Isang tool ang Accessibility Scanner na nagsi-scan ng user interface ng app para makapagbigay ng mga rekomendasyon ukol sa kung paano pahusayin ang accessibility ng app. Binibigyan ng kakayahan ng Accessibility Scanner ang kahit sino, hindi mga developer lang, para mabilis at madaling matukoy ang iba't ibang karaniwang pagpapahusay ng accessibility; halimbawa, pagpapalaki ng maliliit na pipindutin, pagtataas ng contrast para sa text at mga larawan, at pagbibigay ng mga paglalarawan ng content para sa mga walang label na grapikong elemento.
Posibleng magbigay-kakayahan sa iyo ang pagpapahusay ng accessibility ng iyong app para maabot ang mas malaking audience at makapagbigay ng mas kumpletong karanasan, lalo na para sa mga user na may mga kapansanan. Madalas na humahantong ito sa higit na kasiyahan ng user, mga rating ng app, at pagpapanatili ng user.
Madaling ibahagi ang mga pagpapahusay na iminungkahi ng Accessibility Scanner sa mga miyembro ng iyong development team para malaman kung paano maisasama ang mga ito sa app.
Para simulan ang paggamit ng Accessibility Scanner:
• Buksan ang app at sundin ang mga prompt para mai-on ang serbisyo ng Accessibility Scanner.
• Mag-navigate sa app na nais mong i-scan at i-tap ang nakalutang na button ng Accessibility Scanner.
• Piliin para magsagawa ng isang scan, o mag-record ng buong paglalakbay ng user sa maraming interface.
• Para sa mas detalyadong mga tagubilin, sundin ang gabay na ito sa pagsisimula:
g.co/android/accessibility-scanner-help Panoorin ang maikling video na ito para malaman pa ang tungkol sa kung paano gumagana ang Scanner.
g.co/android/accessibility-scanner-video Paunawa sa Mga Pahintulot:
Serbisyo sa accessibility ang app na ito. Habang aktibo ito, nangangailangan ito ng pahintulot para makuha ang nilalaman ng window at obserbahan ang iyong mga pagkilos para maisagawa ang trabaho nito.