Mga Patakaran sa Programa ng Gmail
Nalalapat sa Gmail ang Mga Patakaran ng Programa sa ibaba. Mahalaga ang tungkulin ng mga patakaran sa pagpapanatili ng positibong karanasan para sa lahat ng gumagamit ng Gmail.
Kung ginagamit mo ang Gmail sa isang consumer (hal., @gmail.com) account, sumangguni rin sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google para sa higit pang impormasyon. Kung gumagamit ka ng account sa pamamagitan ng trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon, posibleng malapat ang mga tuntunin batay sa kasunduan ng iyong organisasyon sa Google o batay sa iba pang patakaran. Posibleng makapagbigay ng higit pang impormasyon ang iyong administrator.
Kailangan naming mapigilan ang mga pang-aabusong nagbabanta sa aming kakayahang ibigay ang mga serbisyong ito, at hinihiling naming sumunod ang lahat sa mga patakaran sa ibaba para tulungan kaming makamit ang layuning ito. Sa oras na maabisuhan kami tungkol sa isang posibleng paglabag sa patakaran, posible naming suriin ang content at puwede kaming magsagawa ng pagkilos, kasama ang paglimita o pagwawakas sa access ng isang user sa mga produkto ng Google. Kung na-disable ang iyong account, at sa palagay mo ay hindi dapat ito nangyari, sundin ang mga tagubilin sa page na ito.
Puwede kaming magsagawa ng pagkilos sa mga account na lalampas sa mga limitasyon sa quota ng storage. Halimbawa, puwede naming ipagbawal ang pagpapadala o pagtanggap ng mga mensahe kung lampas ka na sa iyong quota ng storage. Posible ring mag-delete kami ng content sa iyong account kung hindi mo mababawasan ang ginagamit mong storage o kung hindi ka makakakuha ng sapat na karagdagang storage. Magbasa pa tungkol sa mga quota ng storage dito.
Tiyaking nababalikan mo ito paminsan-minsan, dahil posibleng magbago ang mga patakarang ito.
Mag-ulat ng pang-aabuso
Kung sa palagay mo ay lumabag ang isang account sa aming Mga Patakaran ng Programa, maraming paraan para maiulat ito:
- Para sa pangkalahatang pang-aabuso, gamitin ang form na ito
- Para sa paghahanda sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa bata, gamitin ang form na ito
- Para sa mga paglabag sa copyright, gamitin ang form na ito
Tiyaking basahin ang mga patakaran sa ibaba para maunawaan kung ano ang aming pakahulugan sa mapang-abusong gawi. Posibleng i-disable ng Google ang mga account na malalamang na lumalabag sa mga patakarang ito. Kung idi-disable ang iyong account, at naniniwala kang hindi ito dapat na-disable, sundin ang mga tagubilin sa page na ito.
Kawalan ng Aktibidad sa Account
Gamitin ang produkto para manatiling aktibo. Kasama sa aktibidad ang pag-access sa produkto o sa content nito nang kahit bawat 2 taon lang. Posibleng magsagawa kami ng pagkilos sa mga hindi aktibong account, na puwedeng kabilangan ng pag-delete ng iyong mga mensahe sa produkto. Magbasa pa rito.
Spam at Maramihang Mail
Huwag gamitin ang Gmail para magbahagi ng spam o hindi hinihinging komersyal na mail.
Hindi ka pinapayagang gamitin ang Gmail para magpadala ng email na lumalabag sa CAN-SPAM Act o iba pang batas na laban sa spam; magpadala ng walang pahintulot na email sa pamamagitan ng mga open at third-party na server, o mamahagi ng mga email address ng sinumang tao nang wala ang pahintulot nila.
Hindi ka pinapayagang i-automate ang interface ng Gmail para magpadala, mag-delete, o mag-filter ng mga email, sa isang paraang manlilito o manlilinlang sa mga user.
Pakitandaan na ang pagpapakahulugan mo sa mail na "hindi hinihingi" o "hindi gusto" ay posibleng iba sa pananaw ng mga tatanggap ng iyong email. Gamitin ang mahusay na pagpapasya kapag nagpapadala ng email sa maraming tatanggap, kahit na dati nang pinili ng mga tatanggap na makatanggap ng mga email mula sa iyo. Kapag minarkahan ng mga user ng Gmail ang mga email bilang spam, pinapataas nito ang posibilidad na ang mga mensahe na ipapadala mo sa hinaharap ay uuriin din bilang spam ng aming mga system laban sa pang-aabuso.
Ang Paggawa at Paggamit ng Maraming Gmail Account
Huwag gumawa ng maraming account para abusuhin ang mga patakaran ng Google, i-bypass ang mga limitasyon ng Gmail account, dayain ang mga filter, o kaya ay lusutan ang mga nakatakdang paghihigpit sa iyong account. (Halimbawa, kung na-block ka ng isa pang user o na-disable ang iyong Gmail account dahil sa pang-aabuso, huwag gumawa ng pamalit na account na nagsasagawa ng parehong aktibidad.)
Hindi ka rin pinapayagang gumawa ng mga Gmail account sa naka-automate na paraan o bumili, magbenta, makipag-trade, o muling magbenta ng mga Gmail account sa iba.
Malware
Huwag gamitin ang Gmail para magpadala ng mga virus, malware, worm, depekto, Trojan horse, sirang file, o anupamang item na nakakasira o nakakalinlang. Dagdag pa rito, huwag magbahagi ng content na nakakapinsala o nakakaantala sa pagpapatakbo ng mga network, server, o iba pang imprastraktura na pagmamay-ari ng Google o pagmamay-ari ng iba.
Panloloko, Phishing, at iba pang Mapanlinlang na Kasanayan
Hindi mo puwedeng i-access ang Gmail account ng isa pang user nang walang tahasang pahintulot.
Huwag gamitin ang Gmail para sa phishing. Iwasang manghingi o mangolekta ng sensitibong data, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa mga password, pinansyal na detalye, at mga numero ng Social Security.
Huwag magpadala ng mga mensahe para manloko, manlinlang, o mandaya ng ibang user sa pagbabahagi ng impormasyon nang nagpapanggap. Kabilang dito ang pagpapanggap na ibang tao, kumpanya, o entity na may intensyong mandaya o manlinlang.
Kaligtasan ng Bata
Ang Google ay may zero-tolerance na patakaran laban sa koleksyon ng imahe ng sekswal na pang-aabuso sa bata. Kapag nalaman namin ang naturang content, iuulat namin ito sa National Center for Missing and Exploited Children gaya ng inaatas ng batas. Puwede rin kaming magpataw ng kaparusahan, kasama ang pagwawakas, laban sa mga Gmail account ng mga sangkot dito.
Ipinagbabawal ng Google ang paghahanda sa bata na tinutukoy bilang isang hanay ng mga pagkilos na naglalayong bumuo ng ugnayan sa isang bata para mabawasan ang inhibisyon ng bata bilang paghahanda para sa pang-aabusong sekswal, pagpupuslit, o iba pang pananamantala.
Kung sa palagay mo ay nasa panganib ng pang-aabuso, pagpupuslit, o pananamantala ang isang bata o kaya ay nakaranas siya ng ganito, makipag-ugnayan agad sa iyong lokal na nagpapatupad ng batas.j
Kung nag-ulat ka na sa nagpapatupad ng batas at kailangan mo pa rin ng tulong, o kung mayroon kang mga alalahaning nahaharap o naharap ang isang bata sa panganib gamit ang Gmail, puwede mong iulat ang gawi sa Google gamit ang form na ito. Pakitandaang puwede mong i-block ang sinumang taong ayaw mong makipag-ugnayan sa iyo sa Gmail anumang oras.
Copyright
Igalang ang mga batas sa copyright. Huwag lumabag sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari ng iba, kasama ang mga karapatan sa patent, trademark, lihim ng negosyo o iba pang mga karapatan sa pag-aari. Hindi ka rin pinapayagang manghikayat o manghimok ng paglabag sa mga karapatan sa intellectual property. Puwede kang mag-ulat sa Google ng paglabag sa copyright sa pamamagitan ng paggamit ng form na ito.
Panliligalig
Huwag gamitin ang Gmail para manligalig, manakot, o magbanta ng ibang tao. Posibleng i-disable ang account ng sinumang mapag-aalaman na ginagamit ang Gmail para sa mga ganitong layunin.
Ilegal na Aktibidad
Panatilihin itong legal. Huwag gamitin ang Gmail para mag-promote, magplano, o magsagawa ng mga aktibidad na labag sa batas.