisyo ng email upang makapagbigay ng mga feature gaya ng pag-filter ng spam at pagsusuri ng pagbabaybay. Ganap na automated ang pagta-target ng ad sa Gmail, at walang mga taong nagbabasa ng iyong email o impormasyon ng iyong Google Account upang makapagpakita sa iyo ng mga advertisement o nauugnay na impormasyon. Matuto nang higit pa tungkol sa mga ad sa Gmail dito.