Stellarium - Star Map ay isang planetarium app na eksaktong ipinapakita kung ano ang nakikita mo kapag tumingala ka sa mga bituin.
Tukuyin ang mga bituin, talanyo, planeta, kometa, satelayt (tulad ng ISS), at iba pang deep sky object sa tunay na oras sa kalangitan sa ibabaw mo sa ilang segundo lamang, sa pamamagitan lang ng pagturo ng phone sa langit!
Ang aplikasyong pang-astronomiyang ito ay may madaling gamitin at minimalistikong user interface, kaya isa ito sa pinakamahusay na aplikasyong pang-astronomiya para sa mga matatanda at bata na nagnanais tumuklas sa panggabing kalangitan.
mga tampok sa Stellarium:
★ Tignan ang eksaktong simulasyon ng panggabing kalangitan ng mga bituin at mga planeta sa anumang araw, oras at lugar.
★ Tumuklas sa koleksyon ng maraming mga bituin, mga nebula, mga galaxi, mga kumpol ng bituin at iba pang mga deep sky object.
★ Mag-zoom sa makatotohanang Milky Way at mga larawan ng mga Deep Sky Object.
★ Alamin kung paano nakikita ng mga taong namumuhay sa iba't ibang mga rehiyon ng mundo ang mga bituin sa pamamagitan ng pagpili ng mga hugis at mga guhit ng mga talanyo para sa maraming kulturang pangkalangitan.
★ Sundan ang mga artipisyal na satelayt, kasama na ang International Space Station.
★ Mag-simulate ng landscape at atmosphere na may makatotohanang pagsikat ng araw, paglubog ng araw at atmosphere refraction.
★ Tuklasin ang 3D rendering ng mga pangunahing planeta sa solar system at ang kanilang mga satelayt.
★ Magmasid sa kalangitan sa panggabing mode (pula) para mapanatili ang adaptasyon ng iyong mga mata sa kadiliman.
Ang Stellarium ay mayroong mga in-app purchase na nagpapaposible na mag-upgrade sa Stellarium Plus. Gamit ang upgrade na ito, ang app ay magpapalabas ng mga bagay na kasinlabo ng magnitude 22 (kumpara sa magnitude 10 sa base version) at mapagana ang advanced na mga feature sa pagmamasid.
mga tampok sa Stellarium Plus (Ini-unlock gamit ang in-app purchase):
★ Abutin ang limit ng kaalaman sa pagkuha sa napakalawak na koleksiyon ng mga bituin, nebula, galaxy, kumpol ng bituin at iba pang mga bagay sa kalawakan:
• Lahat ng kilalang bituin: Catalog ng Gaia DR3 ng higit sa 1.81 na bilyong bituin
• Lahat ng kilalang planeta, mga natural na satellite at kometa, at marami pang ibang maliliit na bagay sa solar system (10k asteroids)
• Karamihan sa kilalang bagay sa kalawakan: isang pinaghalong catalog ng higit sa 2 milyong nebula at galaxy
★ Halos walang limit ang Zoom sa mga high resolution na larawan ng mga bagay sa kalawakan o ibabaw ng planeta.
★ Pagmasdan sa parang, kahit walang koneksiyon sa internet, gamit ang "binawasang" set ng data: 3 milyong bituin, 2.3 milyong Bagay sa Kalawakan, 10k asteroid.
★ Kontrolin ang iyong telescope gamit ang Bluetooth o WIFI: gamitin ang anumang GOTO telescope na compatible sa NexStar, SynScan o LX200 na mga protocol.
★ Ihanda ang iyong mga sesyon sa pagmamasid gamit ang mga advanced na tool sa pagmamasid, para hulaan kung kailan mapagmamasdan ang bagay sa kalangitan at kailan ito magbabago.
Ang Stellarium - Star Map ay ginawa ng original creator ng Stellarium, ang sikat na open source planetarium at isa sa pinakamahusay na application sa astronomiya sa Desktop PC.
Na-update noong
Hun 15, 2026