Isa itong naka-archive na bersyon ng aming Patakaran sa Privacy. Tingnan ang kasalukuyang bersyon o lahat ng nakaraang bersyon.

Patakaran sa Privacy

Huling nabago: Agosto 7, 2008

Kinikilala namin na mahalaga ang privacy sa Google. Ang Patakaran sa Privacy na ito ay nailalapat sa lahat ng mga produkto, mga serbisyo at mga website na inaalok ng Google Inc. o sa mga subsidiary nito o kaakibat ng mga kumpanya maliban sa Pag-doubleClick (I-doubleClick ang Patakaran sa Privacy) at sama-samang Postini (Patakaran sa Privacy ng Postini); “mga serbisyo” ng Google. Sa karagdagan, kung saan kailangan ang karagdagang detalyadong impormasyon upang maipaliwanang ang kasanayan sa privacy, nag-post kami ng abiso sa pandagdag na privacy upang ilarawan kung paano pinoproseso ang partikular na serbisyo personal na impormasyon. Mahahanap ang mga abisong ito sa Google Privacy Center.

Sumusunod ang Google sa US Safe Harbor Privacy Principles of Notice, Pagpipilian, Pasulong na Paglilipat, Seguridad, Integridad ng Data, Access at Pagpapatupad, at nakarehistro sa Programa ng Safe Harbor ng U.S. Department of Commerce.

Kung mayroong anumang mga katanungan tungkol sa Patakaran sa Privacy, mangyaring huwag mag-atubili na Makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng aming website o sumulat sa amin sa

Privacy Matters
c/o Google Inc.
1600 Amphitheatre Parkway
Mountain View, California, 94043
USA

Impormasyon na nakotekta namin at kung paano namin ito magagamit

Nag-alok kami ng isang numero ng serbisyo na hindi nangangailangan ng pagrehistro sa isang account o magbigay ng anumang personal na impormasyon sa amin, katulad ng Google Search. Upang maibigay namin ang ganap na saklaw ng mga serbisyo, maaari kaming magkolekta ng sumusunod na mga uring impormayon:

  • Ibinigay mong impormasyon – Kapag nag-sign up ka para sa isang Google Account o iba pang mga serbisyo ng Google o promosyon na nangangailangan ng pagrehistro, humihingi kami sa inyo ng personal na impormasyon (katulad ng iyong pangalan, email address at isang password ng account). Para sa tiyak na mga serbisyo, katulad ng aming mga programa sa advertising, humihiling din kami ng credit card o iba pang impormasyon sa pagbabayad sa account na pinapanatili sa naka-encrypt na form sa mga secure na server. Maaari naming ipagsama ang impormasyon na naisumite sa ilalim ng iyong account sa impormasyon mula sa ibang mga serbisyo ng Google o ng mga third party upang magbigay sa iyo ng isang mahusay na karanasan at upang mapabuti ang kalidad ng mga serbisyo. Para sa tiyak na mga serbisyo, maaari kaming magbigay sa iyo ng oportunidad upang magpasyang huwag sumali sa pagsama ng impormasyong iyon.
  • Mga Cookie – Kapag bumisita ka sa Google, magpapadala kami ng isa o marami pang mga cookie – ang isang maliit na file na naglalaman ng isang string ng mga character – sa iyong computer na natatanging kumikilala sa iyong browser. Gumagamit kami ng mga cookie upang mapahusay ang kalidad ng aming mga serbisyo sa pamamagitan ng pagimbak sa mga ginusto ng gumagamit at pagsubaybay sa mga trend ng gumagamit, katulad ng kung paano naghahanap ang mga tao. Gumagamit din ang Google ng mga cookie sa serbisyo ng advertising nito upang matulungan ang mga advertiser at mga naghahatid sa publisher at namamahala ng mga ad sa web. Maaari kaming magtakda ng isang cookie sa iyong browser kapag bumisita sa isang website at makita o makapag-click sa isang ad na sinusuportahan ng mga serbisyo ng advertising sa Google.
  • Impormasyon sa log – Kapag nag-access ka sa mga serbisyo sa Google, awtomatikong itinatala ang impormasyon sa aming mga server na ipinapadal ng iyong browser kapag bumibisita sa isang website. Ang mga server log na ito ay maaaring nagsama ng impormasyon katulad ng paghiling mo sa web, Internet Protocol address, uri ng browser, wika ng browser, ang petsa at oras ng iyong paghiling at isa o higit pang mga cookie na maaaring natatanging makakilala sa iyong browser.
  • Mga komunikasyon ng gumagamit – Kapag nagpadala ng email o iba pang mga komunikasyon sa Google, maaari naming mapanatili ang mga komunikasyong iyon upang maiproseso ang iyong mga pagtatanong, tumugon sa iyong mga kahilingan at mapahusay ang aming serbisyo.
  • Mga Kaakibat na site – Inaalok namin ang ilang sa aming mga serbisyo bilang koneksyon sa ibang mga web site. Ang naibigay mong mga personal na impormasyon sa mga site ay maaaring ipadala sa Google upang maihaitd ang serbisyo. Pinoproseso namin ang ganitong impormasyon ayon sa Patakaran sa Privacy. Ang mga kaakibat na site ay mayroong magkaibang mga kasanayan sa privacy at iminumungkahi naming basahin ninyo ang kanilang mga patakaran sa privacy.
  • Mga Link – Ang Google ay maaaring magpakita ng mga link sa isang format na pinapayagan tayong subaybayan kung nasunod ang mga link na ito. Ginagamit namin ang impormasyong ito upang mapahusay ang kalidad ng aming teknolohiya sa paghahanap, pagpapasadya sa nilalaman at advertising. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga link at nai-redirect na mga URL, pakitingnan ang aming Mga Madalas Itanong.
  • Iba pang mga site – Ang Patakaran sa Privacy ay inilapat lamang sa mga serbisyo ng Google. Hindi namin ipinapatupad ang kontrol sa mga site na ipinakita bilang mga resultang hinanap o mga link mula sa loob ng iba’t ibang mga serbisyo namin. Ang mga site na ito ay maaaring maglagay ng kanilang sariling mga cookie o ibang mga file sa iyong computer, na kumukolekta ng data o humihingi ng personal na impormasyon mula sa inyo.

Pinoproseso lamang ng Google ang personal na impormasyon para sa inilarawang mga layunin sa Patakaran sa Privacy na ito at/o ang mga abiso sa pandagdag sa privacy para sa tiyak na mga serbisyo. Sa karagdagan sa nasa itaas, katulad ng isinamang mga layunin:

  • Upang mapanatili ang pagbibigay ng aming mga serbisyo sa mga gumagamit, kabilang ang mga pagpapakita ng pinasadyang nilalaman at advertising;
  • Pag-awdit, pagsisiyasat at pag-aaral, maprotektahan at mapahusay ang aming mga serbisyo;
  • Tinitiyak ang pagpapaandar sa teknikal ng aming network; at
  • Pagbuo ng bagong mga serbisyo.

Makakahanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano namin maipoproseso ang personal na impormasyon sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga abiso sa pandagdag sa privacy para sa partikular na mga serbisyo.

Pinoproseso ng Google ang personal na impormasyon sa aming mga server sa Estados ng Unidos sa America at sa iba pang mga bansa. Sa ilang mga kaso, pinoproseso namin ang personal na impormasyon sa isang server sa labas ng iyong sariling bansa. Pinoproseso namin ang personal na impormasyon upang ibigay ang aming sariling mga serbisyo. Sa ilang mga kaso, maaari naming maiproseso ang personal na impormasyon sa ngalan ng at ayon sa mga tagubilin ng isang third party, katulad ng aming mga kasosyo sa advertising.

Mga pagpipilian para sa personal na impormasyon

Kapag nag-sign up ka para sa isang partikular na serbisyo na nangangailangan ng pagrehistro, hinihiling naming magbigay kayo ng personal na impormasyon. Kung ginamit namin ang impormasyon na ito sa paraan na iba kaysa sa layunin sa kung paano ito kinolekta, sa gayon hihingi kami ng pagsang-ayon bago ito gamitin.

Iminumungkahi namin ang paggamit sa personal na impormasyon para sa anumang mga layunin kaysa sa mga inilarawan na Patakaran sa Privacy na ito at/o sa tinukoy na mga abiso ng serbisyo sa privacy, aalokin ka namin ng isang epektibong paraan upang magpasyang hindi sumali sa paggamit ng personal na impormasyon para sa iba pang mga layunin. Hindi kami kokolekta o gagamit ng sensitibong impormasyon para sa layuning iba kaysa sa mga inilarawan sa Patakaran sa Privacy na ito at/o sa mga pandagdag na abiso tungkol sa privacy ng serbisyo, maliban kung nakuha namin ang iyong paunang pagsang-ayon.

Karamihan sa mga browser ay paunang naka-set up upang makatanggap ng mga cookie, subalit maaari mong i-reset sa iyong browser upang tanggihan ang lahat ng mga cookie o upang ipahiwatig kapag ang isang cookie ay naipadala. Gayunpaman, ang ilang mga tampok sa Google at mga serbisyong maaaring hindi mapatakbo ng tama kung ang iyong mga cookie ay hindi pinagana.

Maaari kang pumili sa magpasyang hindi sumali sa mga cookie ng Ad Serving ng Google sa Google Content Network sa anumang oras sa pamamagitan ng paggamit ng cookie opt-out ng DoubleClick.

Maaari kang tumanggi na magsumite ng personal na impormasyon sa anuman sa aming mga serbisyo, sa kasong ito ay maaaring hindi maibigay ang mga sebisyo sa iyo ng Google.

Pagbabahagi ng impormasyon

Ibinabahagi lamang ng Google ang personal na impormasyon sa iba pang mga kumpanya o mga indibidwal sa labas ng Google sa sumusunod na limitadong mga sitwasyon:

  • Mayroon kami ng iyong pagsang-ayon. Kinakailangan namin ang iyong pagsang-ayon sa pagsali para sa pagbabahagi ng anumang sensitibong personal na impormasyon.
  • Nagbibigay kami ng impormasyon sa aming mga subsidiary, kaakibat na mga kumpanya o iba pang mga pinagkakatiwalaang mga negosyo o mg tao para sa layunin ng pagproseso ng personal na impormasyon sa ngalan mo. Kinakailangan namin ang mga partido ay sumasang-ayon sa pagproseso sa impormasyon iyon batay sa aming mga tagubilin at sa pagtalima sa Patakaran sa Privacy at anumang iba pang naaangkop na pagiging kumpedensyal at mga pamamaraan sa seguridad.
  • Mayroon kaming matibay na paniniwala na ang pag-access, pag-gamit, pag-iingat o pagsisiwalat ng mga naturang impormasyon ay talagang kinakailangan sa (a) nasiyahan sa anumang nalalapat na batas,regulasyon, prosesong ligal o naipapatupad na kahilingang pang-pamahalaan (b) ipatupad ang mga Tuntunin ng serbisyo, kabilang ang pagsisiyasat ng potensyal na mga paglabag dito, (c) manmanan, iwasan, o kung hindi ay harapin ang panlilinlang, mga usaping seguridad o panteknikal, o (d) protektahan laban sa napipintong pinsala sa mga karapatan, ari-arian o kaligtasan ng Google, ang mga gumagamit nito o ang publiko bilang kinailangan o pinahintulutan ng batas.

Kung nasangkot ang Google sa isang pagsasama, pagkuha, o ng anumang paraan ng pagbenta sa ilan o lahat ng mga ari-arian, magbibigay kami ng abiso bago mailipat at maging saklaw sa isang magkaibang patakaran sa privacy sa personal na impormasyon.

Maaari naming ibahagi sa mga third party ang tiyak na mga piraso ng pinagsam, hindi personal na impormasyon, katulad ng bilang ng mga gumagamit na naghahanap para sa isang partikular na term, halimbawa, o kung gaano karami ang gumagamit na nag-click sa isang partikular na advertisement. Ang katulad na impormasyon ay hindi kayo kinikilala bilang indibidwal.

Mangyaring makipag-ugnay sa amin sa address sa ibaba para sa abnumang karagdagang mga katanungan tungkol sa management o paggamit sa personal na data.

Seguridad sa impormasyon

Gumagamit kami ng mga pamamaraan sa seguridad upang protektahan laban sa hindi pinahintulutang pag-access sa o hindi pinahintulutang pagbago, pagbunyag o pagkasira ng data. Kabilang dito ang panloob na mga pagsuri ng aming nakolektang data, imbakan at kasanayan sa pagproseso at pamamaraan sa seguridad, pati na rin ang mga pamamaraan sa pisikal na seguridad upang mabantayan ang hindi pinahintulutang pag-access sa mga system kung saan nakaimbak ang personal na data.

Nirerendahan namin ang pag-access sa personal na impormasyon sa mga empleyado ng Google, mga kontraktor at mga ahente na nangangailangang malaman ang impormasyon upang pamahalaan, buuin at mapahusay ang aming mga serbisyo. Ang mga indibidwal na ito ay nasasaklawan ng mga obligasyon sa pagkakumpidensyal at maaaring sakop sa pagdidisiplina , kabilang ang pagtatapos at pag-usig sa kriminal, kung mabigo na makamit ang mga obligasyon na ito.

Integridad ng data

Pinoproseso ng Google ang personal na impormasyon lamang para sa mga layunin kung saan ito nakolekta at ayon sa Patakaran ng Privacy na ito o ng anumang naaangkop na abiso sa tiyak na serbisyo sa privacy. Nasuri namin ang aming koleksyon ng data, imbakam at kasanayan sa pag-process upang tiyakin na kinolekta lamang namin, inimbak at naiproseso ang personal na impormasyong kailangan upang magbigay o mapahusay ang mga serbisyo. Magsasagawa kami ng makatwirang mga hakbang upang tiyakin na ang personal na impormasyong naiproseso namin ay tumpak, kumpleto, at pangkasalukuyan sa aming mga gumagamit o pagwasto ng personal na impormasyon kung kinakailangan.

Pag-access at pag-update ng personal na impormasyon

Kapag ginamit mo ang mga serbisyo ng Google, gumagawa kami ng matibay na pagsisikap upang magbigay sa inyo ng may pag-access sa iyong personal na impormasyon at alinman upang iwasto ang data kung ito ay hindi tumpak o upang alisin ang katulad na data sa iyong mga paghiling kung ito ay hindi kung hindi man kinakailangan na manatili sa pamamagitan ng batas o para sa lihitimong mga layunin sa negosyo. Hinihiling namin ang indibidwal na mga gumagamit upang kilalanin ang kanilang sarili at ang hiniling na impormasyon upang i-access, iwinasto o tinanggal bago ang pagproseso ng mga hiniling na iyon, at maaari naming tanggihan upang iproseso ang mga kahilingan na hindi makatwirang paulit-ulit o makakasunod-sunod, nangangailangan ng hindi nababagay na pagsisikap na panteknikal, isapeligro ang privacy ng iba, o maaaring napaka hindi praktikal (halimbawa, mga hiling tungkol sa impormasyon na naninirahan sa mga naka-backup na tape), o kung aling access ay hindi o kaya kinakailangan. Sa anumang kaso kung saan kami nagbigay ang pag-access at pagwawasto ng impormasyon, ginagampanan namin ang serbisyong ito ng libre, maliban kung gagawin ay mangangailangan ng isang hindi nababagay na pagsusumikap. Ilan sa aming mga serbisyo ay may ibang mga pamamaraan upang mag-access, wasto o natanggal na personal na impormasyon ng gumagamit. Nagbibigay kami ng mga detalye para sa mga pamamaraan sa tiyak na mga abiso sa privacy o mga madalas itanong para sa mga serbisyong ito.

Pagpapatupad

Regular na sinusuri ng Google ang pagsunod sa Patakaraan sa Privacy na ito. Mangyaring huwag magatubiling na iderekta ang anumang mga katanungan o mga alalahanin tungkol sa Patakaran sa Privacy na ito o personal na impormasyon sa pagtrato sa Google sa pamamagitan ng pakikipagugnay sa amin sa web site na ito o sa pagsulat sa amin sa

Privacy Matters
c/o Google Inc.
1600 Amphitheatre Parkway
Mountain View, California, 94043
USA

Kapag nakatanggap kami ng pormal na reklamo sa panulat sa address na ito, ito ay patakaran upang makipag-ugnay sa gumagamit na nagrereklamo tungkol sa kanilang mga alalahanin sa Google. Makikipagtulungan kami sa naangkop na awtoridad na nagsasaayos, kabilang ang lokal na mga awtoridad sa proteksyon sa data, upang malutas ang anumang mga reklamo tungkol sa paglipat ng personal na data na hindi malulutas sa pagitan ng Google at ng isang indibidwal.

Mga pagbabago sa Patakaran sa Privacy na ito

Pakitandaan na ang Patakaran sa Privacy ay maaaring panapanahong magbago. Hindi namin babawasan ang iyong mga karapatan sa ilalim ng Patakaran sa Privacy ng walang tahasang pahintulot, at lubos naming inaasahan ang mga kaunting pagbabago. Maging ano paman, magpo-post kami ng anumang mga pagbabago sa Patakaran sa Privacy sa pahinang ito at, kung mga pagbabago ay may kabuluhan, magbibigay kami ng isang karagdagang prominenteng abiso (kabilang ang, para sa mismong mga serbisyo, mga abiso sa email ng pagbabago sa Patakaran sa Privacy). Ang bawat bersyon ng Patakaran sa Privacy ay kikilalanin sa tuktok na pahina sa pamamagitan ng petsang may bisang ito, at pananatilihin namin sa mga naunang mga bersyon ng Patakaran sa Privacy sa isang archive para sa iyong pagsusuri.

Kung ikaw ay may anumang karagdagang mga katanungan o alalahanin tungkol sa Patakaran sa Privacy na ito, mangyaring huwag magatubiling makipag-ugnay sa amin anumang oras sa pamamagitan ng web site na ito o sa

Privacy Matters
c/o Google Inc.
1600 Amphitheatre Parkway
Mountain View, California, 94043
USA
Mga app ng Google
Pangunahing menu