Patakaran sa Pagkapribado
Huling binago: Oktubre 20, 2011 (tingnan ang mga na-archive na bersyon)
Nalalapat ang Patakaran sa Privacy na ito sa lahat ng mga produkto, serbisyo at website na inaalok ng Google Inc. o ng mga subsidiary nito o mga kaakibat na kumpanya maliban sa Postini (Patakaran sa Privacy ng Postini). Minsan, maaari kaming mag-post ng mga notice sa privacy ng partikular sa produkto o mga materyales ng Help Center upang ipaliwanag ang aming mga produkto nang mas detalyado.
Kung mayroon kang anumang mga tanong tungkol sa Patakaran sa Privacy na ito, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng aming website o sumulat sa amin sa
Privacy Mattersc/o Google Inc.
1600 Amphitheatre Parkway
Mountain View, California, 94043
USA
Kinokolekta naming impormasyon at kung paano namin ginagamit ito
Maaari namin kolektahin ang mga sumusuond na uri ng impormasyon:
- Ang impormasyon na iyong ibinigay – Noong nag-sign up ka para sa Google Account, humihingi kami ng personal na impormasyon. Maaari naming isama ang impormasyon na iyong isinumite sa ilalim ng iyong account sa impormasyon mula sa iba pang mga serbisyo ng Google o mga third party upang mabigyan ka ng mas mahusay na karanasan at upang mapabuti ang kalidad ng aming mga serbisyo. Para sa ilang mga serbisyo, maaari ka naming bigyan ng pagkakataong mag-opt out sa pagsasama-sama ng naturang impormasyon. Maaari mong gamitin ang Google Dashboard upang matuto nang higit pa tungkol sa impormasyong nauugnay sa iyong Account. Kung gumagamit ka ng mga serbisyo ng Google kasama ang iyong Google Apps Account, ibinibigay ng Google ang mga naturang serbisyo kasama ng o sa ngalan ng administrator ng iyong domain. Magkakaroon ng access ang iyong administrator sa impormasyon sa iyong account kasama ang email mo. Sumangguni sa patakaran sa privacy ng administrator ng iyong domain para sa higit pang impormasyon.
- Cookies – Kapag binisita mo ang Google, nagpapadala kami ng isa o higit pang cookies sa iyong computer o ibang device. Gumagamit kami ng cookies upang mapahusay ang kalidad ng aming serbisyo, kabilang ang para sa pag-iimbak ng mga kagustuhan ng user, pagpapahusay ng mga resulta ng paghahanap at pagpili ng ad, at pagsubaybay sa mga trend ng user, gaya ng kung paano naghahanap ang mga tao. Gumagamit rin ang Google ng cookies sa mga serbisyo sa advertising nito upang matulungan ang mga advertiser at publisher na ihatid at pamahalaan ang mga ad sa buong web at sa mga serbisyo ng Google.
- Impormasyon sa log – Kapag ina-a-access mo ang mga serbisyo ng Google sa pamamagitan ng isang browser, application o iba pang client awtomatikong nire-rekord ng aming mga server ang ilang impormasyon. Ang mga log sa server na ito ay maaaring magsama ng impormasyon tulad ng iyong kahilingan sa web, Internet Protocol address, uri ng browser, wika ng browser, ang oras at petsa ng iyong kahilingan at isa o higit pang mga cookies na maaaring natatanging tumukoy ng iyong browser o iyong account.
- Mga ugnayan ng user – Kapag nagpadala ka ng email o iba pang mga ugnayan sa Google, maaari naming panatiliin ang mga ugnayang iyon upang maiproseso ang iyong mga tanong, tugon sa iyong mga hiling at mapabuti ang aming mga serbisyo. Kapag nagpadala ka at nakatanggap ng mga SMS message sa o mula sa isa sa aming mga serbisyo na nagbibigay ng pagpapaganang SMS, maaari kaming magkolekta at magpanatili ng impormasyong nauugnay sa mga mensaheng iyon, tulad ng numero ng telepono, ang wireless carrier na nauugnay sa numero ng telepono, ang nilalaman ng mensahe, at ang petsa at oras ng transaksyon. Maaaring gamitin namin ang iyong email address upang makipag-ugnay sa iyo tungkol sa aming mga serbisyo.
- Mga Kaakibat na Serbisyo ng Google sa iba pang mga site – Nag-aalok kami ng ilan sa aming mga serbisyo sa o sa pamamagitan ng iba pang mga web site. Ang personal na impormasyon na iyong ibinigay sa mga site na iyon ay maaaring maipadala sa Google upang maihatid ang serbisyo. Pinoproseso namin ang naturang impormasyon sa ilalim ng Patakaran sa Privacy na ito.
- Mga Third Party na Application – Maaaring gumawa ang Google ng mga third party na application, tulad ng mga gadget o extension, sa pamamagitan ng mga serbisyo nito. Ang kinokolektang impormasyon ng Google kapag pinagana mo ang third party na application ay ipinoproseso sa ilalim ng Patakaran sa Privacy na ito.Ang kinokolektang impormasyon ng third party na application provider ay pinamamahalaan ng kanilang mga patakaran sa privacy.
- Data ng lokasyon – Nag-aalok ang Google ng mga serbisyong pinapagana ng lokasyon, tulad ng Google Maps at Latitude. Kung gumamit ka ng mga serbisyong iyon, maaaring makatanggap ang Google ng impormasyon tungkol sa iyong aktwal na lokasyon (tulad ng mga GPS signal na ipinadala ng mobile device) o impormasyon na maaaring magamit upang matantya ang lokasyon (tulad ng cell ID).
- Natatanging numero ng application – Ang ilang mga serbisyo, gaya ng Google Toolbar, ay kinabibilangan ng natatanging numero ng application na hindi nauugnay sa iyong account o sa iyo. Ang numero at impormasyon tungkol sa iyong pag-install na ito (hal., uri ng operating system, numero ng bersyon) ay maaaring maipadala sa Google kapag in-install o in-uninstall mo ang serbisyong iyon, kapag paminsan-minsang nakikipag-ugnay ang serbisyong iyon sa aming mga server (halimbawa, upang humiling ng mga awtomatikong update sa software).
- Iba pang mga site – Nalalapat ang Patakaran sa Privacy na ito sa mga serbisyo lamang ng Google. Hindi namin pinatutupad ang pag-kontrol sa mga ipinapakitang site bilang mga resulta ng paghahanap, ang mga site na kasama ang mga application, produkto o serbisyo, o link ng Google mula sa loob ng aming iba’t ibang mga serbisyo. Maaaring maglagay ng sarili nilang mga cookies ang iba pang mga site na ito o iba pang mga file sa iyong computer, magkolekta ng data o humingi ng personal na impormasyon mula sa iyo.
Bilang karagdagan sa nasa itaas, maaari naming gamitin ang impormasyong nakolekta namin upang:
- Ibigay, mapanatili, protektahan, at mapabuti ang aming mga serbisyo (kabilang ang mga serbisyo sa advertising) at bumuo ng mga bagong serbiyso; at
- Protektahan ang mga karapatan o pag-aari ng Google o ng aming mga user.
Kung gagamitin namin ang impormasyong ito sa paraang iba kaysa sa layunin kung bakit ito kinolekta, hihingin namin ang iyong pahintulot bago ang nasabing paggamit.
Pinoproseso ng Google ang personal na impormasyon sa aming mga server sa Estados Unidos ng Amerika at sa ibang mga bansa. Sa ilang mga kaso, pinoproseso namin ang personal na impormasyon sa labas ng iyong sariling bansa.
Mga Pagpipilian
Maaari mong magamit ang Google Dashboard upang masuri at makontrol ang impormasyong nakaimbak sa iyong Google Account.
Paunang nai-set up ang karamihan ng mga browser upang tumanggap ng mga cookies, ngunit maaari mong i-reset ang iyong browser upang matanggihan ang lahat ng mga cookies o upang maipahiwatig kapag pinapadala ang cookie. Gayunpaman, maaaring hindi gumana nang maayos ang ilang mga tampok at serbisyo ng Google kung hindi pinagana ang iyong mga cookies.
Ginagamit ng Google ang DoubleClick advertising cookie sa mga kasosyong site ng AdSense at ilang mga serbisyo ng Google upang matulungan ang mga advertiser at publisher na maihatid at mapamahalaan ang mga ad sa web. Maaari mong tingnan at pamahalaan ang iyong mga kagustuhan sa mga ad na nauugnay sa cookie na ito sa pamamagitan ng pag-access sa Ads Preferences Manager. Bukod dito, maaari mong piliing mag-opt out sa DoubleClick cookie anumang oras sa pamamagitan ng paggamit ng cookie ng DoubleClick sa pag-opt out.
Pagbabahagi ng impormasyon
Nagbabahagi lamang ang Google ng personal na impormasyon sa iba pang mga kumpanya o indibidwal sa labas ng Google sa sumusunod na limitadong mga pangyayari:
- Nasa amin ang iyong pagpapahintulot. Hinihingi namin ang opt-in na pahintulot para sa pagbabahagi ng anumang sensitibong personal na impormasyon.
- Binibigay namin ang nasabing impormasyon sa aming mga subsidiary, mga affiliate na kumpanya o iba pang mga pinagkakatiwalaang negosyo o mga tao para sa layunin ng pagproseso ng personal na impormasyon sa ngalan namin. Hinihingi namin na sumang-ayon ang mga partidong ito upang maiproseso ang nasabing impormasyon batay sa aming mga tagubilin at sa pagsunod sa Patakaran sa Privacy na ito at anumang iba pang naaangkop na pagiging kumpidensyal at mga paraan ng seguridad.
- Mayroon kaming paniniwala sa mabuting katapatan na ang pag-access, paggamit, pagtatabi o pagbubunyag ng nasabing impormasyon ay makatuwirang kinakailangan upang (a) matugunan ang anumang nalalapat na batas, regulasyon, legal na proseso o sapilitang hiling na pang-pamahalaan, (b) mapatupad ang nalalapat na Mga Tuntunin ng Serbisyo, kasama ang pagsisiyasat ng potensyal na mga paglabag nito, (c) matunton, maiwasan, o alin man sa matugunan ang panloloko, seguridad o mga isyung teknikal, o (d) maprotektahan laban sa pinsala sa mga karapatan, pag-aari o kaligtasan ng Google, ng mga user nito o ng publiko bilang kinakailangan o pinahihintulutan ng batas.
Kung makasali ang Google sa pagsasanib, pagkuha, o anumang uri ng pagbebenta ng ilan o lahat ng mga ari-arian nito, titiyakin namin ang pagiging kumpidensyal ng anumang personal na impormasyon na kasama sa nasabing mga transaksyon at magbibigay ng abiso bago mailipat ang personal na impormasyon at mapasailalim sa iba’t ibang patakaran sa privacy.
Seguridad ng impormasyon
Gumagawa kami ng naaangkop na mga paraan sa seguridad upang maprotektahan laban sa walang pahintulot na pag-access sa o walang pahintulot sa pagbabago, pagbubunyag o pagsira ng data. Kinabibilangan ang mga ito ng mga panloob na pagsusuri ng aming koleksyon ng data, mga kagawian sa pag-iimbak at pagpoproseso at mga hakbanging pangseguridad, pati na rin ang naaangkop na pag-encrypt at mga aktwal na hakbanging pangseguridad upang magbantay laban sa walang pahintulot na pag-access sa mga system kung saan namin iniimbak ang personal na data.
Pinaghihigpitan namin ang access sa personal na impormasyon sa mga empleyado, nangongontrata at ahente ng Google na nangangailangang malaman ang impormasyong iyon upang maproseso ito sa aming ngalan. Ang mga indibidwal na ito ay nasasakop ng mga obligasyon sa pagiging kumpidensyal at maaaring sumailalim sa disiplina, kabilang ang pagkakatanggal sa trabaho at paglilitis sa kasong kriminal, kung mabigo silang matugunan ang mga obligasyong ito.
Pag-access at pag-update ng personal na impormasyon
Kapag gumagamit ka ng mga serbisyo ng Google, gumagawa kami ng mga pagsusumikap sa mabuting katapatan upang mabigyan ka ng access sa iyong personal na impormasyon upang maiwasto ang data na ito, kung hindi tumpak o upang matanggal ang nasabing data sa iyong kahilingan kung hindi man gaya ng hinihingi upang mapanatili ng batas o para sa lehitimong mga layunin ng negosyo. Hinihiling namin sa mga indibidwal na user na ipakilala ang kanilang mga sarili at ang impormasyon na hinihiling na i-access, iwasto o alisin bago iproseso ang gayong mga kahilingan, at maaari naming tanggihang iproseso ang mga kahilingang hindi makatuwirang nauulit o sistematiko, nangangailangan ng hindi proporsyonal na teknikal na pagsusumikap, naglalagay ng privacy ng iba sa alanganin, o magiging lubhang hindi praktikal (halimbawa, mga kahilingan patungkol sa impormasyong nasa backup na mga tape), o kung saan hindi kinakailangan ang pag-access. Sa anumang kaso kung saan nagbibigay kami ng pag-access at pagwawasto sa impormasyon, ginagawa namin ang serbisyong ito nang libre, maliban kung ang paggawa ay mangangailangan ng hindi proporsyonal na pagsusumikap. Dahil sa paraan ng aming pagpapanatili ng ilang mga serbisyo, pagkatapos mong tanggalin ang iyong impormasyon, maaaring tumagal ang mga tira-tirang kopya bago matanggal ang mga ito mula sa aming mga aktibong server at maaaring manatili sa aming mga backup system. Pakisuri ang Mga Help Center na pangserbisyo para sa higit pang impormasyon.
Pagpapatupad
Sumusunod ang Google sa U.S. Safe Harbor Framework at U.S. Swiss Safe Harbor Framework na gaya itinakda ng U.S. Department of Commerce tungkol sa pangongolekta, gamit, at retensyon ng personal na impormasyon mula sa mga miyembrong bansa ng European Union at Switzerland. Pinapatunayan ng Google na tumutupad ito sa Mga Panuntunan ng Privacy ng Safe Harbor sa abiso, pagpili, paglipat, seguridad, integridad ng data, access at pagpapatupad. Upang matuto nang higit pa tungkol sa programa ng Safe Harbor, at upang makita ang sertipikasyon ng Google, pakibisita ang Safe Harbor website.
Regular na sinusuri ng Google ang pagsunod nito sa Patakaran sa Privacy na ito. Kapag nakatanggap kami ng mga pormal na reklamong nakasulat, patakaran ng Google na makipag-ugnay sa nagrereklamong user tungkol sa kanyang mga alalahanin. Makikipagtulungan kami sa naaangkop na mga awtoridad sa pagpapasunod, kasama ang mga awtorisado sa pagprotekta ng lokal na data, upang malutas ang anumang mga reklamo patungkol sa paglilipat ng personal na data na hindi maaaring malutas sa pagitan ng Google at ng indibidwal.
Mga pagbabago sa Patakaran sa Privacy na ito
Pakitandaan na maaaring magbago paminsan-minsan ang Patakaran sa Privacy na ito. Hindi namin babawasan ang iyong mga karapatan sa ilalim ng Patakaran sa Privacy na ito nang wala ng iyong tahasang pahintulot. Magpo-post kami ng anumang mga pagbabago sa Patakaran sa Privacy sa pahinang ito at, kung makabuluhan ang mga pagbabago, magbibigay kami ng higit pang mahalagang notice (kabilang ang, para sa ilang mga serbsiyo, notification sa email ng mga pagbabago sa Patakaran sa Privacy). Itatago rin namin ang mga naunang bersyon ng Patakaran sa Privacy na ito sa isang archive para sa iyong pagsusuri.