Paano pinoprotektahan ng Google ang aking privacy at pinapanatiling secure ang aking impormasyon?
Alam naming mahalaga sa iyo ang seguridad at privacy – at mahalaga rin ang mga ito sa amin. Ginagawa naming priyoridad na magbigay ng malakas na seguridad at magbigay sa iyo ng kumpyansa na ligtas at maa-access ang iyong impormasyon kapag kailangan mo ito.
Patuloy kaming nagsisikap para tiyakin ang mahigpit na seguridad, protektahan ang iyong privacy, at gawing mas epektibo at mahusay pa ang Google para sa iyo. Gumagastos kami ng daan-daang milyong dolyar kada taon sa seguridad, at nag-eempleyo kami ng mga ekspertong kilala sa buong mundo sa larangan ng seguridad ng data para mapanatiling ligtas ang iyong impormasyon. Bumuo rin kami ng madadaling gamiting tool sa privacy at seguridad gaya ng Google Dashboard, 2-step na pag-verify, at mga naka-personalize na setting ng ad na makikita sa Ang Aking Ad Center. Kaya naman pagdating sa impormasyong ibinabahagi mo sa Google, ikaw ang may kontrol.
Maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa kaligtasan at seguridad online, kabilang kung paano poprotektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya online, sa Google Safety Center.
Matuto nang higit pa tungkol sa kung paano namin pinapanatiling pribado at ligtas ang iyong personal na impormasyon — at hinahayaan kang kontrolin ito.
Bakit nauugnay ang aking account sa isang rehiyon?
Nauugnay ang iyong account sa isang rehiyon (o teritoryo) sa Mga Tuntunin ng Serbisyo para matukoy namin ang ilang bagay:
- Ang affiliate ng Google na nagbibigay ng mga serbisyo, na nagpoproseso sa iyong impormasyon, at na responsable sa pagsunod sa mga naaangkop na batas sa privacy. Sa pangkalahatan, iniaalok ng Google ang mga serbisyo sa consumer nito sa pamamagitan ng alinman sa dalawang kumpanya:
- Google Ireland Limited, kung ikaw ay nasa European Economic Area (mga bansa sa EU kasama ang Iceland, Liechtenstein, at Norway) o Switzerland
- Google LLC, na nasa United States, para sa iba pang bahagi ng mundo
- Ang bersyon ng mga tuntuning sumasaklaw sa ating ugnayan, na puwedeng mag-iba-iba depende sa mga lokal na batas
- Ang paglalapat ng mga kinakailangang partikular sa rehiyon para sa mga serbisyo ng Google kung saan ka nakatira
Pagtukoy sa rehiyong nauugnay sa iyong account
Kapag gumawa ka ng bagong account, iniuugnay namin ang iyong account sa isang rehiyon batay sa kung saan mo ginawa ang iyong Google Account. Para sa mga account na may isang taon man lang na tagal, ginagamit namin ang rehiyon kung saan mo karaniwang ina-access ang mga serbisyo ng Google — kadalasan, kung saan ka pinakamatagal na namalagi sa nakalipas na taon.
Sa pangkalahatan, hindi naaapektuhan ng madalas na pagbiyahe ang rehiyong nauugnay sa iyong account. Kung lilipat ka sa bagong rehiyon, posibleng abutin nang humigit-kumulang isang taon bago ma-update ang rehiyong nauugnay sa iyo.
Kung hindi tumutugma ang rehiyong nauugnay sa iyong account sa rehiyong tinitirhan mo, posibleng dahil ito sa magkaiba ang rehiyon kung saan ka nagtatrabaho at rehiyon kung saan ka nakatira, nag-install ka ng Virtual Private Network (VPN) para itago ang iyong IP address, o nakatira ka malapit sa hangganan ng teritoryo. Kung hindi ka sang-ayon sa rehiyong nauugnay sa account mo, magsumite ng kahilingan para palitan ang iyong rehiyon.
Paano ko maaalis ang impormasyon tungkol sa aking sarili mula sa mga resulta ng paghahanap ng Google?
Ipinapakita sa mga resulta ng paghahanap sa Google ang nilalamang available sa publiko sa web. Hindi direktang makakapag-alis ng nilalaman sa mga website ang mga search engine, kaya kapag nag-alis ng mga resulta ng paghahanap sa Google, hindi maaalis ang nilalaman sa web. Kung may gusto kang alisin sa web, dapat kang makipag-ugnay sa webmaster ng site kung saan naka-post ang nilalaman at humiling sa kanyang gumawa ng pagbabago. Sa sandaling naalis na ang nilalaman at alam na ng Google ang update, hindi na lalabas ang impormasyon sa mga resulta ng paghahanap sa Google. Kung mayroon kang agarang kahilingan sa pag-aalis, maaari mo ring bisitahin ang aming pahina ng tulong para sa higit pang impormasyon.
Ipinapadala ba sa mga website ang aking mga query sa paghahanap kapag nag-click ako sa mga resulta ng Google Search?
Karaniwang hindi. Kapag nag-click ka sa isang resulta ng paghahanap sa Google Search, magpapadala ang iyong web browser ng ilang partikular na impormasyon sa destinasyong webpage. Puwedeng lumabas ang iyong mga termino para sa paghahanap sa Internet address, o URL, ng page ng resulta ng paghahanap, pero nilalayon ng Google Search na pigilan ang mga browser na ipadala ang URL na iyon sa destinasyong page bilang Referrer URL. Nagbibigay kami ng data tungkol sa mga query sa paghahanap sa pamamagitan ng Google Trends at Google Search Console, pero kapag ginagawa namin ito, pinagsasama-sama namin ang mga query para mga query na mula sa maraming user lang ang maibabahagi namin.