Isa itong naka-archive na bersyon ng aming Patakaran sa Privacy. Tingnan ang kasalukuyang bersyon o lahat ng nakaraang bersyon.

Patakaran sa Pagkapribado

Huling nabago: Marso 11, 2009

Sa Google kinikilala namin na mahalaga ang pagiging pribado. Nalalapat ang Patakaran sa Pagkapribado na ito sa lahat ngmga produkto, serbisyo at website na inaalok ng Google Inc. o ng mga subsidiary nito o mga kaakibat na kumpanya maliban sa DoubleClick (DoubleClick Privacy Policy) at Postini (Postini Privacy Policy); nang sama-sama, “mga serbisyo” ng Google. Dagdag pa rito, kung saan kailangan ang mas detalyadong impormasyon upang ipaliwanag ang aming mga gawi sa pagkapribado, nag-post kami ng karagdagang mga abiso sa pagiging pribado upang mailarawan kung paano pinoproseso ng partikular na mga serbisyo ang personal na impormasyon. Matatagpuan ang mga abisong ito sa Google Privacy Center.

Sumusunod ang Google sa US Safe Harbor Privacy Principles of Notice, Choice, Onward Transfer, Security, Data Integrity, Access and Enforcement, at nagrehistro sa U.S. Department of Commerce’s Safe Harbor Program.

Kung mayroon kang anumang mga tanong tungkol sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng aming website o sumulat sa amin sa

Privacy Matters
c/o Google Inc.
1600 Amphitheatre Parkway
Mountain View, California, 94043
USA

Kinokolekta namin ang impormasyon at kung paano namin ginagamit ito

Nag-aalok kami ng ilang mga serbisyo na hindi nangangailangan sa iyo na mag-rehistro para sa isang account o magbigay ng anumang personal na impormasyon sa amin, tulad ng Google Search. Upang maibigay ang buong hanay ng aming mga serbisyo, maaari naming kolektahin ang sumusunod na mga uri ng impormasyon.

  • Ang impormasyon na iyong ibinigay – Kapag nag-sign up para sa Google Account o iba pang serbisyo ng Google service o promosyon na nangangailangan ng pagrerehistro, hihingin namin sa iyo para sa personal na impormasyon (tulad ng iyong pangalan, email address at isang password ng account). Para sa ilang mga serbisyo, gaya ng aming mga programa sa advertising, humihiling din kami ng impormasyon ng credit card o ng iba pang account ng pagbabayad na pananatilihin namin sa anyo na naka-encrypt sa ligtas na mga server. Maaari naming pagsamahin ang impormasyon na iyong isinumite sa ilalim ng iyong account sa impormasyon mula sa iba pang mga serbisyo ng Google o mga third party upang mabigyan ka ng mas mainam na karanasan at upang mapabuti ang kalidad ng aming mga serbisyo. Para sa ilang mga serbisyo, maaari ka naming bigyan ng pagkakataon upang hindi sumali sa pagsasama-sama ng nasabing impormasyon.
  • Mga cookies – Kapag bumisita ka sa Google, magpapadala kami ng isa o higit pang mga cookies – ang maliit na file na naglalaman ng string ng mga character – sa iyong computer o iba pang aparato na natatanging kinikilala ang iyong browser. Gumagamit kami ng mga cookies upang mapahusay ang kalidad ng aming serbisyo, kasama para sa pag-iimbak ng mga kagustuhan ng gumagamit, pagpapahusay ng mga resulta ng paghahanap at pagpili ng ad, at pagsubaybay sa mga trend ng gumagamit, tulad ng kung paano naghahanap ang mga tao. Gumagamit rin ang Google ng mga cookies sa mga serbisyo sa advertising nito upang matulungan ang mga advertiser at publisher na ihatid at pamahalaan ang mga ad sa web. Maaaring magtakda kami ng isa o higit pang mga cookies sa iyong browser kapag bumisita ka sa website, kasama ang mga site ng Google na gumagamit ng aming mga cookies sa advertising, at tumingin o mag-click sa ad na suportado ng mga serbisyo sa advertising ng Google.
  • Impormasyon sa tala – Kapag in-access mo ang mga serbisyo ng Google, awtomatikong itinatala ng aming mga server ang impormasyon na ipinapadala ng iyong browser tuwing iyong binibisita ang website. Ang mga tala sa server na ito ay maaaring magsama ng impormasyon tulad ng iyong kahilingan sa web, Internet Protocol address, uri ng browser, wika ng browser, ang oras at petsa ng iyong kahilingan at isa o higit pang mga cookies na maaaring natatanging tukuyin ang iyong browser.
  • Mga ugnayan ng gumagamit – Kapag nagpadala ka ng email o iba pang mga ugnayan sa Google, maaari naming pamanatiliin ang mga ugnayang iyon upang maiproseso ang iyong mga tanong, tugod sa iyong mga hiling at mapabuti ang aming mga serbisyo.
  • Mga Kaakibat na Serbisyo ng Google sa iba pang mga site – Nag-aalok kami ng ilan sa aming mga serbisyo sa at sa pamamagitan ng iba pang mga web site. Ang personal na impormasyon na iyong ibinigay sa mga site na iyon ay maaaring maipadala sa Google upang maihatid ang serbisyo. Pinoproseso namin ang nasabing impormasyon sa ilalim ng Patakaran sa Pagkapribado na ito. Ang mga kaakibat na site kung saan inaalok ang aming mga serbisyo ay maaaring mayroong iba’t ibang mga kasanayan sa pagiging pribado at hinihikayat ka namin basahin ang kanilang mga patakaran sa pagkapribado.
  • Mga Gadget – Maaaring gumawa ang Google ng magagamit na mga application ng third-party sa pamamagitan ng mga serbisyo nito. Ang kinolektang impormasyon ng Google kapag pinagana mo ang gadget o iba pang application ay naiproseso sa ilalim ng Patakaran sa Pagkapribado na ito.Ang kinolektang impormasyon ng tagapagbigay ng application o gadget ay pinamamahalaan ng kanilang mga patakaran sa pagkapribado.
  • Data ng lokasyon – Nag-aalok ang Google ng mga serbisyong pinapagana ng lokasyon, tulad ng Google Maps para sa mobile. Kung gumamit ka ng mga serbisyong iyon, maaaring makatanggap ang Google ng impormasyon tungkol sa iyong aktwal na lokasyon (tulad ng mga GPS signal na ipinadala ng aparatong mobile) o impormasyon na maaaring magamit upang mataya ang lokasyon (tulad ng cell ID).
  • Mga Link – Maaaring magpakita ang Google ng mga link sa format na magagawa naming masubaybayan kung nasundan ang mga link na ito. Ginagamit namin ang impormasyong ito upang mapagbuti ang kalidad ng aming teknolohiya sa paghahanap, mai-customize ang nilalaman at advertising. Magbasa nang higit pang impormasyon tungkol sa mga link at nai-redirect na mga URL.
  • Iba pang mga site – Nalalapat ang Patakaran sa Pagkapribado na ito sa mga serbisyo ng Google lamang. Hindi namin pinatutupad ang pag-kontrol sa mga ipinapakitang site bilang mga resulta ng paghahanap, ang mga site na kasama ang mga application, produkto o serbsiyo, o link ng Google mula sa loob ng aming iba’t ibang mga serbisyo. Maaaring maglagay ng sarili nilang mga cookies ang iba pang mga site na ito o iba pang mga file sa iyong computer, magkolekta ng data o humingi ng personal na impormasyon mula sa iyo.

Pinoproseso lamang ng Google ang personal na impormasyon para sa mga layuning inilalarawan sa Patakaran sa Pagkapribado na ito at/o ang karagdagang mga abiso sa pagiging pribado para sa partikular na mga serbisyo. Sa karagdagan sa itaas, kasama ng nasabing mga layunin ay:

  • Pagbibigay ng aming mga serbisyo, kasama ang pagpapakita ng nai-customize na nilalaman at advertising;
  • Pag-o-audit, pagsasaliksik at pagsusuri upang mapanatili, maprotektahan at mapagbuti ang aming mga serbisyo;
  • Matiyak ang teknikal na paggana ng aming network;
  • Protektahan ang mga karapatan o pagmamay-ari ng Google o ng aming mga gumagamit; at
  • Pagbuo ng bagong mga serbisyo.

Maaari mong matagpuan ang higit pang impormasyon tungkol sa kung paano namin pinoproseso ang personal na impormasyon sa pamamagitan ng pagsangguni sa karagdagang mga abiso sa pagiging pribado para sa partikular na mga serbisyo.

Pinoproseso ng Google ang personal na impormasyon sa aming mga server sa Estados Unidos ng Amerika at sa ibang mga bansa. Sa ilang mga kaso, pinoproseso namin ang personal na impormasyon sa isang server sa labas ng iyong sariling bansa. Maaari naming iproseso ang personal na impormasyon upang maibigay ang aming sariling mga serbisyo. Sa ilang mga kaso, maaari naming maiproseso ang personal na impormasyon sa ngalan ng at ayon sa mga tagubilin ng third-party, tulad ng sa aming mga kasosyo sa advertising.

Mga pagpipilian para sa personal na impormasyon.

Kapag nag-sign up ka para sa partikular na serbisyo na nangangailangan ng pagrerehistro, hihingin namin sa iyo na magbigay ka ng personal na impormasyon. Kung gamitin namin ang impormasyong ito sa parang iba kaysa sa layunin kung bakit ito kinolekta, hihingin namin ang iyong pahintulot bago ang nasabing paggamit.

Kung imungkahi naming gamitin ang personal na impormasyon para sa anumang mga layunin maliban sa mga inilarawang iyon sa Patakaran sa Pagkapribado na ito at/o sa mga abiso sa pagiging pribado ng mga partikular na serbisyo, aalukin ka namin ng epektibong paraan upang hindi sumali sa paggamit ng personal na impormasyon para sa iba pang mga layuning iyon. Hindi kami magkokolekta o gagamit ng sensitibong impormasyon para sa mga layunin maliban sa mga inilarawang iyon sa Patakaran sa Pagkapribado na ito at/o sa karagdagang mga abiso sa pagiging pribado ng serbisyo, maliban kung nakuha namin ang iyong naunang pahintulot.

Paunang nai-set up ang karamihang mga browser upang tumanggap ng mga cookies, ngunit maaari mong i-reset ang iyong browser upang matanggihan ang lahat ng mga cookies o upang maipahiwatig kapag naipadala ang cookie. Gayunpaman, maaaring hindi gumana ng maayos ang ilang mga tampok at serbisyo ng Google kung hindi paganahin ang iyong mga cookies.

Ginagamit ng Google ang DoubleClick advertising cookie sa mga kasosyong site ng AdSense at ilang mga serbisyo ng Google upang matulungan ang mga advertiser at publisher na maihatid at mapamahalaan ang mga ad sa web. Maaari mong tingnan, i-edit, at pamahalaan ang mga kagustuhan ng iyong mga ad na nauugnay sa cookie na ito sa pamamagitan ng pag-access sa Ads Preferences Manager. Sa karagdagan, maaaring piliin mong hindi sumali sa cookie ng DoubleClick cookie sa anumang oras sa pamamagitan ng hindi pagsali sa cookie ng DoubleClick.

Maaari mong tanggihang magsumite ng personal na impormasyon sa anumang mga serbisyo namin, at sa kasong ito ay maaaring hindi makakapagbigay ang Google ng mga serbisyong iyon sa iyo.

Pagbabahagi ng impormasyon

Nagbabahagi lamang ang Google ng personal na impormasyon sa iba pang mga kumpanya o indibidwal sa labas ng google sa sumusunod na limitadong mga pangyayari:

  • Nasa amin ang iyong pagpapahintulot. Hinihingi namin ang pahintulot para hindi sumali para sa pagbabahagi ng anumang sensitibong personal na impormasyon.
  • Binibigay namin ang nasabing impormasyon sa aming mga subsidiary, mga kaakibat na kumpanya o iba pang mga pinagkakatiwalaang negosyo o mga tao para sa layunin ng pagproseso ng personal na impormasyon sa ngalan namin. Hinihingi namin na sumang-ayon ang mga partidong ito upang maiproseso ang nasabing impormasyon batay sa aming mga tagubilin at sa pagsunod sa Patakaran sa Pagkapribado na ito at anumang iba pang naaangkop na pagiging kumpidensyal at mga paraan ng seguridad.
  • Mayroon kaming paniniwala sa mabuting katapatan na ang pag-access, paggamit, pagtatabi o pagbubunyag ng nasabing impormasyon ay makatuwirang kinakailangan upang (a) matugunan ang anumang nalalapat na batas, regulasyon, legal na proseso o sapilitang hiling na pang-pamahalaan, (b) mapatupad ang nalalapat na Mga Tuntunin sa Serbisyo, kasama ang pagsisiyasat ng potensyal na mga paglabag nito, (c) matunton, maiwasan, o alin man sa matugunan ang panloloko, seguridad o mga isyung teknikal, o (d) maprotektahan laban sa pinsala sa mga karapatan, pag-aari o kaligtasan ng Google, ng mga guagamit nito o ng publiko bilang kinakailangan o pinahihintulutan ng batas.

Kung makasali ang Google sa pagsasanib, pagkuha, o anumang uri ng pagbebenta ng ilan o lahat ng mga ari-arian nito, titiyakin namin ang pagiging kumpidensyal ng anumang personal na impormasyon na kasama sa nasabing mga transaksyon at magbibigay ng abiso bago mailipat ang personal na impormasyon at mapasailalim sa iba’t ibang patakaran sa pagkapribado.

Maaaring magbahagi kami sa mga third party ng ilang mga bahagi ng pinagsama-sama, hindi personal na impormasyon, tulad ng bilang ng mga gumagamit na naghanap para sa partikular na termino, halimbawa, o kung ilang mga gumagamit ang nag-click sa partikular na advertisement. Hindi ka makikilala ng indibidwal ng nasabing impormasyon.

Mangyaring makipag-ugnay sa amin sa address sa ibaba para sa anumang mga karagdagang tanong tungkol sa pamamahala o paggamit ng personal na data.

Seguridad ng impormasyon

Gumagawa kami ng naaangkop na mga paraan sa seguridad upang maprotektahan laban sa walang pahintulot na pag-access sa o walang pahintulot sa pagbabago, pagbubunyag o pagsira ng data. Kasama sa mga ito ang panloob na mga pagsusuri nga pagkolekta, pag-iimbak at mga gawi sa pagpoproseso at mga paraan sa seguridad ng aming data, pati na rin ang pisikal na mga paraan sa seguridad upang mabantayan laban sa walang pahintulot na pag-access sa mga system kung saan namin iniimbak ang personal na data.

Pinaghihigpitan namin ang pag-access sa personal na impormasyon sa mga empleyado, nangongontrata at ahente ng Google na kailangang malaman ang impormasyon na iyon upang mapatakbo, mabuo o mapagbuti ang aming mga serbisyo. Ang mga indibidwal na ito ay nasasakop ng pagiging kumpidensyal na mga obligasyon ay maaaring sumailalim sa pagdisiplina, kasama ang pagkakatanggal sa trabaho at paglilitis sa kasong kriminal, kung mabigo silang matugunan ang mga obligasyong ito.

Integridad ng data

Pinoproseso ng Google ang personal na impormasyon lamang para sa mga layunin para sa kung saan ito kinolekta at ayon sa Patakaran sa Pagkapribado na ito o anumang nalalapat na abiso sa pagiging pribado na partikular sa serbisyo. Sinusuri namin ang pagkolekta, pag-iimbak at mga gawi sa pagpoproseso ng data upang matiyak na aming kinokolekta, iniimbak at pinoproseso lamang ang personal na impormasyong kinakailangan upang makapagbigay o mapagbuti ang aming mga serbisyo o gaya ng pinahihintulutan sa ilalim ng Patakaran na ito. Gumagawa kami ng makatuwirang mga hakbang upang matiyak na ang personal na impormasyon na aming naiproseso ay tumpak, kumpleto, at bago, ngunit umaasa kami sa aming mga gumagamit upang mai-update o maiwasto ang kanilang personal na impormasyon kapag kinakailangan.

Pag-access at pag-update ng personal na impormasyon

Kapag gumagamit ka ng mga serbisyo ng Google, gumagawa kami ng mga pagsusumikap sa mabuting katapatan upang mabigyan ka ng pag-access sa iyong personal na impormasyon at alinman upang maiwasto ang data na ito, kung hindi tumpak o upang matanggal ang nasabing data sa iyong kahilingan kung hindi man gaya ng hinhingi upang mapanatili ng batas o para sa lehitimong mga layunin ng negosyo. Hinihiling naming kilalanin ng indibidwal na mga gumagamit ang kanilang mga sarili at na i-access, iwasto o alisin ang hinihiling na impormasyon bago iproseso ang gayong mga kahilingan, at maaari naming tanggihang iproseso ang mga kahilingang hindi makatuwirang nauulit o sistematiko, nangangailangan ng hindi pantay na teknikal na pagsusumikap, naglalagay ng pagiging pribado ng iba sa alanganin, o magiging lubhang hindi praktikal (halimbawa, mga kahilingan patungkol sa impormasyong nasa backup na mga tape), o kung saan hindi kinakailangan ang pag-access. Sa anumang kaso kung saan nagbibigay kami ng pag-access at pagwawasto sa impormasyon, ginaganap namin ang serbisyong ito ng libre, maliban kung ang paggawa ay mangangailangan ng hindi pantay-pantay na pagsusumikap. Ang ilan sa aming mga serbisyo ay mayroong iba’t ibang mga pamamaraan upang ma-access, maiwasto o matanggal ang personal na impormasyon ng mga gumagamit. Ibibigay namin ang mga detalye para sa mga pamamaraang ito sa partikular na mga abiso sa pagiging pribado o mga FAQ para sa mga serbisyong ito.

Pagpapatupad

Regular na sinusuri ng Google ang pagsunod nito sa Patakaran sa Pagkapribado na ito. Mangyaring huwag mag-atubiling mag-direkta ng anumang mga tanong o alalahanin patungkol sa Patakaran sa Pagkapribado na ito o pagtrato ng Google sa personal na impormasyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng web site na ito o sa pamamagitan ng pagsulat sa amin sa

Privacy Matters
c/o Google Inc.
1600 Amphitheatre Parkway
Mountain View, California, 94043
USA

Kapag makatanggap kami ng pormal na pasulat na mga reklamo sa address na ito, patakaran ng Google na makipag-ugnay sa nagrereklamong gumagamit patungkol sa kanyang mga alalahanin. Makikipagtulungan kami sa naaangkop na mga awtorisado sa pagpapasunod, kasama ang mga awtorisado sa pagprotekta ng lokal na data, upang malutas ang anumang mga reklamo patungkol sa paglilipat ng personal na data na hindi maaaring malutas sa pagitan ng Google at ng indibidwal.

Mga pagbabago sa Patakaran sa Pagkapribado na ito

Pakitandaan na maaaring magbago oras-oras ang Patakaran sa Pagkapribado na ito. Hindi namin papaliitin ang iyong mga karapatan sa ilalim ng Patakaran sa Pagkapribado na ito ng wala ang iyong tahasang pahintulot, at inaasahan namin ang karamihan sa nasabing mga pagababago ay maliliit. Kung ano pa man, magpo-post kami ng anumang mga pagbabago sa Patakaran sa Pagkapribado sa pahinang ito at, kung makabuluhan ang mga pagbabago, magbibigay kami ng higit pang mahalagang pag-abiso (kasama ang, para sa ilang mga serbsiyo, pag-abiso sa email ng mga pagbabago sa Patakaran sa Pagkapribado). Ang bawat bersyon ng Patakaran sa Pagkapribado na ito ay makikilala sa tuktok ng pahina sa pamamagitan ng petsa ng bisa nito, at magtatabi rin kami ng naunang mga bersyon ng Patakaran sa Pagkapribado na ito sa archive para sa iyong pagsusuri.

Kung mayroon kang anumang mga karagdagang tanong o alalahanin tungkol sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin anumang oras sa pamamagitan ng web site na ito o sa

Privacy Matters
c/o Google Inc.
1600 Amphitheatre Parkway
Mountain View, California, 94043
USA
Mga app ng Google
Pangunahing menu